Chapter 1

10 0 0
                                    

CHAPTER 1


 "Boyfriend kita?" Gulat na tanong ng dalaga habang nakatingin sa napakagwapong Mukha nang nagpakilalang kasintahan nito. 

"Yes, he is," tugon nang isa sa kasama ng lalaki. " Pretty handsome, isn't it?" Dagdag pa nito na nagbigay siya sa dalaga, "ang swerte ko!"

Iling naman na tumalikod na lamang ang lalaking nagpakilala, iniisip ang panibagong problemang sumibol. 

Their operation was supposed to be successful, but due to a single miscalculation, his plan failed. Hindi niya inaasahan ang aksidenteng ito. 

Iling na lumabas ng kwarto kung saan nagpapahinga ang babaeng kanina niyang kausap. 

"Are you sure about this?" Tanong ng isa sa mga kasama ng lalaki, "you know I don't have a choice, Lucas."

" Well, I think she doesn't know anything, so we could just let her go."

"No. The plan was ruined because of one miscalculation, and I will never allow another one to happen," sagot nito kasabay ng pag-alala kung paanong ang isang pagkakamali ay babago sa takbo ng buhay niya.... 


" Nandito na siya!" Sigaw ng isang babae na nagmistulang signal sa ibang kababaihan na mag-ayos ng kani-kanilang sarili. Ang iba ay nagpahid pa ng makulay na kolorete sa mukha habang ang iba naman ay siniguradong ayos at pulido ang suot. Ilang sandali pa ay maririnig na ang yabag na siyang nagpapakaba sa lahat ng kababaihan sa loob ng istraktura.

Razor's sharp nose, fixed to a broad, sparsely emotionless face. Eyes with a grilling gaze, enough to freeze even the warmest of hearts at a glance. He stood tall, like the sarcastic monstrosity, Well, isn't it expected, if he is one of the youngest CEO in Forbes's top 10 wealthiest billionaires? 

" Good morning, Sir!" Mapang-akit na bati ng isang babaeng na para bang kinulang sa tela sa ikli ng suot. Ngunit hindi man lamang ito tinapunan ng tingin ng binata. Dire-diretso nagtungo sa kanyang opisina kasama ang dalawang binatang hindi din naman nalalayo ang kisig at kagandahang-lalaki. 

Ang isa sa mga binata ay ngumiti at siyang humingi ng paumanhin sa ginawi ng kasama. " Pagpasensyahan, binibini. Ganyan talaga kapag masama ang gising. Pero ako'y nagagalak na makakita ng magandang dilag sa umaga." Sabay halik sa likod ng palad ng babae, Namula ang kanina pang mapupulang pisngi nito sa kolorete at mabilis na gumanti ng malagkit na ngiti. Kumindat pa ang binata bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina. Madidinig mula sa loob ang tilihan ng mga kababaihan. 

" Pinairal mo na naman ang kamanyakan mo sa umaga" iling na turan ni Lucas sa binatang kapapasok lamang. Tinawanan naman ito ng binata saka umupo sa tabi nito. "Nagselos ka naman agad, babe" sabay akbay dito. 

Iling naman na tinanggal nito ang pagkaka-akbay, " tigilan mo ko, Kheed. Ang aga aga nasusuka ako" tinawanan lang naman ito ng binata nang madako ang kanina pang tahimik na kasama. " May problema ba, Luther?" 

Iling lamang ng isinagot nito bago kunot na kinuha ang mga papeles sa harap. 

Hindi na muli pang nagsalita si Lucas ngunit Ang tingin ay nanatili dito hindi maiwasang humanga sa kaibigan. Batid niya ang hirap at sakripisyo nito maisakatuparan lamang ang plano.

Luther Devmon Cromwell, ang CEO ng Cromwell Enterprise. Gwapo, makisig at ubod ng mayaman katulad ng mga katangian ng ideyal na lalaki ng mga kababaihan. Ngunit sa gwapong mukha nito ay nagtatago ang isang mapanganib na katauhan. 

Isang Mafia boss na kinatatakutan, lider ng isang organisasyong kaliwa't naman ang iligal na gawain at ang dalawa nitong kasama na sina Lucas at Kheed ang tanging nakakaalam ng pagkataong ito. 

Accidentally inlove with you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon