MY FORBIDDEN LOVE (XXVIII)

431 22 0
                                    


CHAPTER 28






Habang abala naman si Glen sa kanyang ginagawang mga papeles ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Carlo na may dalang bouquet ng flowers, chocolates at mga savory foods. Agad namang lumabas ng opisina si Jasmine upang bigyan ng privacy sina Carlo at Glen.





"Hon.. for you..." malambing na bungad ni Carlo sabay abot ng bouquet ng flowers kay Glen.





"Aww... thank you so much Hon!! Ang sweet mo talaga..." tuwang tuwa na sagot ni Glen sabay tayo nito at agad na hinalikan si Carlo sa labi.





"Of course... I'll do everything para sa happiness ng aking mahal..." nakangiting sagot ni Carlo kay Glen.





"And dahil hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ng asawa ko... ibinili kita ng paborito mong Paella..." dugtong na sambit ni Carlo sabay labas ng binili niyang pagkain para kay Glen.





"Thank you talaga Hon... I love you..." masayang sagot ni Glen sabay halik nito ulit sa labi ni Carlo.





"I love you more Hon... halika.. papakainin na kita.. bubusugin kita ng pagmamahal ko..." nakangiting sagot ni Carlo sabay kuha ng isang upuan at itinabi ito kay Glen.





"Hon? Say aahh..." agad na utos ni Carlo kay Glen.





"Very good talaga ng asawa ko..." sambit ni Carlo sabay halik nito sa noo ni Glen.





"Ikaw din Hon... say aahh..." sabay pasubo ni Glen ng pagkain kay Carlo.





"Ayun... very good din ng gwapo kong asawa..." nakangiting sambit ni Glen pagkatapos nitong subuan si Carlo.





"Yung kiss ko? Nasaan??..." agad na tanong ni Carlo sabay nguso nito kay Glen.





"Hahaha... heto na po..." sagot naman ni Glen sabay halik nito sa labi ni Carlo.





Di katagalan... habang abala naman sa kanilang pagkain sina Carlo at Glen ay biglang bumukas ang pinto at pumasok naman si Dayana.





"Oh! Mommy... halika.. kain tayo..." agad na aya ni Glen kay Dayana.





"Anak?? Sinabi sa akin ni Jasmine na masama daw ang pakiramdam mo??..." nag-aalalang tanong ni Dayana habang papalapit siya kay Glen.





"Hindi naman talaga masama Mommy... pagod lang po talaga ako..." sagot naman ni Glen sa kanyang ina.





"Hayyy... huwag mong pababayaan ang health mo anak ha??... ayokong magkasakit ka... ayokong mawalan ng anak..." malungkot na sagot ni Dayana sabay yakap nito kay Glen.





"No worries Mommy... hindi ko pababayaan ang health ko... hindi ako mawawala... hindi ka na mawawalan ng isa pang anak..." sagot naman ni Glen kay Dayana.





"What do you mean na isa pang anak, Hon???..." nagtatakang tanong ni Carlo kay Glen.





"Sorry Carlo ha?? Pero never ko talaga itong naikwento sa'yo eh... merong kakambal si Glen.. meron ka pang isang pamangkin..." malungkot na sagot ni Dayana kay Carlo.





My Forbidden Love: A New BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon