Chapter 3

4 0 0
                                    

CHAPTER 3





Beauty, intelligence, and social status. The university is trying to find that.

With her attractiveness serving as the school's public face, brilliant at public speaking and lastly, the university is renowned for its top-notch tutoring because of its social standing.

Many girls fit the criteria, but Luther showed interest in the non-participant.

Nagtatakang nakakunot ang noo nito sa isinagot sa kanya ng Dean, hindi maintindihan ang ibig nitong iparating. 

Hindi niya gusto pang pahabain ang usapan ngunit hindi niya lamang mapigilang usisain ang problema. 

" Why not? She's pretty" kahit hindi naman nakita ang mukha ng babae. 

Di naman mapakali ang matanda na yumuko at pilit iniiwasan ang mga mata ng gwapong binata. " She did not enter the contest" dahilan nito ngunit hindi ito pinapaniwalaan ng binata. " Well, the contest still on, I could talk to her and---" 

" You don't understand, Mr. Cromwell" putol sa kanya ng matanda. Buntong hininga itong tumingin kung saan nandon ang magandang dalaga. "She's pretty but she's dangerous" 

Napakunot lalo ang noo ni Luther sa narinig. Panong ang isang babae ay magbibigay ng kapahamakan sa unibersidad?

" I admit that she qualify for her beauty but her background doesn't. She can harm the university. " Dagdag pa ng matanda na mas lalong nagpagulo sa binata. "Enlighten me" 

Muling bumuntong-hininga ang matanda bago sumagot, " She's related to a Mafia which is also mean her, doing the same thing. She's a deliquent. And if the parents would saw her as the role model of this school, no parent would want their child in here." 

" Are you sure about your claim? " Kunot ang noong tanong niya na hindi makapaniwala, saglit na tinapunan ng tingin ang dalagang pinag uusapan. Tinitignan kung maaari niyang makilala kung isa man ito sa mga clan na kilala niya. Ngunit papaano nga pala niya ito magagawa kung kahit kaylan ay hindi nagkaroon ng interes tumingin sa babae.

" The students can prove." Sagot ng matanda na nagbigay dismaya sa kanya. His claims has no basis yet he judge the girl without prior investigation. He pity the girl for that. 

" But being related to mafia doesn't make her one. Have you seen her harm anyone? " Tanong ni Claude na nakakapagtakang ipinagtatanggol ang isang babae, hindi din niya malaman kung bakit, siguro ay dahil sa unfair na judgement dito nang lahat. 

Nag-iwas ng tingin ang matanda na hindi magawang sumagot. " that's it. She's not" 

" But Mr. Cromwell, making her the face of this university will gain more risk in the future. Her reputation is bad. And I don't want to risk what I have now. I'm sorry but your request is not something I can fulfill.. " Ani pa ng matanda.

Naiintindihan niya gustong sabihin nito, hindi lamang niya gusto ang naging paghusga sa babae na walang sapat na basehan. 

Hindi lahat ng konektado sa mapanganib na organisasyon ay maituturing din na kakampi. 

Madami ang antas ng Mafia, the boss, underboss, consigliere, caporegime, soldier, associates and neophytes. At maaaring ang babae ay isa lamang sa pinaka huli sa listahan kung saan ito ay walang magagawa kung hindi ang sumunod sa utos nang nakatataas.

Totoo man o hindi ang sinasabi ng matanda ay hindi niya gusto ang paghusga nito ng walang matinong basehan. Pinapakita lamang ng paaralan ang kawalan ng factual basis sa lahat ng bagay. 

Naiing na nawalan na ng gana ang binata. Piniling bumalik na lamang sa loob ng auditorium kung saan idinadaos ang pagpili. Ramdam din niyang hindi siya titigilan ng matanda at bago pa siya may magawang hindi maganda dito at magdulot ng panibagong problema ay naglakad na siya pabalik sa kasamang sina Kheed at Lucas na parehas busy sa pagbibigay ng score sa mga dalagang rumarampa.

----


" ah, that was tiring" inat na anas ni Kheed kasabay ng pag-upo nito sa sofa. Kasunod naman niya ng dalawa pang gwapong binata. " Ey, Lucas. Can you pass me some beer?" 

Agad namang kumuha ang binata ng alak sa mini bar na matatagpuan sa kanilang tinatawag na hang-out base. 

