𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗧𝗬𝗔 𝗡𝗜 𝗟𝗘𝗢 (𝒎𝒖𝒕𝒚𝒂/𝒈𝒂𝒃𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚)
Walang humpay sa pagmamakaawa ang mag-inang Jocelyn at Leo. Nahatulan kasi sila ng kanilang pinuno nang parusang kamatayan, sa pag-aakalang nagtaksil sila sa kanilang grupo sa pamamagitan ng pag-eespiya sa loob ng baryo nila at iniuulat ito sa ibang kampo na siya rin mismong mortal na kaaway ng kanilang grupo. Kabilang sila sa mga matatawag na Aswang, subalit nagmula sila sa lahi ng mga Gabunan. Ang isa sa mga uri ng pinakamalakas na Aswang.
"Maniwala kayo pinuno, wala kaming kinalaman sa mga sinasabi ninyo. Hindi namin iyon magagawa, hindi kami nagtataksil, maawa na kayo. Huwag niyo kaming parusahan," nakaluhod at patuloy sa pagmamakaawa si Jocelyn.
"Totoo po iyon, pinuno. Hindi po kami nagtataksil ni ina. Maniwala ho kayo, wala hong katotohanan ang mga pinagsasabi nila tungkol sa amin. Iyon ho ang totoo, maniwala naman kayo!" Gaya ni Jocelyn ay patuloy rin sa pagmamakaawa ang binatilyong si Leo.
"Mga sinungaling! Alam kong nakikipagkampihan kayo sa mga kalaban natin! Hindi ba't kayo ang nag-ulat sa kanila na paparating at pauwi na rito ang anak ni pinuno na si Cheska? Kaya't sinalubong nila ito at walang awang pinatay. Hindi naman nila iyon malalaman o gagawin kung walang traydor rito sa kampo natin! Dahil tayo-tayo lang naman ang nakakaalam tungol doon. At sigurado ako, na kayo ang nagsumbong non sa mga kaaway natin! Dahil tanging kayo lamang mag-ina ang tutol sa pambibikitma namin sa mga tao! At isa pa, nakita rin kita Jocelyn na kausap ang isa mga tauhan ng kalaban natin. Kaya sigurado talaga ako na kayo ang nagtatraydor rito sa kampo natin. Kaya dapat lang talaga sa inyo ang maparusahan ng kamatayan, dahil mga taksil kayo!" Galit na sabat naman ng isa sa mga naroroon na si Felix.
"Sinungaling ka, Felix. Ikaw ang totoong traydor! Binabaliktad mo lang sa amin ang mga ginagawa mong kataksilan sa angkan natin! Pero ang totoo, ikaw ang totoong traydor! Huwag ka nang magmaang-maangan, aminin mo na kasi na ikaw ang totoong traydor!" Galit rin na sabi ni Jocelyn na namumula na ang mga mata.
"Huwag mo nga akong babaliktarin, Jocelyn. Nagtaksil ka na nga, ang lakas pa ng loob mong siraan ako! Ganiyan ka na ba talaga katraydor, ha?!" Magsasalita pa sanang muli ang babae subalit inawat na sila ng pinuno nilang si Rafael, na ngayon ay pikon na pikon na sa dalawa at hindi alam kung sino ang paniniwalaan.
"Tama na! Mga wala na kayong respeto! Talagang dito pa kayo nagsigawan sa harapan ko!" Malakas na sabi nito.
"Patawad, pinuno. Hindi ko lamang napigilan ang aking sarili sa pambibintang sa akin ng babaeng iyan," agad na humingi ng paumanhin si Felix sabay tumingin kay Jocelyn.
Bumuntong hininga muna si Rafael bago nagwika. "Buo na ang pasya ko, Jocelyn. Dahil sa inyong pagtataksil, parurusahan ko kayo ng iyong anak nang kamatayan. Namatay ang anak ko dahil sa kagagawan ninyo! Siya lamang ang nag-iisa kong anak, subalit dahil sa katraydoran niyo ay pinatay siya ng mga kalaban natin! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo."
"Ilapit n'yo sa akin ang dalawang iyan. Oras na upang pagbayaran ang kanilang pagtataksil!" Mabilis namang sumunod ang mga alagad ni Rafael sa utos nito. Si Jocelyn ang kanilang unang dinala rito. Sigaw pa noon ng sigaw si leo na tinatawag ang pangalan ng kaniyang ina. Subalit wala siyang magawa. Hawak-hawak rin kasi siya ng dalawang alagad pa ni Rafael.
Hindi pa man nakakapagsalita si Jocelyn nang maramdaman na niyang, tila may dumukot na sa kaniyang puso. At iyon ang naging sanhi nang agaran niyang pagkamatay.
"Hindiiiiiiii! Inaaaaaa!" Palahaw ng binatilyo nang bumagsak sa lupa ang walang buhay na katawan ng kaniyang ina.
Maya-maya pa, inutosan muli ni Rafael ang dalawang lalaki na nakahawak kay Leo at ilapit rin ito sa kaniya Gaya kanina ay mabilis na namang sumunod ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ni Leo
ActionMag-inang pinarusahan at hinatulan ng kamatayan ng kanilang pinunong Aswang. Pagkatapos ay itinapon ang katawan ng mga ito sa basurahan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay hindi nila tuloyang napatay ang anak na binatilyo ng Ginang na Aswang. Isa...