"What?" hindi ako makapaniwalang nakatitig ngayon sa kaniyang mga mata habang pilit kong ipinuproseso sa utak ko ang kaniyang sinabi.
Matapos ang salu-salo namin kanina ay hinila ako agad ni Alodia patungo dito sa may pool kung saan wala masyadong katao-tao dahil nasa loob pa rin hanggang ngayon ang mga katulong at iilang bisita nina Lolo at Lola para sa ginanap na welcome party ko.
Wala naman akong nagawa kundi ang magpahila na lang sa kaniya. Pagkarating namin dito sa pool ay walang paligoy-ligoy agad niyang sinabi sa akin ang palaisipan na kanina pa gumugulo sa isip ko.
And I really caught off guard to that revelation she just told me just now.
Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatulala.
"Base sa naging reaksyon mo, I'm sure Tristyn never mentioned about it to you and never dare to do it and that is because he don't want you to feel disappointed towards your sister. Ayaw niyang mabahiran ng kahit ano ang image ng ate mo sa'yo. Even me, can't believe she did that to him."
Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig habang unti-unting nagsisink in sa akin ang lahat ng sinabi niya.
Kaya ba niya nagawang talikuran si Ate at ang kasal dapat nila dahil doon? Kaya ba kahit anong pilit kong bumalik siya sa kapatid ko ay ayaw na ayaw niya na?
Bakit hindi ko agad naisip ang bagay na yun? Bakit hindi ko agad narealize na baka nga may nagawa si Ate kaya nagkaganun na si Tristyn. Na nakayanan niyang mangaliwa kahit alam niyang sila pa ni Ate.
Tristyn loves her so much... Ngunit dahil sa nangyari ay parang naapakan di lang pagkatao niya kundi buong mundo niya rin.
"Ba-bakit h-hindi ko alam... Bakit hindi niya agad sinabi? Bakit wala man lang siyang nabanggit sa akin tungkol sa bagay na yun? Bakit - bakit?" Napaupo ako sa sobrang frustrations.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon lang lumabas ang katotohanang ito? Bakit kailangan pa naming magkasakitan para lang malaman ko kung ano ba talaga ang ugat kung bakit niya tinalikuran si Ate at hayaan ang sarili niyang mahalin ako?
Ang daming nangyari, ang daming nasaktan, may nawala pang pinakamahalagang tao sa buhay ko dahil lang sa isang lihim na pilit nilang itinatago sa akin.
"Dahil ayaw niyang magkaroon ka ng disappointment at pandidiri sa Ate mo. He doesn't want you to feel disgusted to her."
"And let them feel disgusted and disappointed towards me? Dahil sa minahal ko si Tristyn kahit alam kong ikakasal na sila ni Ate?"
"Keish-"
"Bakit ganun? I don't get it. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ako ang mag suffer sa lahat ng ito. Isa lang naman ang naging kasalanan ko, Dia. At yun ay ang mahalin si Tristyn." Sobrang nafu-frustrate ako sa mga nalaman.
Hindi ko maintindihan - bakit?
"Wala kang kasalanan sa lahat ng mga nangyari, Keish. Kung tutuusin ay ikaw ang biktima rito. Ikaw lang at wala nang iba. Hindi ikaw ang sumira sa kanilang dalawa kundi ang Ate mo mismo. Sadyang ikaw lang ang iniipit ni Sabrina at ni Tanya," dinaluhan niya ako agad sa may sahig ng pool at bahagyang hinawakan ako sa kamay. "Keish, makinig ka sa akin. Itigil mo na ang pagtotolerate sa kapatid mo. She is just using your kindness para abusuhin at pahirapan ka. Because she's insecure. Matagal niya nang alam ang namamagitan sa inyo ni Tristyn, pero itinuloy niya pa rin ang kasal nila kahit ilang beses nang sinabi ni Tristyn sa kaniyang ayaw niya na dahil sa ginawa niya. But your sister threatened him, na once makipaghiwalay at ititigil nito mismo ang kasal nila ay mapapahamak ka."
BINABASA MO ANG
REUNION OF THE HEARTS (BOOK 2) ONGOING
Romance{Warning: Some chapters of this story, entails erotic and matured contents. Read as your own dim fit, or at your own detriment. Consider this an authors advise.} "Sometimes, it takes a heartbreak to shake us awake and help us see we are worth so mu...