Hawak ang maliit na papel na nakasulat ang address ng kung sinong tao na maaari kong puntahan. Biglang nagparamdam ang kaba sa aking puso. Parang alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Phinneas. Dati ay siya ang naghatid ng masalimoot na balita sakin na naging sanhi kung bakit naglamat ang puso ko.
Natuliro ako habang tinititigan ang maliit na perasong papel, malapit lang ang address sa apartment building ko. Hindi ako nagkakamali dahil palagi akong naglalakad sa labas, madalas pa nga kada umaga dahil wala akong treadmill sa apartment kaya naging ehersisyo ko narin ang paglalakad kada umaga.
Natagpuan ko nalang ang sarili na naglalakad papunta sa labas. Binalikan ko ng tingin ang apartment ko, nakasara ito. Para akong nakalutang sa langit dahil sa pagiging blanko, hindi ko alam kung lock yun basta para akong sinapian at bigla nalang umalis.
Naglakad ako palabas, ang lamig ng hangin ay hindi ko ininda dahil nasa pupuntahan ko ang utak ko. Masyado ko yung iniisip. Tanging dala ko lang ay ang maliit na papel na nakasulat dun ang address ni Phoebian o kung sino man.
Pero iba ang pakiramdam ko, parang si Phoebian ang sinisigaw ng isip ko na siya ang tinutukoy ni Phinneas. Hindi ako pupuntahan ni Phinneas kung hindi dahil kay sa kapatid niya.
Palapit ako ng palapit sa address na tinutukoy sa papel ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi sa sama ng loob kundi yung lungkot at nais na makita siya.
Pagliko ko sa kanto ay narating ko agad ang address na nakasaad sa papel, madali lang siyang hanapin dahil gaya ng sabi ko, ilang beses akong dumadaan dito kada umaga.
Isang mataas na bahay ang natagpuan ko, two storey at klasiko ang kanyang desinyo, parang nasa 1950's ang dating ng bahay. Pero hindi bago sa pantingin ko ang bahay.
Napalunok ako. Susubukan ko lang naman ang sinabi ni Phinneas sakin. Kung nandito si Phoebian ay makikita ko din siya sa wakas. Pipindutin ko na sana yung buzzer nang may lumabas na matandang babae. Nilinaw ko ang paningin ko para makompirma kung si Aling Lupe yun pero nadismaya ako dahil hindi siya.
"Magandang gabi po manang." Magalang kong bati sa matandang ginang.
Ngumiti ang matanda at binuksan ang gate. "Magandang gabi din sayo. Ikaw ba si Maia yung kaibigan ni Phinneas?"
Nagulat ako dahil kilala niya si Phinneas. At ang kaswal niya lang dahil pangalan lang ni Phinneas ang tawag niya, walang senyorito o sir.
Tumango ako, napakurap ako. "Ako nga ho. Inaasahan niyo po ba ako?" Kompirma ko dahil unang beses ko palang makapasok dito at alam niya agad ang pangalan ko, salamat nalang kay Phinneas.
"Oo. Kagabi ka pa nga hinihintay pero itong si Phinneas ay matigas talaga at hindi agad sumusunod sa pabor." aniya, at pinasunod ako papasok.
Di na ako nagtanong kung sino ang naghihintay sa akin sa loob, hindi na yun nasiksik pa sa pagpalitan namin ng salita dahil parang nagmamadali siya.
Pag-apak ko palang ng bahay ay nakarinig ako ng mahinang musika, mahina lang siya na parang ang layo. Hinatid ako ni manang sa living area para doon nalang maghintay.
"Sandali lang ha at pupunta ako sa kusina, ano bang gusto mong maiinom?" tanong ni manang.
"Tubig nalang po." sagot ko.
Umalis siya agad, may sinabi siyang hindi ko agad nakuha ng buo pero nakarinig ako na may tatawagan lang siya. Yung isip ko kasi ay naglalakakwatsa, kinakabahan din ako. May pagsisisi akong naramdaman dahil pumunta pa ako dito. Kung nanatili lang sana ako sa apartment ay ayos sana.
Ang buong bahay ay akala ko ay hindi masyadong nalilinisan dahil hindi masyadong maapel sa labas. Hindi masyadong nalilinisan at nagkakabaklat ang pintura, yung gate nga ay kailangan ding pinturahan dahil hindi na kaaya-ayang tignan.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...