Chapter 21

570 14 0
                                    

Chapter 21

LEA KRISTINE'S POV

Maagang nagising si Lea at tumunggo sa laundry area para maagang matapos ang katambak na mga labahin. Naka-salang na rin sa automatic washing machine ang mga mabibigat na mga tela gaya nang comforter, kumot na makakapal para hindi na ako gaanong mahirapan sa pag-lalaba. Katabi naman no'n ang isang normal washing machine, na una nang naka-salang ang mga damit namin.

Umupo si Lea sa upuan na maliit at sa harapan ang isa naman na malaking palangga, laman ang naka-babad sa tubig na mga damit namin. Hobby na rin ni Lea na i-seperate kapag nag-lalaba ang mga maseselan na mga tela o kaya naman hindi gaanong marurumi, na hindi kailangan labhan sa washing machine.

Tamang kusot-kusot lamang ako ng mga ito para mapanatili ang kagandahan ng tela.

Maagang umalis si Mark para pumasok sa trabaho, samantala naman ang anak kong si Steven–pumasok na rin sa skwela kaya't malaya kong nagagawa nang maayos ang mga gawaing bahay dahil lamang mag-isa ako dito.

"Ah, ano ba iya----" himutok ni Lea dahil padabog na nilagay sa mga nilabhan ko ang katambak na mga labahin, kaya't natalsikan ako ng tubig sa malakas na impact. Iritadong tinignan ni Lea ang naka-ngising si Mae na naka-pamaywang sa harapan ko.

Oo nga pala.

Naka-limutan ko, hindi ako nag-iisa dahil kasama ko ang haliparot na kabit nang asawa ko dito sa bahay na ito.

Ano na naman ba ang kailangan niya dito?

Inalis ni Lea ang tubig at konting subo ng sabon sa katawan ko–para lamang pahupain ang galit na namumuo sa aking dibdib.

"Labhan mo ang mga iyan." What the heck?

Sinilip ni Lea ang labahan nito na pinag-halo na sa aking ginagawa. Pinag sabay-sabay pa talaga nito ang mga de-color na mga damit at mga puti. Seriously?

Sa tabi pa ni Mae naka-abang ang dalawang hamper na mga labahan na kasama nang mga nilapag nito sa mga lalabhan ko. Hindi ko alam kong ilang linggo o araw lang niya inipon ang lahat nang iyon.

"Ano ito?"

"Hindi mo ba nakikita? Mga labahan." Sarcasmo nitong tinig. "Labhan mo na ang mga iyan Lea." Utos nito.

"Bakit ako? Hindi ko naman obligasyon ang mga labahanin niyo,"

"Eh kasi gusto ko?" Kibit-balikat nitong turan. Nag pakawala lamang ng malalim na buntong-hiningga para pakalmahin ang sarili ko. Enhale! Exhale Lea. Huwag mo siyang papatulan, kahit anong nangyari.  "Ikaw na ang gumawa niyan. Hindi kasi ako makakalabamasisira lang ang kuko ko. Bagong linis pa naman." Pinakita pa nito sa akin ang kuko nitong bagong linis at bagong dikit na fake nails. "Oh come on Lea, alam naman natin sa pamamahay na ito na ang role mo talaga dito ay mag dilag si Cinderella, na gawin ang gawaing bahay. Kaya't gawin mo na iyan. I need this blue dress, later at 6pm. Huwag mo itong sisirain ha? Goodluck!" Bago pa man ako makapag-salita.

Binalibag na nito sa mukha ko ang damit at sumablay pa talaga sa mukha ko. Nyeta, ginawa pa talaga akong sampayan?

"Hoy, bakit ako ang gagawa nito? Ano ako katulong m---Amputa asan na iyon?" Himutok ni Lea dahil naka-alis na ito.

Ugh!

The Dare [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon