IT'S BEEN TWO weeks since I've been here in Nuroi's rest house. I feel like I'm the only one here. Nuroi is always nowhere to be seen when I go down. Hindi ko alam kung trip niya lang bang mag kulong sa kwarto niya o iniiwasan niya ako.
Ughh!! he's so annoying. Kainis talaga siya, dapat nga binabantayan niya ako. Hindi ko talaga alam ang trip ng lalaking 'yon. Minsan namamansin, minsan naman para kang hindi nakikita. May saltik yata.
Bumangon nalang ako saka dumeritso ng banyo para maligo. Magluluto ako ng almusal KO.. oo akin lang, bahala si Nuroi sa buhay niya. Hindi ko din naman siya nakikita kaya bakit ko pa siya paglulutuan ng pagkain.
Nang matapos akong maligo ay agad ako nag suot ng pambahay. Nag suklay narin ako ng buhok at pagkatapos ay lumabas agad ako ng kwarto.
Pababa na ako ng hagdan ng makita kong nakabukas ang kwarto ni Nuroi.
Nagpatuloy ako sa paghakbang sa hagdan at tinungo ang kusina. Nang makalapit ako ay agad ko nakita si Nuroi na nakatalikod sa gawi ko, naka upo siya sa may island counter at parang may kausap yata sa laptop.
Agad ako tumigil sa paghakbang at nag tago muna. Alam kung masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko naman maintindihan ang sinasabi ni Nuroi dahil ibang lenggwahe ang gamit niya.
Unti-unti kong nakita ang mukha ng kausap ni Nuroi sa laptop niya. Isa itong babae. May kulay ang buhok niya na copper red at napakaganda ng babae kahit sa screen ko lang siya nakita. Talagang masasabi kong maganda siya. May pagka fierce tignan ang mukha ng babae na nakakadagdag sa kanyang kagandahan.
Hindi ako makikita sa kinatatayuan ko kaya malaya kung nakikita ang kausap ni Nuroi. Sino kaya ang babaeng ito? Girlfriend ba 'to ni Nuroi?
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng lumingon sa gawi ko si Nuroi at dali-daling sinirado ang laptop niya. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko kung hahakbang ba ako pa abante o pa-atras. Nag mumukha tuloy akong nag cha-cha dito, dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Baka magalit sa 'kin si Nuroi dahil nakikinig ako sa usapan nila.
Tumikhim ako para mawala ang kaba ko sa dibdib. "Ahm.. What do you want for breakfast?" Napipilitang tanong ko sakanya sabay naglakad papunta sa harap ng refrigerator saka ko 'to binuksan. "Ikaw na bahala," sagot naman niya sa 'kin.
Hindi na lang ako umimik at baka hindi na naman niya ako sagotin. Kinuha ko nalang ang gusto kung lutuin para makapagluto na ako.
I just cooked fried rice, egg, at bacon. Nakita ko siyang walang kape pero busy parin siya naka tingin sa laptop niya. Naisipan ko nalang na timplahan siya ng kape. Inilapag ko ang kape sa gilid ng laptop ni Nuroi. Nag-angat pa siya ng tingin sa 'kin at ngumiti bago yumuko ulit.
Hindi ko alam kung gusto ba niya ng cream coffee o black, bahala siya kung ayaw niya ng black na tinimpla ko.
Umupo ako sa katapat niyang upuan saka ko inayos ang baso. "Kain na tayo!" Sabi ko sakanya sabay iwas nang tingin ng magsalubong ang tingin namin dalawa.
Tahimik kaming kumakain at agad kumunot ang nuo ko ng may mapansin ako sa mga braso niya. May mga hiwa kasi siya do'n na sobrang dami. Ang iba ay fresh pa, ang iba naman ay peklat na. Para din 'tong sinadyang sugatan.
"Ahm pwde mag tanong?" Bigla kong sabi. Shit!malamang hindi 'to sasagot. Kainis ka Faith, hindi ka nalang manahimik sa tabi eh.
"What is it?" Bored niyang tanong
sa 'kin.Shit, should I continue the question or not? bahala na nga. I took a deep breath first. "Saan mo nakuha yang mga sugat na yan?" Tanong ko habang tinuro ang mga sugat niya.
Yumuko lang siya at tumigil sa pagkain. Sabi ko na eh.. hindi siya sasagot sa 'kin, tatanong-tanong pa kasi ako, muntanga!
I was about to stand up para sana ilagay ang ginamit kong pinggan ng magsalita ulit si Nuroi.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 1: Nuroi Fowler
Action||🔞R-18|| ||✅Completed|| {Under editing} They were kidnapped by a large syndicate when they were children and taken to another country and taught to kill and fight. They became skilled in using weapons and fighting. Ikinulong sila sa isang malakin...