CHAPTER 14Pagkarating nila ng opisina ay kaagad naman silang sinalubong ni Jasmine at kinuha ang bag nito.
"Good morning Miss G.." nakangiting bati agad ni Jasmine kay Glen.
"Good morning Jas,.." nakangiting sagot naman ni Glen kay Jasmine.
"Good morning Sir Carlo..." nakangiting bati ni Jasmine kay Carlo.
Hindi naman sumagot si Carlo at nag roll eyes lang ito sa kanya. Natawa na lang si Jasmine sa ginawa ni Carlo kaya inaya na nito si Glen na pumasok sa loob ng opisina nito.
"Halika na Miss.. pasok na tayo..." aya ni Jasmine kay Glen pagkatapos nitong batiin si Carlo.
"I'll be going inside na rin Hon ah?? I love youuu..." malambing na sambit ni Carlo sabay halik nito sa labi ni Glen.
"Sige Hon.. I love you more.." sagot naman ni Glen sabay yakap nito kay Carlo.
Nang makapasok na sila ay kaagad nang lumabas si Jasmine at ipinagtimpla ng kape ang boss niyang si Glen. Kaagad naman binuksan ni Glen ang kanyang laptop at ipinagpatuloy na ang kanyang ginagawa na ipinagliban nito kahapon dahil sa pagpunta ng kanyang mga anak. Di katagalan ay bumalik na itong si Jasmine dala ang kape na tinimpla nito para kay Glen.
"Ayyy!! Bongga talaga ang mga kiss marks sa leeg oh.." biglang sambit ni Jasmine pagkalapag nito ng kape sa mesa ni Glen.
Ngayon lang kasi napansin ni Jasmine ang mga kiss marks sa leeg ng boss niya dahil nakasuot ito ng scarf kanina pagpasok.
"Gigil na gigil si Carlo eh..." natatawang sagot naman ni Glen kay Jasmine.
"Halata naman Miss... one two three four... pitong kiss marks!!.. grabeee..." sagot naman ni Jasmine kay Glen sabay tawa nito.
"Well... marka ng pagmamahal niya sa akin..." nakangiting sagot ni Glen kay Jasmine.
"Hayyy... akala mo ikaw lang Miss??... heto sa akin oh!! Tatak Phoenix de la Vega..." sabay pakita ng kiss marks nito sa dibdib.
"Oh see!! Alam mo Jas... twinning talaga tayo sa mga ganitong bagay..." natatawang sagot ni Glen sabay high five nito kay Jasmine.
"Truuueee... kaya nagkakasundo tayo Miss kasi pareho din yatang malilibog yung mga asawa natin eh..." sagot naman ni Jasmine na sinabayan naman ng tawa ni Glen.
"Ayyy sinabi mo pa Jas..." natatawang sagot ni Glen kay Jasmine.
"Anyway Miss... you have a meeting with the board now..." biglang paalala ni Jasmine kay Glen.
"Ahh okayy.. sige... ubusin ko lang ang kape ko then we'll proceed at the conference room.." sagot ni Glen kay Jasmine.
---xxx---
Pagkatapos ng meeting ay nag aya itong si Carlo na mag lunch sila ni Glen sa labas dahil matagal tagal na rin ang huli nilang lunch date na mag asawa. Agad namang pumayag si Glen sa gusto ng kanyang asawa kaya dali dali na siyang bumalik ng opisina at kinuha ang kanyang bag.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love: A New Beginning
RomanceTHIS IS THE SECOND CHAPTER (BOOK 2) OF MY FORBIDDEN LOVE ❤️ ---oOo--- Tunghayan natin ang pagbabago sa buhay nina Carlo at Glen years after ng kanilang pagsasama bilang lihim na magkasintahan. Magkakaroon na naman ba sila ng dahilan upang masira an...