AMELIA'S POV
"Aishh ang boring boring kaya magbasa at nakakatamad pa. Paano mo 'yan napagtiyatigaang basahin." Angal ng kaibigan kong si Yara.
Nandito kami sa National book store, dahil namimili ako ng mga librong aking susunod na babasahin. Wala na kasi akong mabasa sa bahay na novel books, dahil halos lahat ng nandun ay nabasa ko na at ang iba naman ay hindi ko type 'yong flow ng story.
"Maganda kaya ang pagbabasa ng mga ganitong libro. Like ackk I wish na nag eexist na lang 'yong mga characters na mababait dito sa kwento." Ngiting ngiting wika ko. Nakita ko naman ang pagka asiwa ng kaibigan ko.
Pagtapos naming mamili ay umuwi na ako ng bahay. Ako lamang ang mag- isa dito sa bahay, dahil nasa abroad si Mama, nagtatrabaho siya doon bilang isang care giver. Si Papa naman ay may iba ng pamilya. Nagpapadala siya ng buwan buwang sustento sa'kin. Nag- iisa lang naman akong anak nila ni Mama.
Pagkatapos kong mag shower at magbihis ay kusang bumagsak ang katawan ko sa kama dala na rin ng pagod. Ang dami rin naming ginawang mga activities sa school kanina.
Kinuha ko ang dalawang librong binili ko. Napukaw ang atensyon ko ng isa sa librong nabili ko.
'You're Just a Dream'
'Yon ang title ng librong aking napiling basahin. Sobrang ganda ng book cover nito at kung talagang mahilig kang magbasa ng libro ay sigurado akong mapupukaw talaga nito ang iyong atensyon.
Sinimulan ko na itong basahin. Nasa prologue pa lang ay sobra na akong na eexcite sa mga susunod pang mangyayari.
Napahikab ako at tumingin sa orasan. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang 10:00 pm na. Parang kanina lang ay alas siyete pa lang ng gabi. Damn... Masyado na naman akong nalibang sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na ang tagal ko na pa lang nagbabasa.
Bago ko isara ang libro ay nilagyan ko muna ito ng bookmark. Dahil sa pagbabasa ko ay hindi na ako nakaramdam ng gutom. Kaya imbis na kumain pa ay pinatay ko na lang ang ilaw at nahiga na ako sa aking kama. Maya maya pa ay kusa ng pumikit ang mga mata ko at nakatulog na ako.
KINABUKASAN...
4:00 AM nang magising ako. Naghanda na agad ako para sa 7pm class ko. Mabagal talaga ako kumilos kaya kailangan maaga rin akong naghahanda. Naligo muna ako at magbihis bago kumain. Pagkatapos nun ay nag sipilyo muna ako bago umalis ng bahay.
Time check it's 5:30 AM. Medyo may kalayuan itong school na pinapasukan ko mula dito sa bahay kaya naman kailangan ko talagang umalis ng maaga.
'UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES MANILA'
Mabilis ako nag para sa sinasakyan kong jeep ng mabasa ko na ang pangalan ng school na pinapasukan ko.
"Hi Amelia... Are you free tonight?" nakangising sabi sa'kin ni Niel pagpasok ko pa lang ng room namin. Gwapo si Niel at isa siya sa pinagkakaguluhan dito sa campus. Medyo badboy ang dating ng kaniyang hitsura at ang isa sa kinahuhumalingan sa kaniya ng mga babae ay ang mabango niyang amoy.
"Uh I don't know it depends kung may mga activities na iiwan sa'tin ang mga proffersor natin. Why?" hilaw akong ngumiti sa kaniya.
"Aayain sana kitang mamasyal mamaya." nakangisi pa rin siya at pinasadahan niya ng palad ang kaniyang buhok.
"I'll try." tanging sagot ko.
"Sure, hihintayin ko sagot mo mamaya." tanging naisagot niya at dumating na ang proffersor namin.
Pagkatapos ng klase ay napagpasiyahan ko na lang na sumama sa anyaya sa'kin ni Niel. Merong mga pinapaggawa sa'ming tatlong activities sa tatlong subject namin, pero hindi pa naman ito agad agad ipinapapasa at besides minsan lang naman ako mamasyal, kaya pumayag na ako.
YOU ARE READING
Imagination between us
FantasyAmelia C. Elsher is a 1st year Broadcast Journalist student. She loves reading novel books. Masaya siyang namumuhay ng walang lovelife at tanging libro na lang ang nagpapakilig, nagpapaiyak at nagbibigay ng thrill sa buhay niya. Minsan pa nga ay ini...