Araw ngayon ng sabado. Nandito ako sa aking kwarto at gumagawa ng mga school activities. Marami rami na rin akong nasimulan, kaya sa palagay ko ay matatapos ko ito mamaya.
8:00 A.M pa lang ng maaga at nasanay na rin ako ng maagang nagigising. Kanina pa rin ako nakapagbreakfast.
"I'm done." sabi ko sabay stretching.
Iniligpit ko na ang mga gamit. Pagkaligpit ko ng mga gamit ko ay biglang kumalam ang sikmura ko, kaya napagpasiyahan kong pumunta sa kusina upang maghanap ng makakain.
Nanlumo ako nang pagbukas ko ng refrigerator ay wala na itong kalaman laman. Shit! Nakalimutan ko nga palang mag grocery.
Kaya napagpasiyahan kong mag gogrocery ako ngayong araw. Naligo muna ako at saka nagbihis. Nag suot ako ng leggings at oversized t-shirt.
Habang naglalakad ako ay tila may nararamdaman akong sumusunod sa likuran ko. Panay lingon ko sa likuran ko, ngunit kada lingon ko ay wala naman.
Nagtuloy- tuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa isang grocery store. Agad naman akong pumasok doon.
Hindi naman ganun karami ang aking pinamili. Bumili lamang ako ng pagkain na sa tingin ko ay matagal tagal ko ring magiging stock sa bahay. Bumili rin ako ng shampoo, sabon pampaligo, sabon panlaba, toothpaste at bagong toothbrush.
Nang matapos na akong bumili ay lumabas na agad ako ng grocery store.
Naglalakad ako nang biglang may bumangga sa aking isang babae. Naka suot siya ng balabal sa ulo.
"Pasensiya na po." sabi ko doon sa babaeng nakabanggaan ko. Ngunit na wirduhan ako sa klase ng ngiting ibinigay niya sa akin.
"Ayos lang iyon. Siya nga pala bakit ka nag- iisa sa daan?" kahit na wirduhan ako sa tanong niyang iyon ay ngumisi pa rin ako sa kaniya.
"Wala po kasi akong pwedeng isama, kaya ako lang po mag- isa." sagot ko.
Halos mapatalon ako sa gulat ng hawakan niya ang aking balikat.
"Mag- iingat ka." ewan ko, pero na wiwirduhan ako sa babaeng ito.
"Opo, mag- iingat ka rin po." ngumiti siya sa akin, pagkatapos kong sabihin iyon.
"Naniniwala ka ba na may isang tao tayong mamahalin ng sobra, ngunit hindi natin ito makakatuluyan?" nagulat ako sa tanong niyang iyon.
Nangapa pa ako ng sasabihin ko. Bakit niya tinatanong sa akin ito? Kilala ko ba siya? Bakit niya kaya na isipang itanong sa akin ito?
"Ah... Sa totoo lang po kailanman ay hindi ko pa naranasan ang magmahal, pero para sa akin po totoo iyong may mamahalin tayo ng sobra at hindi natin makakatuluyan. Siguro ang taong 'yon ay ang greatest love na tinatawag." sagot ko.
Mas lalo akong na wirduhan nang ngumisi iyong babae. 'Yong ngising tila ba nagustuhan niya ang aking naging sagot.
"Paano kung iyong minamahal mo ng sobra ay hindi pala nag eexist sa mundong ito?" dagdag tanong pa niya.
Napa isip naman ako. Oo nagmamahal ako ng fictional characters na never nag eexist dito sa mundong kinabibilangan ko.
"Sa totoo lang po mahilig ako magbasa ng mga novela. Sa tuwing nagbabasa ako nun mas lalong tumataas ang standard ko sa mga lalaki. I wish na nag eexist na lang sila, pero alam kong malabo 'yong mangyari. Napapamahal ako palagi dun sa mga fictional characters na iyon, dahil swertehan na lang kung makakatagpo tayo nito sa totoong buhay." hindi ko alam kung nasagot ko ba ang tanong nung misteryosang babae, pero wala na talaga akong makapang isasagot ko sa tanong niya.
YOU ARE READING
Imagination between us
FantasyAmelia C. Elsher is a 1st year Broadcast Journalist student. She loves reading novel books. Masaya siyang namumuhay ng walang lovelife at tanging libro na lang ang nagpapakilig, nagpapaiyak at nagbibigay ng thrill sa buhay niya. Minsan pa nga ay ini...