PROLOGUE

30 2 0
                                    

Prologue

I haven’t tasted fire until I met him. Abaddon. Sure, I’d encounter boxes of matches that made me try to play with fire. But none of them flamed up. I can’t find that attraction that will scorch up my own flames. 

Magmula nang dumating ako dito sa Isabela, kinuwestyon ko lahat ng mga tawa at galak na naranasan ko sa Batangas. Akala ko kahit hindi maganda ang relasyon ko sa aking ina at sa bago nitong pamilya ay higit pa sa maayos ang buhay na meron ako kasama ang mga kaibigan ko.

I once even wished upon a star not to take that life away from me. I don’t want high school to end that soon. I don’t want to go separate ways from my friends. Kahit malakas ang loob ko sa mga ibang bagay, alam kong naging depende din ako sa kanila sa loob ng mga taong nakasama ko sila. 

Knowing that Ate will definitely take me here in Isabela with my father makes me wanna run away. Gusto kong magtago upang hindi niya ako kuhanin. 

I thought that was the best life that I could live so far. 

Now I wonder what my life would be like if I hadn't been given a chance to meet these new people.

Right here at the stage, I can clearly see my friends cheering on me as my father delivered the medal in my neck.

“Congratulations, anak,” sinserong bati ni Papa sa akin. 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakita kong maluha-luha ito habang malawak ang ngiti sa akin. Two years. Two years kaming magkasama ni Papa pero ni isang beses, wala kaming ganitong senaryo na nakita ko siyang masaya para sa anak niya.

Was I really proud that I totally neglected how my father has supported me all this time?

Hindi ako nakasagot o nakangiti man lang dahil konting kibot ko lamang ay mararamdaman ko na naman ang pag-iyak ko.

Tumingin akong muli sa mga kaibigan ko na may malalakas na sigaw dahil sa pagpapakilala sa akin bilang isa sa mga outstanding students ng batch namin. I watched them with misty eyes knowing that this would be the last day of us together.

I’ve felt this one before. Farewell. Saying goodbye but now to different people. 

Nang matapos ang seremonyas ng graduation, nagsama-sama kami upang kumuha ng litrato. 

“Kulang tayo,” saad ni Anamay nang magtabi-tabi na nga ang lahat. “One, two, three,” nagsimula itong bilangin ang barkada. Yumuko ako. “Thirteen. May kulang pang isa.”

“Sinong kulang?” Si Gio na ini-isa namang banggitin ang aming mga pangalan.

Lalong nangilid ang luha ko dahil do’n. Sumasakit na ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil na umiyak.

“Si Don? Nasaan si Don?” nag-aalalang tanong sa akin ni Mabel na siyang katabi ko ngunit hindi ko siya nasagot. 

I can feel their secret glances at me. Hindi alam kung tatanungin ako dahil alam kong may alam sila na tinapos ko na ang kung ano man ang namamagitan sa amin.

“Oo nga, nakita ko siya kanina palabas na ng gate.” Nagpa-panic na saad naman ni Marco. “Gio, tara! Habulin muna natin.”

Tumango naman si Gio saka sila tumakbo palabas ng school. 

I am so guilty. Hindi ko tuluyang naisip kung gaano kalungkot si Don na siya lamang mag-isa ang naiiwan dahil sa akin. Even though Gio and Marco and other guys are there for him, he still wants to be excluded from this group. For one reason. Because I told him not to get near me again. And the fact that we’re just inside a single circle, I know it was hard for him.

Dim And Broken (Godsent Series 2) [On-Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon