Prologue

7 0 0
                                    

Minsan tinatanong ko sa aking sarili na kung paano ay magkatotoo ang mga iniimagine ko sa mga binabasa kong story?

"Ayaw kong umalis ka at mawalay sa aking tabi, pero alam kong imposibleng mangyari 'yon." malungkot ko itong sinabi.

Malungkot siyang tumingin sa akin. Kinagat niya ang kaniyang labi at hinawakan ang aking pisngi.

"Ngunit alam nating pareho na panandalian lang ito lahat. Nung una nga ay hindi pa ako naniniwala, pero 'yon ang totoo." tumulo ang luha sa mga mata ko at agad niya naman itong pinunasan gamit ang hinlalaking daliri niya.

"Sana ay nag eexist ka na lang. Sana pwede kitang isama sa mundo ko." tumitig siya sa'kin at nangapa ng isasagot. Kitang kita ko kung gaano kabigo ang kaniyang mukha.

Bigla ay niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Ang tanging alam ko lang ay ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Imagination between usWhere stories live. Discover now