Eight

94 3 1
                                    

Humarap siya ay Mira-i dahil may sinabi ang binata sa kaniya, "Nahiya ka ba? Eh, mas nakakahiya pa yung nangyari sa gabing iyon kesa ngayon."

Tama ang ang lalake na ito. Ipakita ko sa kaniya na hindi ako naapektuhan.

"Bakit naman ako mahihiya. Yung kapatid ko nga, lagi kong hinahalikan sa lips. Yun din ang tingin ko sayo, just my little brother. Tara na." naunang lumabas si Evelyn. Inutos din niya sa binata, isarado ang pinto.

"Tsskk.. papalusot ka pa eh, noh!"

Hindi naman ganun kalayo ang mamahaling restaurant na sinabi ni Mira-i.

Hinatid niya sa upuan ang kaniyang guro. "Oh, thank you!"

"Welcome!"

"Ang ganda naman dito!"

"I told you! 

Nagkwentuhan sila habanng kumakain.

"Napansin ko sa pageant, tinitigan mo ako," seryosong sabi niya kay Evelyn.

Sa sinabi niya ay ngumiti lang ang guro niya sa kaniya. "So? Hindi ba pwede, ako ang kinakabahan sayo."

"Bakit ka naman kakabahan sa akin? Tsaka, iba yung pagkakatitig mo, eh."

"Hay naku, Mira-i. Ano namang kadumihang naiisip ng utak mo. Tigilan mo nga ako! Kumain ka na diyan. Hindi sa kung ano-anong mga non sense ang mga sinasabi mo."

Nagulat si Evelyn dahil sa kamay na dumampi sa kaniyang labi. 

"Huwag ka nga magulo diyan, pinupunasan ko yung ketchup sa labi mo."

"Bakit kamay mo ang ginamit mong pamunas. Eh, may tissue naman. Or sinabi mo nalang sa akin na may ketchup ang labi ko para ako na ang magpunas."

Nakita niyang kinain ng binata ang ketchup na galing sa bibig niya,binatukan niya ito.

"Bakit mo naman kinain iyan. Galing yan sa bibig ko, ah?" She controlled her voice dahil nasa loob sila ng restaurant. May mga tao sa paligid.

"Correction. Sa labas lang ng labi mo. Tsaka, hindi naman madumi. Masarap nga eh!" nakangiti niyang sinabi kay Evelyn.

"Tumigil ka nga diyan!"

"Baka, ikaw ang may maduming isip. Diba, sabi mo nga kanina, parang little brother mo na ako. So, wala yun sa akin."

" I can't believe na ganiyan ka-isip bata."

"Para hindi ka na magalit diyaan, subuan nalang kita." 

"Tumigil ka na nga, Mira-i!"

Dumaan ang isang waiter at may sinabi sa kanila, " Sweet niyo namang mag-ate." 

"Opo. Sweet talaga ako sa kapatid ko. Ate, isubo mo na kasi itong pagkain! Bilis na!" nakangiting pamimilit ni Mira-i.

Pumayag nalang ang guro.

"Ako naman subuan mo, bilis nagugutom na ako!" may pa-baby pa siyang action.

Ano ba 'tong lalake na ito. Nakakainis!

Oh, sige. Mas mabuti na rin yun. Sabayan ko nalang siya sa trip niya.

"Open your mouth, my little brother. Good!"

"Pwede ba, sabay nating subuan ang isa't-isa?"

"Okay." Pumayag nalang ako sa trip ng lalakeng ito.

Hindi pa rin umaalis ang waiter. Inabot ni Mira-i ang kaniyang phone. Sinabi niya sa lalake, kunan kami ng dalawang picture habang nagsusubuan ng pagkain.

"Okay po sir! Okay po. Ready na po! 3, 2,1 say sweet!"

Inabot niya kay Mira-i ang phone.

"Patingin nga ako." inabot niya sa akin ang phone niya.

Ms Evelyn (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon