Chapter 14

532 18 5
                                    

Chapter 14

INSOO'S POV

Nag lakad si Insoo papunta sa Opisina ni Mark dala ang documento.

Naka-pamulsa si Insoo na nag lalakad at sa bawat maka-salubong kong mga empleyado ngumi-ngiti at binabati si Insoo.

Taas-noong nag lakad si Insoo, na inirapan lamang ang mga taong maka- salubong ko.

Awtomatiko naman na tumayo ang secretary ni Mark, nang makita ako para batiin lamang ang bagong dating. "Good morning Sir Insoo." Matamis na ngiti ang gumuhit sa labi nito.

Suot ni Insoo ang maayos at magandang kasuotan. "Nariyan ba si Mark sa loob?"

"Yes Sir."

Dire-diretsong nag lakad si Insoo papasok sa sa Opisina ni Mark at naabutan ko itong abala sa kaniyang ginagawa. Tinaas ni Insoo ang kaliwang kamay para batiin lamang si Mark na perinting naka-upo sa swivel chair.

Pansin ni Insoo ang mga naka-tambak na mga gawain nito at harapan ang laptop na may tinitipa. Ginala din ni Insoo ang tingin sa malawak nitong Opisina, pinag-halong black and grey ang motif nang Opisina nito. Malaki at sobrang linis sa loob.
Sumalubong kaagad sa akin ang malaking bintana na salamin, na makikita mo ang kulay asul na kalangitan at nag-tataasang mga building sa paligid. Doon naka-pwesto ang desk ni Mark at naka-patong ang mahahalagang mga ginagawa nito. May glass template din sa unahan na naka-lagay ang Mark Samuel Montecillo at ang posisyon nito sa kompaniya.

Sa isang tabi naman ang isang indoor plant at nag sikalat din ang mga painting. Mayron din na color black sofa set at sa isang tabi naman naroon ang malaking shelves na nag kaloob ng iba't-ibang uri ng mga libro, at sa isang panig naman naroon ang mga litrato at awards na natanggap ni Mark.

"Hello Mark!" Bati ni Insoo na umanggat ng tingin si Mark sa ginagawa. Inalis ni Mark ang suot nitong glasses at nilapag sa table. Seryoso ang mukha ni Mark at walang bakas na emosyon, napa-ngisi na lang si Insoo sa naging itsura nito..

Kahit mag-pinsan silang dalawa ni Mark, hindi rin kami gaanong mag-kasundo na dalawa–siguro iba lang talaga ang gusto at mga hilig nito.

Mag kasusyuso ang aming ama sa mga business, at namana si Mark sa kaniyang Ama na workholic at matibay sa pag ma-manage ng negosyo.

Mark is a mysterious type, and his patience is short, so the two of us are really different.

"Anong ginagawa mo dito?"

"May pinapa-bigay lang si Dad, about sa proposal na hini-hinggi mo sakaniya." Binigay ni Insoo ang documento at malugod naman na tinanggap iyon ni Mark.

Binuksan ni Mark ang envelop at pinadaanan lamang ng tingin na basahin ang documento na hini-hinggi nito. Pinadaan ni Insoo nang tingin ang Opisina ni Mark at tinitignan ang mga gamit sa Opisina nito. "Napaka-ganda naman pala ng Opisina mo, black and white motif." Ngising tinig ni Insoo, at kanina ko pa napapansin na wala man lang akong nakitang ibang litrato ni Lea dito.

"Kumusta na kayo ni Lea?"

"Why did you ask?" Base pa lang sa tinig nito, hindi ito interasado sa pinag-uusapan naming dalawa. "We are both fine. Ngayon ko lang nalaman na interesado ka din palang kumusta kami." Ngumisi na lang si Insoo sa naging sagot nito at ginala ni Insoo ang tingin sa paligid.. "Napansin kong wala ata akong nakitang litrato ni Lea at ni Steven dito sa loob ng Opisina mo Mark, kagaya ng ibang mga lalaki.. Kong hindi ko talaga alam na kinasal kayong dalawa ni Lea noon, hindi mo talaga mapapansin na mag-asawa kayong dalawa.." Umiba ang timpla ng mukha ni Mark at nilapag nito ang hawak na documento.

