Chapter Six: So Fast

11 0 0
                                    

Chryseis' POV

"Ang bounty talaga ng lips ni Taylor. I wonder whats the excrete in her genes." sabi ko habang pinapanood yung Style na music video niya. Nandito lang kami sa bahay nagtatambay kasi hindi ko din alam.

"Ha ano? Chryseis naman, ayusin mo nga yang baluktot mong grammar, masakit sa tenga." napanguso ako kay Iseah.

"Ang sakit mo magsalita." sabi ko sa kaniya.

"Ano kaba Chryseis, ang tanda mo na. Pouty yun anong bounty ang sinasabi mo? At anong excrete? Secret Chryseis. If I am your parents, I would enroll you to a kindergarten school, learn the basics my child." ngumiti siya sa akin at nanood na ulit.

Nagshrug nalang ako. Lagi naman nila akong pinapagalitan eh. Pero I understrand naman eh, friends kami. Nagcoconcentrate kami sa panonood ng may maramdaman ako.

"Hey may nagtext sayo Iseah, nagvevertebrate yung cellphone mo." sabi ko sa kaniya.
Pero sa halip na tingnan niya yung cellphone niya, humarap siya sa akin ng nakataas ang kilay.
"Seriously Chryseis?" tumingin nalang ako sa kaniya ng parang nagtatanong, ano na naman ang ginawa ko? Napa-iling nalang siya at kinuha ang cellphone niya.

Binabasa niya ata yung text tapos tumingin siya sa akin.
"Ylae is looking for us. Magsama-sama daw tayo." aah, pano kaya nakuha ni Ylae ang number ni Iseah? Siguro pati number naming tatlo, alam niya.
Nagvertebrate ang cellphone ko, nagtext si Alethea.

Punta kayo dito sa bahay? Tinext ako ni Ylae, magsama-sama daw tayo. Andito kami si bilbil.

"Tara kina Alethea, nandun sila. Tinext din sila ni Ylae." nagtango si Iseah at tumayo kami para pumunta sa kanila.

---------
Alethea's POV

Ang tagal nila. Napatingin ako kay bilbil. Linalaro niya yung unan kong rabbit.

"Hoy, bilbil, anong parte ng pagkatao mo ang pinakaayaw mo?" hindi ko alam kung bakit ko yung natanong sa kaniya, siguro dahil sa boredom. Oh dahil sa iniisip ko.

Napatulala siya. Tapos tumingin siya sa akin. Sineryoso niya ata masyado ang tanong ko.
"Ano bang pamimilian ?" tanong niya.

"Halim---" magbibigay sana ako ng example pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"A. Taas B. Baba C. Kaliwa D. Kanan?" napatingin ako sa kaniya, gusto ko lang makita kung tinatanga lang ba niya ako o seryoso siya sa tanong niya. Pero seryoso talaga siya.

"Don't mind what I said. Sabi ko nga tatahimik nalang ako." pailing-iling kong sabi. Bakit kaya lagi tong sinasapian?

"Bestfriend..." tinaasan ko siya ng kilay. Alam ko na yang paganyan-ganyan niya may hihingin na yan.

"Nako Sybille, gaga ka, tigilan mo ako ng paganyan ganyan mo at wala akong ibibigay sayo."

"Bestfriend gutom na ako." sabi niya tapos yinakap niya pa ako. Walangya tong babaeng to.
"Wala kaming pagkain." pero hindi padin siya humihiwalay, lalo pa niya akong yinakap.
"Bestfriend naman, you're not a good liar, nacheck ko na yung ref niyo kanina, kagrogrocery lang ni Manang eh. Bestfriiieeeendd." haay ,wala naman akong magagawa hindi ako nito titigilan.
"Kahit kailan talaga napakatakaw mo! Ano pa bang magagawa ko? Kumuha ka na."

"Yehey!!! Salamat bestfriendddd!! Kaya mahal na mahal kita eeh!" sabi niya tapos hinalikan niya ako sa pisngi at pumunta sa may likod ng pinto.
"Wala dyan ang ref Sybille."

"Alam ko,pero dito ko tinago yung mga pagkain." napailing nalang ako napakalakas ng tama nito. Kumuha na pala nagpaalam pa.

"Kaya mahal talaga kita bestfriend eh! Haylabyuuuu! Careful Sybille.... Dapat dahan dahan baka may malaglag sa mga babies ko. Careful lang Sybille..." sabi niya habang nangunguha ng napakadaming pagkain. Psh ganyan ka naman , mahal mo lang ako dahil sa pagkain dito. Hindi na talaga ako magpapagrocery habang nandito ka pa.

Four Dating AgentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon