CHAPTER 6Pagkatapos na mag almusal nina Carlo at Glen ay agad na silang umalis at bumiyahe papunta ng opisina dahil late na sila. Paano namang hindi malilate eh nag chugchugan pa yung dalawa. Pagkarating nila sa opisina ay naghalikan pa silang dalawa bago naghiwalay ng daan papasok ng kani kanilang opisina. Bago pa man sila lumihis ng daanan nila ay kaagad na silang sinalubong ni Jasmine.
"Good morning, Miss G!.." masayang bati ni Jasmine kay Glen.
"Good morning, Jas!..." nakangiting bati ni Glen kay Jasmine.
"Hindi na ako babati sa inyo Sir Carlo dahil alam ko namang pag susungitan mo lang ako..." natatawang baling naman ni Jasmine kay Carlo.
"Tumigil ka diyan Jasmine! Isusumbong talaga kita kay Phoenix..." sagot naman ni Carlo.
"Huy! Hindi kita type Sir Carlo ah, wag kang OA,.." natatawang sagot naman ni Jasmine.
"Wala naman ako'ng sinabi ah..." sabay roll eyes naman ni Carlo na ikinatawa naman ni Glen.
"Wala na po akong balak tumingin sa iba dahil kuntento na po ako kay Phoenix... He's my one and only love..." nakangiting sagot naman ni Jasmine kay Carlo.
"Yun! Ganun dapat! Matuto tayong maging faithful sa ating mga partner dahil kapag nasanay kang tumingin sa iba ay magiging habit mo na yan hanggang sa hindi mo namamalayan, nasasaktan mo na pala ang taong mahal mo..." paalala naman ni Carlo sabay yakap nito kay Glen.
"Yes po Sir Carlo! Noted!... halika na Miss..." natatawang sagot naman ni Jasmine sabay aya nito kay Glen.
Hinalikan muna ni Carlo si Glen sa labi bago ito pumasok sa kani kanilang opisina. Pagkapasok ni Glen sa kanyang opisina ay kaagad na siyang tinanong ng kanyang Executive Assistant.
"Late kayo ngayon Miss ah? Anyare?? Naabutan ng Traffic??..." nagtatakang tanong ni Jasmine.
"Yes, Traffic and bukod dun... uhmm... you know... hehehe..." nakangising sagot naman ni Glen kay Jasmine sabay gawa ng hand sign ng nagtalik.
"Hahahaha!! Kaya naman pala ang fresh niyo ngayon Miss, maaga pala kayong nadiligan ni Sir Carlo..." natatawang sagot naman ni Jasmine kay Glen.
"Oo nga Jas eh... buhay na buhay ang dugo ko ngayon!!..." natatawang sagot naman ni Glen.
"Pareho po pala tayong maagang nadiligan kanina Miss!.." natatawang pag amin ni Jasmine kay Glen.
"Oh see!! Kaya naman pala ang fresh mo din ngayon!! Tropa tropa chill chill tayo today!!..." sagot din ni Glen sabay tawa nilang dalawa ni Jasmine.
"Gusto niyo pa po bang ipagtimpla ko kayo ng kape, Miss?.." agad na tanong ni Jasmine kay Glen.
"Yes, please?..." nakangiting sagot ni Glen.
"Okay po Miss..." sabay alis ni Jasmine para ipagtimpla ng kape si Glen.
Di katagalan ay bumalik na si Jasmine dala ang kape na itinimpla nito para kay Glen. Habang nagkakape pa lang itong si Glen ay biglang nag ring ang company phone nila pero agad naman itong inabot ni Jasmine at sinagot.
BINABASA MO ANG
My Forbidden Love: A New Beginning
RomanceTHIS IS THE SECOND CHAPTER (BOOK 2) OF MY FORBIDDEN LOVE ❤️ ---oOo--- Tunghayan natin ang pagbabago sa buhay nina Carlo at Glen years after ng kanilang pagsasama bilang lihim na magkasintahan. Magkakaroon na naman ba sila ng dahilan upang masira an...