"I like my privacy Insoo. Kahit hindi ko naman ilagay ang litrato ni Lea at nang anak ko sa Opisina, alam naman ng ibang tao na kasal kaming dalawa ni Lea at sapat na siguro iyon!"

"Privacy nga ba talaga? O hindi mo lang talaga siya mahal, kaya't nahihiya ka?"  Hindi na nagustuhan ni Mark ang sumunod na narinig. Iritado itong tumayo sa kina-uupuan at puno nang galit na hinarap si Insoo.

"Anong gusto mong palabasin Insoo?! Na hindi ko mahal ang asawa ko, ganun ba iyon?! Kong wala naman na magandang lalabas sa bunganga mo, maari kanang umalis!" Namuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa at tinuro ni Mark ang pintuan palabas.

Tinaas ni Insoo ang dalawang kamay tanda pag-suko. "Relax, nag-bibiro lang naman ako. Sobrang mainitin naman masyado ang ulo mo Mark." Pilyong ngiti ni Insoo. "Sige na aalis na ako." Pasipol-sipol pang nag lakad paalis nang Opisina si Insoo, at hindi pa din inaalis ni Mark ang masamang titig nito sakaniya.

Nang tuluyan ng naka-alis si Insoo sa silid, inis na niluwagan ni Mark ang suot na tie, at bakas nang galit ang mga mata nito.

LEA KRISTINE'S POV

Abala si Lea sa pag-huhugas narinig ko ang Sunod-sunod na pag doorbell sa pintuan na mag-paagaw sa akin ng atensyon.

Tinignan ni Lea ang orasan at pasado alas dyes pa lang nang umaga at wala naman akong inaasahan na bisita na dumating. Kasalukuyan na mag-isa lamang si Lea sa bahay dahil nasa skwela pa ang anak niya.

Si Mark kaya iyon?

Pinilig ni Lea ang ulo para iwaksi sa aking isipan ang iniisip.

Imposible naman na uuwi nang ganitong oras si Mark. Panigurado abala pa ito ngayon sa kompaniya at mamayang gabi pa siguro iyon darating.

"Sandali lang." Sagot ko pa, na hindi ko alam kong narinig nga ba talaga ang aking boses, kong sino man ang tao sa labas.

Pinunasan ni Lea ang kamay nang malinis na pang-punas at nag mamadaling tumunggo sa pintuan na patuloy na nag doorbell.

Nilawakan pa ni Lea ang hakbang ng paa para lamang mapa-bilis ang pag tungo sa pintuan para matignan kong sino nga ba talaga iyon. "Papunta na diyan." Hinawakan ko na ang seradura nang pintuan at inalis ang pag-kakandado doon. Pinihit ko na pabukas ang pintuan at sabay sabing. "Sino iya----" hindi na natapos ni Lea ang sasabihin nang makita ko kong sino iyon.. "Mark?" Napa-kurap ng mga mata si Lea ng makita ang asawa, at may kong anong saya sa aking puso ng makita itong umuwi.

Umuwi siya?
Umuwi ang asawa ko?
"M-Mark, masaya akong umuwi k---" nawala ang matamis na ngiti ni Lea at napalitan ng lungkot at pait nang mapansin kong hindi nag-iisa ang aking asawa kundi may kasama ito.

Nakita ko si Mae sa tabi nito at hawak-hawak ang batang babae na kasing-gulang lang ni Steven.

Hindi maka-pag salita si Lea dahil gulong-gulo pa din ako sa nangyari. Bakit sila nandito?
Ano ito?

Kulang na lang sasabog ang puso ni Lea sa bigat nang naramdamna na kasama ni Mark si Mae sa mismong bahay namin..

Kinurot ang puso ni Lea nang mapansin ni Lea ang maletang dala ni Mae at iba rin na mga gamit– na nahulaan ko kaagad ang posibleng mangyari.

Nanubig ang mga mata ni Lea at hinarap muli ang asawa, na walang bakas na emosyon ang mga mata.

Bakit?
Bakit Mark?

Hanggang kaylan mo ako sasaktan ng ganito?

The Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon