Naglalakad ako mag-isa pauwi ng bahay galing sa eskwelahan. Nasa third year high school na ako ngayon ngunit wala parin akong kaibigan. Lagi kasi nila akong inaasar na ampon o anak sa labas.
Hindi ko nalang pinapansin ang mga tawag nila sa 'kin kahit gustong-gusto ko na silang suntukin sa mukha.
Kaya lagi akong mag-isang kumain at mag-isang naglalakad papuntang school. Walang gustong lumapit
sa 'kin, walang may gustong makipag kaibigan. Sanay na ako do'n kaya hindi na ako nalulungkot.Habang naglalakad ako ay parang may naramdaman akong nakasunod sa 'kin. Agad akong lumingon sa likod ko ngunit wala naman akong makitang kakaiba kaya nag patuloy nalang ulit ako.
Nakayuko ako habang naglalakad dahil napansin ko na hindi nakatali ang sintas ng isa kong sapatos. Yumuko ako para ayusin ang sintas ko. Nang matapos ako ay tumayo ako saka ako naglakad ulit.
Ngunit, napatigil ako sa paghakbang ng may mabilis na humarurot na van at bigla itong huminto sa unahan. Bigla akong kinabahan ngunit hindi parin ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
Wala namang lumabas mula sa loob ng sasakyan. Inisip ko nalang na baka nasiraan lang sila ng sasakyan kaya huminto. Naglakad nalang ulit ako hanggang sa tumapat ako sa pinto ng sasakyan.
Lalagpasan ko na sana ng biglang bumukas ang pintuan ng van at may lumabas na limang lalaki. Nakasuot sila ng itim na maskara at may mga nakasukbit na malalaking baril sa kanilang katawan.
Napasigaw ako ng bigla nila akong hinawakan sa balikat. Nagpupumiglas ako at pilit na kumakawala sa mga lalaking nakahawak sa 'kin.
"Sino kayo? Bitawan niyo ako!" Sigaw ko sakanila.
Pilit nilang nilalagyan ng takip ang mukha ko ngunit mabilis akong umiwas. Naglakas loob akong sipa-in ang lalaking nakahawak sa isa kong braso dahilan para mabitawan niya ako. Sinipa ko din ang isa niyang kasama na nakahawak din sa 'kin.
Akmang tatakbo na sana ako ng may sumuntok sa sikmura ko. Napaubo ako at napaluhod dahil sa lakas ng suntok niya sa sikmura ko.
"Parang awa niyo na.. hindi ko po kayo kilala. Pakawalan niyo na po ako," pagmamakaawa kong sabi. Ngunit, sinuntok ng lalaki ang mukha ko na ikinalabo ng paningin ko.
"Tarakan niyo na ng pampatulog yan para hindi na mag pumiglas. Dalian niyo at baka makita pa tayo ng mga tao!" Dinig kong sabi ng lalaki kahit lumalabo na ang paningin ko.
Naramdaman ko nalang na parang may karayom na tinusok sa balikat ko. Biglang akong nawalan ng lakas at para bang namamanhid ang buo kong katawan. Unti-unting bumibigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko. Iminulat ko ang aking mga mata, ngunit wala akong makita. Bumungad sa 'kin ang kadiliman na akala ko'y nakapikit ang mga mata ko dahil sa sobrang dilim. Kahit kunting liwanag ay wala akong makita.
Kinapa ko pa ang mga mata ko kung nakabukas ba talaga ang mga 'to. "Nasaan ako?" Tanong ko sa aking sarili ngunit nakakabingi ang katahimikan.
Naglakas loob akong gumapang sa sahig para makahanap ng pader para makatayo ako. Gusto kong hanapin ang switch ng ilaw para buksan dahil nakakatakot ang dilim.
Gumagapang ako ngunit wala parin ako makapa na kahit ano hanggang may matamaan ang kamay ko.
"Shit, Ano yun?" Gulat kong sigaw sabay atras.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 1: Nuroi Fowler
Action||🔞R-18|| ||✅Completed|| {Under editing} They were kidnapped by a large syndicate when they were children and taken to another country and taught to kill and fight. They became skilled in using weapons and fighting. Ikinulong sila sa isang malakin...