Ito ay isang malaking bahay na may naggagandahang kagamitan. Makikita sa lugar ang karangyaan at kahiligan ng mga binata. Mayroong billiards table, gaming set up at arcades sa loob nito na siyang nagbibigay libangan sa tatlo. Dito dumederetso ang tatlo pagkatapos ng mahabang araw sa opisina upang pag-usapan naman ang mga bagay sa likod ng organization. 

At dahil itinatago ang pagiging mafia boss, tanging ang dalawa lamang ang nakakaalam ng Lugar. 

Si Lucas De Castro ay isang anak ng businessman at tanyag na doctor na kaibigan ng pamilya nina Luther at siyang tumatayong consigliere o right hand niya sa mundo ng Mafia. Ito ang madalas magbigay ng payo o suhestiyon sa mga Plano at desisyon ni Luther. 

Si Kheed naman ay anak ng may-ari ng isang napakalaking casino na tanging mayaman lamang ang nakakapasok at siyang tumatayong caporegime o ang nagbibigay ng importanteng impormasyon sa mga kalabang clan. 

" Bet you enjoy it" Ani ni Lucas kasabay ng paghagis ng lata na naglalaman ng alak kay Kheed. Napangisi naman ito, " not really, it's pretty tiring to let them see this kind of face, dapat talaga naniningil na ko kada may tititig sakin" 

" Nagtataka lang sila, papano nakapasok ang unggoy sa school" natatawang balik naman ni Lucas dito. " Pfft! Ang gwapo ko namang unggoy"

" Nagbuhat na nga ng bangko" naiiling na sabi pa ni Lucas na umupo na isahang sofa. 

Maya-maya ay pumasok na din sa loob ng batang CEO, dire-diretsong umupo sa swivel chair kaharap ng lamesa nitong puno ng papeles. 

"Are you still thinking about Gransil?" Tanong ni Lucas ng mapansin ang pagsandal at pagpikit ng kaibigan. 

" Nah, I'm just tired. " 

" Napagod ka pa, wala ka na ngang ginawa, pfft" natatawang sali naman ni Kheed. Pilit namang pinipigilan ni Lucas ang tawa. 

" Non-stop screaming and noisy surroundings tires me and getting attention from so many flirts, bores me." 

" Edi ikaw na gwapo, lamang ka lang naman ng limang paligo sakin" Sabi pa ni Kheed na ikinatawa na ni Lucas. " Sayang-saya ka ano, bro?" Pero tinawanan lang ito ng binata.

" Any report?" Tanong ni Luther habang minamasahe ang ulo. 

Tumikhim ang binata bago nagsalita, "The Lopez family will hold a birthday party for their only son, Jin Danielle." 

Kunot na tinignan ito ni Luther na hindi malaman kung anong koneksyon ng sinasabi nito sa itinatanong niya. " Who fvcking cares?" 

" Bu I know you'll care about what's going to happen behind that party" hindi naman nagsalita pa ang binata at hinintay na magpatuloy si Kheed.

" From what I gathered, they are planning to gain alliances on Asano. And knowing how that family owns a trading company which exports a lot of high-end caliber guns and bullets, Asano won't miss that opportunity." 

" Having Asano at their backs, their business will gain more supremacy in terms of trading. They will get more clients. Gaining more money, more power. " Analisa ni Lucas sa ibig mangyari ng pamilyang tinukoy ni Kheed. " It's a win-win situation for both clan. But a disadvantage on us. We are going to be left far behind the target. " 

Matiim namang nakikinig sa sinasabi ni Lucas ang binata, gumagawa ng sariling analisasyon ukol sa pinag-uusapan. " When was it?" 

" two days from now. At the white palace. 7pm sharp, oh and it's a masquerade party" sagot ni Kheed.

" Then that would be easy to sneak into" 

" Throwing such big party means tight security. And using that plutocracy for mafia alliances, they will take precautions for sure. Don't forget about that, bro. " 

Tumango naman si Lucas sa sinabi ni Kheed saka tumingin sa kaibigan nilang kanina pa tahimik na nag-iisip. 

 so what are you going to do about it, boss? " Tanong ni Kheed. 

Sumandal sa swivel chair saka ngumisi at tumingin sa dalawa, " a hi-jack" 

Accidentally inlove with you Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon