Narda's POV
“Ang sarap ng brownies ate Regina! Salamat dito ah” masayang saad ng kapatid ko habang sarap na sarap sa pag-kain ng brownies na pasalubong ni Regina.
Madalas na nga siya bumisita rito samin at wala namang kaso samin iyon, masaya nga kami dahil kahit papaano nakaka-bonding nina lola at ni Ding si Regina. Welcome naman lahat dito samin eh.
“Wala yun ding, gusto mo magpa-deliver pa ko niyan sainyo until magsawa ka” natatawang sabi ni Regina kaya natigilan ako sa pag-inom ng kape dito sa lamesa, naroon kasi sila sa sala at nagba-bonding, sobrang close na ni Regina sa pamilya ko kaya hinahayaan ko na lang silang dalawa. Nasa labas kasi si lola, busy diligan ang mga halaman kaya kaming tatlo lang ang nandito ngayon.
“Talaga ate Regina? Ayos!” Masayang saad ng kapatid ko at kumain pa ulit ng brownies na dala ni Regina, siya na umubos non sa totoo lang.
Alam ko namang nagbibiro lang tong si Regina pero hindi ko pa rin alam ang tumatakbo sa isipan niya kaya nagsalita na ako.
“Pst! hoy ding tumigil ka nga, mahiya ka sa ate Regina mo ah” saway ko sa kanya kaya napakamot na lang siya ng ulo sakin.
“Hey it's okay Narda, I insist naman eh. Besides, hindi naman na ibang tao sakin si Ding. I could buy him food that he wants, kayo ng family mo” nakangiting saad naman sakin ni Regina kaya napailing na lang ako.
Mukhang nakita naman niya yung naging reaksyon ko kaya tumayo siya para puntahan ako dito sa kusina, umupo siya sa harap ko at tinignan ako kaya ganun din ang ginawa ko sa kanya.
“Regina nako huwag mo masyadong i-spoil yung kapatid ko, baka masanay” agad na sabi ko paglapag ko ng mug sa lamesa.
She just gave me that reassuring smile again, ayan na naman siya sa mga ngiti niyang parang okay lang sa kanya ang lahat.
Bigla lang siyang nagkibit balikat sakin tsaka nagsalita.
“Edi masanay, kaya ko naman ibigay kina Ding ang gusto nila eh” confident niya pang pagkakasabi at nag cross arms. Ayaw niya talagang papigil kaya natawa na lang ako nang bahagya.
Ilang minuto kami natahimik nang magsalita ulit si Regina.
“Ayaw mo na ba kong pumunta dito Narda?” Rinig kong sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya habang nasa labi ko pa ang mug ko at umiinom, agad ko itong binaba at tinignan siya ng may pagtataka.
“Hindi ah, saan naman nanggaling iyan Regina? Welcome na welcome ka rito, kahit nga hindi ka na magdala ng pasalubong eh” sagot ko at tumawa ng bahagya para pagaanin ang atmosphere, para kasi siyang nalungkot.
Ngumiti naman agad siya sa sinabi ko at tumango sakin.
“You know what Narda, why don't you pay a visit din sa place ko? You're also welcome there din naman” biglaang sabi niya kaya nanlaki yung mata ko.
“Ha? A-ako? Sa condo mo?” Ulit ko pa sa sinabi niya at masaya naman siyang tumango sakin.
“Oo naman! Bakit hindi? Great idea right? Actually pwede ka pa nga mag sleepover doon if you want to” dugtong niya pa kaya hindi na lang ako nakapagsalita.
“Uy okay yon ate Regina, para naman hindi lang ikaw ang laging pumupunta samin. Ang akin lang, maranasan din ni ate Regina na bisitahin, hindi ba mag-isa lang siya sa condo niya? Hindi ba parang ang lungkot nun? Kaya ate i-try mo rin mag-effort bisitahin si ate Regina kahit minsan” sabat ni Ding sa usapan namin at tinapik ang balikat ko, para tuloy nag init yung mukha ko sa hiya nang makita ko si Regina na nag-a-anticipate sa sasabihin ko.
I mean, nakapunta naman na ko sa bahay ni Regina at kung bibisita ulit ako wala naman masama roon, tama naman si Ding. . . Pero sa hindi malamang dahilan bakit ako kinakabahan na ewan??
“O-oo naman, bakit hindi. Dadalawin din kita Regina” nasabi ko na lang at inabot ang kamay niya na nasa lamesa, napatingin naman siya sa kamay namin tsaka binalik ang tingin sakin.
“Good, then it's settled. This weekend punta ka sa condo, let's have a sleepover to my place Narda, may pupuntahan ka ba?” Agad na sabi niya kaya agad akong natigilan, this weekend na agad niya gusto?? Ang bilis naman.
Paano na ko tatanggi niyan kung ang saya ng ngiti ng babaeng nasa harapan ko. . . Wala rin naman ako pupuntahan eh, iniisip ko lang baka may biglang manggulo na extra at biglaan hindi ako available dahil kailangan ko maging si Darna.
Tinignan ko naman si Ding pero tanging ngiti at tango lang ang binigay niya sakin, na para bang siya na ang pumapayag sa pagbisita ko kina Regina.
“Huwag kang mag-alala ate, panigurado namang papayag si lola kung si ate Regina ang dadalawin mo eh, matutuwa pa nga iyon dahil magba-bonding kayo” sabi pa ni Ding, like he's reassuring me dahil hindi pa ko nagsasalita hanggang ngayon.
“Sige Regina” ang naging tanging sagot ko habang hawak pa rin ang kamay niya.
YOU ARE READING
Sleepover
FanfictionWhat happens when Narda and Regina are left in the same room? (darlentina/reginarda short story fanfic) date started: 11/15/22 A/N: hi guys! I became a fan of darlentina since september pa pero ngayon lang pumasok sa isip ko tong short story na to...