KABANATA 6

110 7 0
                                    

"You ready?" salubong agad ni Tope sa akin nang makalabas na ako ng Mansion habang dala-dala ang aking mga bagahe.

"Guess I am," sagot ko naman at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.

Agad namang umarko ang kaniyang kilay at bahagya akong inirapan.

"Masyado kang plastic girl," ismid niya bago kinuha ang mga bagaheng hawak ko. "Halika na nga at baka umaalboroto na si Theresa the impatience bitch dahil sa bagal mong kumilos," dugtong niya pa bago naglakad patungo sa compartment ng kaniyang kotse at ipinasok doon ang lahat ng dala ko. "If I know, worried ka dahil there's a lot of chance na makikita mo na ulit ang ex mo. Hay, ewan ko ba sa iyo."

Well, isa na rin iyan sa inaalala ko ngayong mga oras na ito.

Naiiling na lang akong naglakad na rin patungo sa passenger seat dahil ayaw kong humaba ang usapan namin tungkol doon. Akmang bubuksan na ang pinto ng kotse ngunit naunahan niya na ako.

"Wow—"

"Baka sabihin mong ungentleman na naman ako, mahirap na." I just rolled my eyes at the sarcastic tone on his voice.

Ang taray yata ng baklang ito ngayon? Ano kaya ang nahithit niya't mukha yatang wala sa mood ang Lola. Dinaig pa yata ang babaeng may dalaw.

"C'mon, Tope. Spare me with that moodiness of yours. Masyado pang magulo ang takbo ng utak ko para patulan ang kaek-ekan mo sa buhay," sambit ko bago ako pumasok sa loob ng passenger seat and settled myself into it.

"Oh well, kailan ba naging stable ang takbo ng utak mo, Keishana? If I know, matagal ka nang magulo," sagot niya naman bago isinarado ang pinto ng passenger seat na siyang ikinailing ko na lang.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa taong ito.

Nang makapasok na siya sa may driver's seat ay agad niya nang pinaandar ang sasakyan, bumusina muna siya ng dalawang beses hudyat na aalis na kami bago niya pinaharurot ito paalis.

Malalim na buntonghininga na lang ang tangi kong nagawa at bahagyang sumandal sa may backrest ng upuan saka ko marahang ipinikit ang aking mga mata.

I never thought that this day would come so fast. Masyado yata akong subsob sa trabaho at mga personal errands ko kaya naman ay hindi ko na naisip na darating na pala ang araw na ito.

Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagpulot ko sa aking sarili sa Pilipinas dahil nasanay na ako sa bago kong buhay dito sa Italy.

I am not the old Keishana they used to know before, I am way better and stronger than her now. Well, that's what I expected me to be bago ako umuwi sa Pilipinas. Pero ngayon ay hindi ko na alam kung magagampanan ko pa ba ang lahat ng iyan ngayong pabalik na nga kami roon.

I'm so nervous yet so happy dahil makikita ko na ulit ang parents ko, lalo na si Ann. But somehow scared and doubtful when Tristyn's face and posture come crossed my mind.

I actually don't care about my sister anymore, as well as Tanya dahil alam kong sa bagong ako ay hinding-hindi na nila ako maaapak-apakan. Hinding-hindi na nila ako maaapi pa, and I will never ever let them lay even a single hand on my skin. Not even a little piece.

Pero ibang usapan ang kay Tristyn.

Hindi ko malaman ang gagawin ko sa sandaling makukrus muli ang landas naming dalawa.

Pagkarating namin sa may airport ay salubong na mga kilay agad ni Theresa at nakakamatay na mga tingin ang sumalubong sa aming dalawa ni Tope.

I'm sure, selos na naman ang bruha dahil never siyang binibigyan ng atensyon ng kaniyang ultimate crush, tulad ng ginagawa nito sa akin.

Poor Theresa. Kung naging mabait lang siya sa akin ay kahit ako na ang magtulak kay Tope para sa kaniya. Magse-set up pa ako ng blind date para lang sa ikakasaya niya. But nevermind, she's so mean to me. Kaya, thanks but no thanks na lang.

"Sei di nuovo in ritardo, Keishana Marquess. E hai anche incluso il signor Morelli per essere una tartaruga," sambit nito nang makalapit na kami sa kinaroroonan niya. (You're late again, Keishana Marquess. And you really even included Mr. Morelli for being a turtle.)

Agad naman akong napairap dahil sa sinabi niyang iyon.

"Mi scusi, signora DeVille. Per quanto ne so, il signor Morelli è il mio assistente personale e non ti importa se siamo entrambi in ritardo dato che siamo rimasti alzati fino a tardi per la pianificazione di questo progetto che dovrebbe essere fatto da noi tre," sumbat ko naman na siyang ikinatigil niya. "And since you didn't do anything, and your contribution to this project was purely beautifying yourself and shopping, that means, you have no right to blame us, especially me, if we are late in the expected time that was agreed upon. Besides, there are still 5 minutes left before the flight. So, what's your problem with that?" dugtong ko pa na mas lalong ikinatahimik niya. (Excuse me, Ms. DeVille. As far as I know, Mr. Morelli is my personal assistant and you don't care if we are both late since we also stayed up late for the planning of this project that should be done by the three of us.)

Well, sa totoo lang ay hindi ko naman talaga P.A si Tope. Pero dahil ipinagbilin ako ni Lola sa kaniya ay parang naging ganoon na rin ang role niya slash bodyguard na rin.

Ang swerte ko naman dahil sing gwapo ni Tope ang naging bodyguard ko. Oh well, huwag lang talaga niyang marinig ang bagay na iyan dahil alam kong mag-aalburoto na naman siya sa inis.

He is actually more than a bodyguard or a P.A to me. He is my best friend here in Italy and that's what it should be.

"Whatever!" iyon na lang ang kaniyang sinabi bago kami tinalikuran. Sakto na rin dahil tinawag na ang aming flight.

Tanging iling na lang ang aking nagawa habang si Tope naman ay sobrang laki ng ngisi sa tabi ko. Natutuwa kasi talaga siya tuwing nababara ko ang kamalditahan ni Theresa. And I'm sure he is really proud of me talking back to Theresa in that way.

This man.

Baka magulat na lang ako, isang araw ay may gusto na pala ito kay Theresa, hindi ko lang alam. Mostly pa naman sa mga aso't pusa ay nagkakatuluyan.

And I guess, thinking of him that way will be so epic. Ano kaya ang magiging itsura niya?

Wait a minute. What if, magpapakacupid ako't gumawa ng paraan para maging straight na si Tope? Sayang naman ang gandang lalaki niya kung tuluyan na siyang maging bakla.

Hindi rin naman siya lugi kay Theresa, eh. Kesa sa ibang babae ko siya ireto, why not kay Theresa na lang. At least alam kong totoong mahal niya si Tope.

Agad akong napangiti sa aking naisip.

I can't wait for that to happen.

REUNION OF THE HEARTS (BOOK 2) ONGOING Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon