" Danger is everywhere and definitely He is one! So stay away from that jerk!"
Cassie L....
*********************
Cassie L. POV
Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ako ng classroom nang marinig ko ang bell. Kailangan ko na kasing puntahan si Sumi. Narinig kong tinawag pa ako ng mga kaibigan ko lalo na ng bestfriend ko pero hindi ko na sila nilingon. Masyadong magulo na sa hallway kasi nga lunch break na. Nasa second floor ako at nasa first floor naman ang klase ni Sumi katabi ng building namin.
Tumakbo na ako pababa but someone caught my attention. Si Kaizer Takamura kasama ang kapatid ko. Hatak nito sa braso at nakayuko lamang. Bigla akong nakaramdam ng kaba. May atraso ba si Sumi sa taong yon? Naloko na. Pag-nagkataon trouble talaga ito.
"Hey, bruha. Di ba sister mo yong kinakaladkad ng Monster?" Hindi ko namalayang hinabol pala ako ng bestfriend kong si Steffi. Pansin din sa boses niya ang pag-aalala." Lagot talaga kapag may ginawang atraso ang kapatid mo sa split race na yon. Naku bessy, gulo yan." Dagdag pa ni Steffi. Parang dinambol ulit sa kaba ang dibdib ko. Napatingin lang ako kay Steffi at walang sabing tumakbo upang sundan ang dalawa.
"Hoy, bessy hintay! Sama ako. May lunch ka pang utang sa akin!" Rinig ko pang hiyaw ng bestfriend ko. Nasisiguro kong nakasunod talaga sa akin to. Lumiko sina Takamura at Sumi papuntang parking lot kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo para lang mahabol sila. Anong binabalak ng mokong na to sa kapatid ko?
Kaizer Takamura is someone here in school that should not mess with. Makapangyarihan ang pamilya nito all over asia for owning or rather monopolyzing the communication gadgets and devices industry. Hindi lang yon lahat ata ng mga politicians all over asia kahit na sa America ay takot sa pamilya nila dahil sinasabi ring nagbebenta sila ng intel sa black market.
Kaya nga iniiwasan ko talagang magcross ang landas namin. Ayaw kong magkaroon ng kinalaman sa kanya dahil narin sa pangalan ng tatay ko. I may not interested on the dark side of politics pero marunong naman akong makiramdam at makibalita sa mga sensitive issues lalo pa at minsan ay isinawalang bahala lang iyon ng aking ama.
"I will not come anywhere with you, untill you tell me what you really knows about me!" Rinig kong hiyaw ng kapatid ko. Napahinto ako di kalayuan sa kinaroroonan nila.Nasa harap na sila ng kotse ni Takamura. Nakabukas narin ang pinto niyon. Ramdam kong hindi nila pansin ang presensiya ko dahil nakikita kong seryoso ang pinag-uusapan nila. Pareho pa silang nakatagilid mula sa kinatatayuan ko.
"I told you, lets talk about it over lunch. So, lets go." Kalmadong anyaya lamang ng lalaki. Napansin kong tumalim ang anyo ng kapatid ko. That cold stare again. Kahit ako minsan kung titigan niya ako ng ganyan kinikilabutan talaga ako.
"Dont you dare play tricks on me? Im not playing here. At huwag mo ring sagarin ang pasensiya ko." Galit ng saad ni Sumi ngunit isang nakakalokong ngiti lamang ang sinagot ng lalaki. Hindi ko mabasa ang reaksyon nito. Tila may tinatago itong lihim ng kapatid ko na siya lang ang nakakaalam.
"Masyado ka paring, short tempered." Napabuntong hiningang wika pa ng lalaki at sabay hawi pa ng kumalas na buhok sa mukha ni Sumi na siya namang ikinapiksi nito at malakas na itinulak ang lalaki. Her eyes now is starting to fire up.
"Hey, ang dali mo namang magalit. Common the time is passing. Nagugutom na ako. Samahan mo na akong kumain." Napangiti ulit si Takamura na mataman pang nakatitig sa mukha ng kapatid ko. Sinalubong naman ito ni Sumi. But that look in her eyes is so cold. Walang emosyon.
Doon na ako nagdesisyong tuluyang lalapit na sana sa kanila pero muli ring napatigil nang akmang tatalikuran ni Sumi si Takamura ay walang pasintabing malakas nitong hinatak paharap ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
SPLIT RACE
Художественная прозаShe is indeed Sumi Lauchengco. Ang bastarda ng isang ma-empluwensya at mayamang pulitiko na si Bernard Lauchengco.Nawalan siya ng pandinig at alaala kaya't nang magkasalubong ang landas nila ni Kaizer Takamura ay laking pagtataka niya na tinawag siy...