Omniscient
“Narda, you came early” nasabi na lang ni Regina nang pagbuksan si Narda ng pinto dahil dumating na agad ito ng walang pasabi.
“T-talaga? Masyado bang maaga?? Pasensya na kasi a-akala ko-” hindi na natapos ni Narda ang sinasabi niya nang patahimikin siya ni Regina gamit ang hintuturo nito sa kanyang labi.
“Shush, it's okay. Nagulat lang ako na maaga ka, come in!” Masayang pag welcome nito sakanya at bahagyang hinila ang kanyang braso papasok sa condo nito.
Simple lang ang suot ni Narda pagpunta sa bahay ni Regina, isang plain white shirt at grey baggy sweatpants. Dala rin niya ang black niyang backpack na laman ay mga gamit niya dahil sleepover nga ang usapan nila ni Regina sa pamamahay nito ngayon.
Agad nilibot ni Narda ang kanyang paningin sa kabuuan ng tahanan ng kaibigan niya. Hindi naman ito ang unang pagpunta niya sa tirahan ni Regina pero ngayon niya lamang kasi natignan ito ng lubos.
Sa kabuuan palang nito, alam mo na agad na mayaman ang may-ari, puro mamahalin ang mga gamit, hindi kagaya sa tahanan ni Narda na sobrang simple lang, wala namang kaso sa kanya iyon dahil kuntento naman si Narda kung anong meron sila.
“Upo ka muna” alok ni Regina sakanya nang makita siyang nakatayo pa rin at nililibot ang paningin sa loob ng bahay nito.
Ngumiti naman si Narda at sinunod ang sinabi ni Regina, maingat itong umupo sa malambot na sofa ng kaibigan.
“Pasensya na Narda, wala pa kasing food hindi pa ko nakakapagluto, I'll order us na lang if you want? Akala ko kasi hapon ka pa darating kaya hindi ko pa na-ready lahat” saad sa kanya ni Regina na halatang medyo disappointed sa kanyang sarili dahil hindi nga ito nakapaghanda agad sa pagdating ng dalaga.
“Order? Nako huwag na lang kaya Regina? Hindi naman ako nagmamadali tsaka hindi pa naman ako ganun kagutom eh. Gusto mo ako na lang yung magluto? Pambawi ko na lang sayo dahil napaaga yung dati ko” suhestiyon ni Narda at natawa na lang sa hiya, baka iniisip na tuloy sa kanya ni Regina ay masyado siyang excited sa sleepover nila ngayong araw dahil tanghali siya dumating.
“Really? Great! Hindi ko pa natitikman luto mo eh” masayang sabi nito sa kanya kaya agad na lang siyang napangiti.
“Ayun! Hindi ka pa ba kumakain? Hiramin ko na muna yung kusina mo ah, kumpleto ba dito?” Agad na sabi ni Narda at mabilis na kumilos para makapaghanda na agad ng tanghalian nila ni Regina.
“Hindi pa nga eh, sure! You can use the kitchen, kumpleto naman diyan” sagot nito sa kanya habang nililibot na niya ang buong kusina nito.
Nang makita ni Narda na kumpleto naman ang ingredients na gusto niyang iluto para kay Regina ay napangiti agad siya.
“Okay, let's start” bulong niya sa sarili sabay suot ng apron na nakita niyang nakasabit sa gilid.
🌠🐍
“Regina, tara kain na” tawag ni Narda sa dalaga na busy mag-scroll sa phone nito. Napangiti naman agad si Regina sa pagtawag sa kanya at agad na binitiwan ang phone niya.
Umupo naman agad siya sa dining table at pinanood lang si Narda na asikasuhin siya, pakiramdam niya tuloy siya ang bisita sa sarili niyang pamamahay dahil hanggang dito sa bahay ay pinagsisilbihan pa rin siya ni Narda na parang kagaya lang tuwing bibisita siya sa kanila.
“Tulungan na kita?” Pag-offer niya ng tulong pero hinindian naman agad siya ng kaibigan.
“Hindi na, pambawi ko sayo ito dahil napaaga ang dating ko kanina” sagot nito habang sinasandukan siya ng kanin sa kanyang plato.
“I told you it's okay, hindi naman ako nagalit o naabala sa ginawa mo eh, ang totoo niyan. . . Masaya pa nga ako na nandito ka na agad” ani nito kay Narda kaya agad itong napatingin kay Regina.
Ngiti na lamang ang sinagot nila sa isa't isa at pagkatapos ay nagsimula na silang kumain.
“Ano masasabi mo Regina? Okay lang?” Agad na tanong ni Narda rito nang matikman ang niluto niya.
Agad namang ngumiti si Regina after tikman ang luto nito. “This is actually good Narda, hindi ko alam na magaling ka rin magluto, heto na yata yung magiging favorite sinigang na baboy ko ah” natatawang komento nito sa kanya kaya lumawak naman ang ngiti niya.
“Mabuti naman, kumain ka ng marami, dinamihan ko iyan para sayo” saad ni Narda kaya mas lalong na-touch si Regina, she was so overwhelmed sa pag-aalaga nito sa kanya ngayon.
“Regina? Okay ka lang?” Alalang tanong ni Narda sa kanya nang hindi na siya umimik at tinitigan na lang si Narda.
“Yes, I'm okay. Thank you Narda” sincere na pagkakasaad ni Regina sa kanya kaya nginitian na lamang niya ito.
“Alam mo ngayon ko lang kasi naranasan yung ganito, yung may nag aasikaso sakin dito sa bahay. Si Ali lang naman ang madalas gumawa nito, yung bodyguard ko. So seeing you doing all of these feels so new to me, it's overwhelming but I'm really happy. I'm happy na nandito ka ngayon, I'm happy na ikaw ang gumagawa lahat ng ito Narda. . . I just kinda wish na dito ka na lang sakin” agad na natigilan si Narda sa huli nitong sinabi sa kanya.
“I just kinda wish na dito ka na lang sakin”
Those words, pakiramdam niya parang hindi na siya makahinga, while Regina just bit her lip then looked away because of embarrassment sa huling sinabi niya, hiniling na lang niyang sana hindi na lang niya yon sinabi dahil parang naging awkward ang atmosphere tuloy nila ngayon.
Minsan kasi hindi na lang niya mapigilan ang damdamin niya kay Narda kaya kung anu-ano na lamang ang nasasabi nito sa dalaga.
Regina likes Narda so much. Alam niya yun sa sarili niya, huli niya lang din na-realize nang mapansin niyang lagi niyang bukambibig si Narda, sobra siyang mag-alala rito, lagi niya itong hinahanap-hanap at kapag hindi niya makita si Narda, pakiramdam niya mababaliw na siya sa kakahanap at pag-aalala. Regina knows how Narda is so important to her, to the point na gusto niya itong lagi nakikita at nakakasama.
She's doing everything to be subtle when she's with Narda but it's really hard when you really like the person.
Regina knew her feelings so well for her bestfriend, hindi niya lang sinasabi, hindi niya rin naman alam kung paano ito sasabihin kay Narda dahil alam niyang masisira lang naman ang pagkakaibigan nila.
YOU ARE READING
Sleepover
FanfictionWhat happens when Narda and Regina are left in the same room? (darlentina/reginarda short story fanfic) date started: 11/15/22 A/N: hi guys! I became a fan of darlentina since september pa pero ngayon lang pumasok sa isip ko tong short story na to...