Chapter 1

1 0 0
                                    

•••

"Pinilit naman nating mag work diba? pero sadyang hinde talaga kaya, nahihirapan lang tayong dalawa pareho, kaya siguro dapat tapusin nalang talaga natin to El, ayoko narin naman na mahirapan kapa."

Biglang nanariwa ang huling salitang binitawan ng abnoy kong ex sakin habang nakatingin ako sa kanya na kakapasok lang sa paborito kong cafe kung saan ako naroroon.

May kasamang bagong babae ang tukmol.

Napairap naman ako, nung nakaraang linggo lang nung binitawan nya ang madramang pakikipaghiwalay nya sakin, nag practice pa yata bago nakipaghiwalay kasi napaka perfect ng mga linyahan.

"Wow ang taray naman ng ex mo el nung nakaraan lang napakadrama pa ng mga linyahan nyan ah kesyo 'its not you its me' yun pala may bago na ang loko"

Litanya ng kaibigan kong si Pau na kasama kong nagkakape sa cafe bistro, nagkibit balikat lang ako kaya tinignan nya naman ako ng masama.

"Ano?!"

Mataray kong sabi habang nakataas pa ang isang kilay at patay malisyang umiinom ng kape ko habang nakatingin sa kanya.

Wala naman kasi talaga akong pakialam kahit ilang babae pa ang kasama ng ex ko nayan,

Hinde dahil sa hinde ako nasaktan,

Nasaktan ako slight nung una kasi pakiramdam ko ay tinamaan ang ego ko.

Nung isang beses nyako niloko parang gusto kong pulupotin ang leeg nya sa inis ko, pero after nun sinasakyan ko nalang sya.

Hinde naman ako manhid at mas lalong hinde ako tanga, sadyang wala lang akong pakialam..

"Hoy maging normal ka naman no, kunyare nasaktan ka diba dalawang taon din kaya kayo ng ex mong yan kahit na babaero yan may pinagsamahan din naman kayo nyan"

Pang bubuyo pa sa akin ni pao kaya bagot kolang siyang tinignan.

"Anong gusto mong gawin ko ganito ba?" umarte ako na parang nasasaktan kunyare,

"Walangya talaga ang  lalaking yun hinde manlang pinaabot ng tatlong buwan bago ako pinalitan 3months rule ba san ba ako nagkulang?! "

Kunyare nasasaktan kong drama habang madamdaming kumukuha ng tissue at maarteng papunas punas ng mata kahit walang luha.
Humagalpak ng tawa ang hayuf.

"Wag monang uulitin yan hinde bagay sayo ampanget mo" tawang tawa talaga siya kaya sinipa ko nga,

"ARAYY!!" biglang react nya saka tinignan ako ng masama habang kinakamot ang paa niyang sinipa ko,

Panget daw ako baliw ba siya.

"Anong kulang sayo ba kamo? lahat kulang sayo shit ka! napakasweet mo maalaga kapa napakaswerte nya nga sayo eh"

sarcastic na pagkakasabi nyapa habang tumatawa, kaya dun naman  ako natawa.

"diba.. sabi sayo eh" proud ko pang sabi.

"Ni hinde mo nga pinatikim ng fresh na petchay yun eh" panunuya nya pa,

Tawang tawa pa sya habang lumalamon ng red velvet cake na inorder nya,

Umalis narin naman agad sila ervin nag take out lang ng kape tapos umalis nadin agad.

"Gagu bunganga mo nga pinagtitinginan tayo dito"
mahinang saway ko sa knya dahil napatingin ang magjowa sa katabi naming mesa.

"Bakit paborito ko yun petchay lalo na pag fresh" umirap pa siya sabay flip ng hair.

"Ayan kana naman bakit fresh ba ang huling petchay na kinain mo?" tumatawang asar ko sa kanya.

Breaking WallsWhere stories live. Discover now