Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors
Please do not take it seriously
--
"Old love" (short story)
--
"Nanay?" Napatingin ako sa kanya"Yara? Anong ginagawa mo dito? Bat nagising ka?" Alas tres na ng madaling araw kakagaling ko lang ng trabaho kaya nandito ako
"Nauuhaw ako eh" inabot ko sa kanya yung tubig na iniimon ko uminom naman sya
"Okay na? Halika na"
"Bakit ikaw sad?" Tanong nito ngumiti naman ako
"Hindi ako sad, may iniisip lang ako" sambit ko at nilagay sya sa kama tabi ni alora
"Ano yun?" Sabay higa nito
"Secret na yun ni nanay, sge na tulog na" tumango sya at hinalikan ako, tumabi naman ako sa kanila at natulog na rin
--
"Nanay? Wala pasok ngayon?" Tanong ni alora"Wala anak eh sabado ngayon eh"
"Yehey!" Tumawa ako, napatingin kaming dalawa kay yara
"Yara denise!" Sabay naming sigaw para gisingin si yara
"Ahhhh!" Sigaw naman ni yara tunawa ako
"Good morning" bati ni alora
"Gulat nyo ako" sambit ni yara tunawa naman ako
"Good morning yara girl, halika na kakain na tayo"
"Okay po" tumayo sya at niyakap muna ako
"Tama na lambing halika na kain na tayo" tumawa silang dalawa at tumakbo papuntang kusina
--
"Wag kayo masyadong mag papawis okay?""Okay nanay"
"Wag rin masyadong lalayo kay nanay ahh"
"Opo" tumakbo sila at nag simulang mag laro tiningnan ko lang silang dalawa, iniwan kami nung tatay nila hindi kopa alam nun na nanjan pala sila ang sabi nya mag hahanap lang sya ng trabaho pero hindi na sya bumalik wala naman akong magawa dahil wala naman akong karapatan sa kanya simula nun wala na akong balita sa kanya hanggang ngayon
"Nanay bukas ulit" sabay upo nila sa tabi ko
"Okay, bukas ulit"
"Pero nanay pwede mag tingin muna tayo ng sunset?" Sambit ni alora tumango naman ako
"Nanay pwede kain tayo ice cream?"
"Eh pagabi na yara eh, kakain na tayo ng hapunan"
"Okay nanay"
"Bukas nalang okay, diba balik tayo dito bukas?" Tumango silang dalawa, hinaplos ko yung buhok nilang dalawa "bukas mag dadala tayo ng pagkain at kakain tayo ng ice cream"
"Opo nanay"
"Nanay pwede sandwich baon natin bukas?" Ngumiti ako
"Oo naman"
"Yehey! Thank you nanay"
"Walang ano man" hinalikan ko silang dalawa sa noo at binaling ulit yun atensyon ko sa lumulubog na kulay kahel na araw sa harapan namin
--
"Nanay diba may trabaho ikaw?" Napatingin ako sa kanya"Ah ano kasi, natanggal ako sa trabaho eh pero mag hahanap ako ng bago wag kayong mag alala" napatingin naman sila sakin
"Bakit?" Tanong ni alora, napabuntong hininga nalang ako
"May nagawa nanamang masama ang nanay, kahit hindi naman"
"Ano yun?"
"Wala wag nyo na yun isipin okay? Secret yun ni nanay" tumawa naman sila