Chapter 2 "Pagbangon"

4 2 1
                                    

ANG MUTYA NI LEO
Isinulat ni Ginalyn Magdalena

Chapter 2

Matapos ang karumal-dumal na nangyari sa mag-ina ay magmula din noon ay sumumpa si Leo na ipaghihiganti niya ang kaniyang ina. Kung kaya't nagasumikap siyang matuto kung paano lumaban. Katuwang niya sa kaniyang pagbangon ang matandang si Ferdenand. Ito ang nagturo at nag-ensayo sa kaniya kung paano lumaban at ipagtanggol ang sarile. Hindi na rin naman siya umalis sa poder ng matanda mula ng makuha siya nito. Itinuring niya na itong kaniyang lolo.

Nagdaan pa ang ilang-taon, tuloyan na ngang nagbinata si Leo. Napakakisig ng katawan nito ngayon. Samantalang si Ferdenand naman ay lalo lamang tumanda ang itsura, ngunit ang kilos at galaw nito ay para pa ring bata. Sa ilang-taon nilang pagsasama, ipinagtapat na rin ni Ferdenand dito ang totoo niyang pagkatao at kung bakit tila hindi siya na nanghihina kahit na halos hukloban na ang itsura nito na para nang isang matandang ermetanyo dahil sa haba ng balbas at buhok. Ilang-taon na rin kasi nitong hindi ginugupitan ang sarili niya.

"Inay, kumusta na po kayo? Sana po masaya ka kung saan ka man naroroon. Malapit na, inay, malapit na kitang ipaghiganti. Malapit nang magbayad ang mga taong may atraso sa atin noon. Ito na iyon, Inay. Ito na ang panahon para lumantad ako sa kanila. Mahal na mahal kita, inay. Pangako, bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay mo." Walang emosyon ngunit puno ng pagmamahal na wika ni Leo habang nasa harap ito ng puntod ng kaniyang ina.

Ilang-minuto pa siyang naroon, ngunit hindi rin nagtagal ay umalis na rin ito doon at bumalik na sa bahay ni Ferdenand.

Pagkarating niya doon, nadatnan niya sa sala ang matanda na tila ba ang lalim ng iniisip.

"Ang lalim naman po yata ng iniisip mo lolo, ah. Ano po ba 'yon?" Ani ng binata at tumabi rito ng upo.

"Hijo, masiyado na akong matanda. Nais ko nang magpahinga, ngunit, wala pa akong mapagsasalinan ng mutya ng itim na manok. Maaari bang ikaw nalang, hijo?"

"Po? Eh bakit po ako? Alam niyo naman pong ayaw ko sa mutya na iyan, hindi ba? Kasi kapag tinanggap ko ho iyan, para na ring pinagkanulo ko ang kaluluwa ko sa demonyo. Eh 'di bs ho, sa demonyo ho galing ang mutya na 'yan? Kaya hindi ko ho iyan matatanggap, pasensya na po talaga." Pagtanggi ng binata, ngunit may parte rin sa kaniyang isipan na tanggapin iyon. Subalit mas nananaig talaga sa kaniya na tanggihan ito.

"Naiintindihan ko naman iyon, hijo. Pero kakailanganin mo din ang mutya na ito para sa balak mong paghihiganti. Hindi sapat ang mga natutunan mo mula sa akin para malabanan mo ang mga Aswang na may atraso sa iyo at sa iyong ina. Lalo pa't si Rafael ang kalalabanin mo, hindi siya basta-bastang kalaban, Leo. Malakas at makapangyarihan si Rafael, kaya kakailanganin mo talaga ang mutya na ito upang masiguro mong magwawagi ka kung sakali man sa inyong laban. Naiintindihan ko ang pinagdaraan mo, at alam ko kung gaano mo kanais ang maghiganti, alam ko rin na ayaw mong maging kampon ng kadiliman. Ngunit sa tingin mo ba ay mananalo ka kung isa ka lamang pangkaraniwang Aswang? Pag-isipan mo ng mabuti ang mga sinabi ko, Leo. Ngunit para lang din naman ito sa ikatatagumpay mo. Bibigyan kita ng ilang-araw para makapag-isip tungkol dito, ano man ang maging desisyon mo ay igagalang ko." Mahabang turan ng matanda at saka naglakad at pumasok sa sariling kuwarto.

Naiwan naman doon si Leo na gulong-gulo ang isipan.

Nagdaan pa ang tatlong-araw ay sa wakas, nakabuo na rin siya ng desisyon. Ilang-araw niya din itong pinag-isipan, ngunit ngayon ay buo na ang kaniyang pasya. Tatanggapin niya ang mutya ng manok na itim. Batid niya sa sarili niyang kapag tinanggap niya iyon ay ang kaniyang kaluluwa ay mapupunta sa impyerno oras na mamatay siya. Iyon kasi ang kasundoan kung nais mong mapasaiyo ang mutya ng manok na itim. Maaari naman itong gamitin sa masama man o mabuti, basta't ang iyong kaluluwa ay ipagkakanulo mo sa demonyo. Ngunit ang lahat ng iyon ay binalewala na lamang ng binata, para sa kaniya ay hindi na baleng mapunta siya sa impyerno, ang mahalaga ay maipaghiganti niya ang kaniyang ina. Tutal lahat naman ng nilalang na kagaya niya ay doon lang din naman ang bagsak. Kaya para saan pa upang tanggihan ang inaalok ng matanda sa kaniya?

Ang Mutya ni LeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon