CHAPTER 1

23 0 0
                                    

Sabrina's POV


Nagising si Sab sa lakas ng alarm ng cellphone niya. 


Nagmadali na siyang pumasok sa banyo upang gawin ang kanyang morning ritwals.


Pagkalipas ng limang minuto ay natapos din siya at nagbihis na.


Bago umalis ay ipinagluto muna niya ng almusal ang kanyang mga 

magulang.


Ganyan ang laging routine ko sa araw araw.


Nakakapagod. Ngunit di ako pwedeng huminto. Ako na lang kasi ang inaasahan ng mga magulang ko.


Minsan nga ay nakakalimutan ko nang mag ayos.


 Kaya heto mukha na daw akong may  sampung anak.


Napakarami ng nagbago sa buhay ko simula ng malugi ang negosyo ni Papa.




" Manong bayad po. Pakisuyo naman ate." Natuto na rin akong magcommute ngayon, no choice e, ganun talaga.


Ganito talaga siguro ang buhay ,minsan nasa taas minsan naman ay nasa baba.


Oo, aaminin ko namimiss ko ang dati naming buhay.


Pinalaki ako ng mga magulang ko na may gintong kutsara sa bibig, only child kasi ako.


Pero sa totoo lang, mas masaya ako ngayon sa buhay ko, simple at very challenging.




Ako nga pala si Sabrina Jean Delos Reyes.


Beinte singko anyos.


Isang mataba at simpleng babae.


Di ko nga alam kung bakit di ako pumapayat sa kabila ng status namin sa buhay.


Pagkain kasi naging sandigan ko sa pagharap sa lahat ng problema at utang ng pamilya namin.


Hay , ang hirap palang maging mahirap.


Nakakatanda.


Wala na ang dating Sabrina na fashionista, elegante, baby face, at cute,

kahit na chubby.


Ngayon chubby na lang wala nang cute.


Dahil sa love ko nga ang mga foods, kumuha ako ng Culinary Arts.


Ngunit di rin ako nakapagtapos dahil nga sa naluging negosyo ng pamilya namin.


Nagwowork ako ngayon bilang isang kusinera sa isang Five Star Hotel.


Nasarapan kasi sila sa mga naimbento kong recipe at naging patok naman ito sa mga guest.




" O Sab, bakit ngayon ka lang. Dalian mo,

dumating na daw ang bago nating Boss.

At alam mo balita daw hunk ang magiging boss natin.

Excited na kong makilala siya. "


Bungad sa kin ni Joy.


Isa sa mga matalik kong kaibigan na tumulong samin nang mawala ang negosyo ni Papa.


Siya rin ang tumulong sakin na makapasok sa Hotel na pinagtratrabahuan namin ngayon.


" Ikaw talaga Joy kahit kailan, puro hunks ang nasa isip mo. Sa teleserye lang pwedeng magkatuluyan ang dalawang taong may magkaibang status sa buhay.


"Hay naku ang bitter ni ate. Sigurado akong may abs si sir."


"Abs? Nakakain ba iyon?"


"Hmp! Ewan ko sayo. Magbihis ka na nga, Kanina ka pa hinihintay ni Madaam Tony. Sigurado ako lagot ka na naman dun."


"Heh! Oo na, magbibihis na po."



Agad naman siyang nagpunta sa locker room upang magsuot ng uniform ng biglang may nabunggo siyang matigas na bagay.


Naout of balance siya at natumba.


"Araaaaaaaaay!"












FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon