Wakas part 2

52 1 0
                                    


"Opo. Mahal na mahal niya ako. Kahapon lang, sinabi niya rin sa akin. Kung gaano niya ako ka-mahal. Sinabi niya yun sa birthday party ng kaibigan ko. Buti nga, sa labas lang yun, bukod sa dalawa kong kaibigan, may isa ng nakakaalam na co-teacher ko sa relationship namin.. Sinabi ni Mira-i, wala raw siyang pakialam na malaman ng buong mundo ang tungkol relasyon namin. I refused his confession dahil alam ko mom, dad, mali ang relasyon namin. Ayaw kong masira ang buhay naming dalawa. Ayaw kong itakwil siya ng kaniyang pamilya. Ayaw kong maghirap siya. Ayaw kong mawala ang licence ko. Ayaw kong maging worthless ang pagtataguyod niyo sa akin sa pag-aaral. Mahal na mahal ko siya po, pero kailangan kong gawin ang mga bagay na yun para sa ikakabuti naming dalawa. Ayaw kong maging makasarili dahil mahal ko na rin siya. Tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kaniya kahit mali." pagpapaliwanag ni Evelyn habang pinupunasan niya ang tuloy tuloy na paglabas ng kaniyang mga luha.

Nagtinginan ang mag-asawa. Unang nagsalita ang dad niya. "Kung itatakwil siya ng kaniyang pamilya, edi, aampunin nalang namin siya ng mommy mo. Natutuwa ako sa lalake yun eh. Kami na rin magpapaaral sa kaniya," napatingin si Evelyn sa kanila, sa sinabi ng kanyang dad.

"Ako rin, tutulong ako sa pagpapaaral sa kaniya sa kolehiyo," wika ni Joy.

"Hindi rin ako magpapahuli. Susuportahan ko kayo! Gusto namin maging masaya ang bunso naming kapatid na babae," dagdag ni Melai.

Lalo tuloy naiyak si Evelyn. "Hali nga kayo rito, gusto ko kayong yakapin," iyak na wika ni Evelyn.

Niyakap ng pamilya kasama si Elmo ang kanilang nag-iisang guro sa pamilya. "Thank you! " umiiyak na pasasalamat ni Evelyn .

"Oo nga ate, para may kalaro ako. At may big brother ako. Nakakasawa na kasi mga mukha ninyo, eh!" Nawala tuloy ang pag-iyak ni Evelyn dahil sa sinabi ng kaniyang little brother.

Nagsalita ang mommy niya. "Anak. Kapag kinuha ang lisence mo. Edi, magtutor ka nalang online, yung hindi mo kailangan pumasok para magturo. Ang maganda pa rito, ibang bansa ang tuturuan mo kaya malaki ang kikitain mo. Lalo na, fluent ka sa english. Yan yung ginagawa ng anak ng kumare ko.

At, in demand din ang company na yun kaya naghahanap. sila ng maraming tutor. Pinaliwanag sa akin ng kumare ko. Marami silang job vacancies. Kaya, wag kang mawalan ng pag-asa kapag itinuloy mo yang nararamdaman mo. Tandaan mo, full of twists ang mga nagyayari sa mundo kaya hindi mo exactly na masasabi yan na ang future mo or yan na ang mangyayari sayo habambuhay.Tandaan mo rin, punong puno ng pag-asa ang mundong ito, sa kabila ng mga pagsubok," lalong nabuhayan ang pag-asa si Evelyn ng marinig ang sinabi ng mom niya. Pati na, ang suporta ng kaniyang pamilya.

"Tama si mom, kaya ikaw Evelyn. Wag ka ng malungkot. Ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa lalakeng minamahal mo," wika ni Melai.

"Lagi mo rin tandaan, nandito lang kaming pamilya mo para alalayan at suportahan ka. Mahal ka namin!" Dagdag na sinabi ni Joy sa bunsong babaeng kapatid.

"Oo, maraming salamat sa inyo! Salamat!"

Nagsalita ang little brother nila, "Tama na nga ang drama ninyo! Nagugutom na ako. Kumain na tayo!" napatawa sila sa sinabi ng kapatid.

"Oo na, Hali na kayo! Kumain na tayo, nagrereklamo na ang boss natin," wika ng dad nila.

"Ikaw talaga, panira ka!" Kinarga niya kapatid at ginugulo ang buhok.

Pagkauwi sa bahay ni Evelyn, agad niyang tinawagan si Mira-i.

Bakit hindi niya sinasagot?! Nagtext siya at tinawagan ng paulit ulit.

Hindi pa rin sinasagot ng binata ang tawag ni Evelyn.

Napupuyat ang babae sa pagtawag kay Mira-i. Nagriring lang.

Ms Evelyn (Rated 18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon