wanshat (1)

207 4 0
                                        

Sorry for grammatical errors and misspelled words and typographical errors

Please do not take it seriously
--
"Another love" (short story)
--
"Mama" napatingin ako sa kanilang dalawa habang nag aayos ng mga gamit nila

"Mama, rinig mo yun?" Excited na sabi nito

"Ang galing naman ni ate magturo"

"Ako pa mama" ngumiti lang ako

"Iha? Tara na kumain na tayo tapos na rin sila maam" napatigil ako sa ginagawa ko at binuhat si ezekiel

"Opo nana, susunod ho" agad tumakbo si ely palabas ng kwarto at dumeretsyo sa lamesa para kumain

"Good night daddy" bati nito sa daddy nya

"Good night Elyse" bati nito pabalik kay ely at umalis

"Kumain na kayo, halika na"
--
"Matulog na ate, tigil na yang laro" tumayo sya at humiga sa tabi ni kiel

"Mama, Good night moon please"

"Sge sandali lang" niligpit ko yung mga laruan nya at kinuha yung story book kahit ulit ulit ko na tong binabasa sa kanya hindi parin sya nag sasawa, agad ko syang binasahan para makatulog na sya "Good night, stars. Good night, air. Good night, noises everywhere." Basa ko sa huling line ng story "good night ely" agad ko syang hinalikan sa noo at lumabas para mag pahangin

"Iha? May problema ba?" Napalingon ako sa kinaroroonan si nana, umiling nalang ako

"Wala po nana, nag papahangin lang po ng konti ang sarap ho kasi ng simoy ng hangin dito eh"

"Sigurado ka? Alam mo namang handa akong makinig ano man yun?"

"Opo nana, salamat po, papasok na rin ho ako maya maya baka kasi magising si kiel eh"

"Oh sge, mauna na ako ah? Ikaw na bahalang mag sarado ng pinto" tumango ako
--
"Maxie? Is that your sister? The little girl there?" Elyse my goodness

"Oh ely? My half sister, she's my father's greatest mistake of all time"

"Mistake? She's cute tho, she was answering a math equation tho? Is she on school?" Pam asked

"Yeah, second grade same as my brother"

"They lived here? How? Did you mom agreed about it?" Shai asked

"Yeah, daddy wants to, wala naman dito sa mommy eh"

"What a shame"
--
"Hi daddy!" Bati ni ely sa daddy bya

"Hi ely" bati naman nito pabalik, tinitignan ko lang sila mula sa kusina

"Daddy!" Sigaw ni niko at evie

"Hi babies? Did you miss daddy? I have a present for you two" isa isa nyang binigyan ng paper bag si evie at niko habang si ely ay nakatayo lang sa gilid at nag hihintay ng regalo nya sa daddy nya, may isa pa namang paper bag dala yung daddy nya kaya siguro nag hihintay sya "nana? Can you give this to maxie later pag uwi nya? Paki sabing nasa taas kami nana ah? Thank you" sabay alis nilang tatlo, agad naman napatingin sakin si ely

"Hayaan mo na, may gift naman si mama sayo eh" agad kong nilabas yung box na may laman na kwinstas agad kong sinuot sa kanya yun

"Ang ganda mama"

"Bigay yan ni daddy noon, ingatan mo yan kasi iningatan yan ni mama, mahalaga sakin yan anak kasing halaga ng pagmamahal at tiwala ko sa daddy mo, yan lang muna ha? Babawi ako sa susunod" hinalikan ko sya sa noo at hinayaan na syang makipag laro
--
"Mama? Bakit ayaw sakin ni daddy?"

SHORT STORIES (OgRe) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon