𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗧𝗬𝗔 𝗡𝗜 𝗟𝗘𝗢
Isinulat ni 𝑮𝒊𝒏𝒂𝒍𝒚𝒏 𝑴𝒂𝒈𝒅𝒂𝒍𝒆𝒏𝒂Chapter 3 (final)
Nang makabalik nga si Leo sa kinaroroonan ng matanda ay agad niya itong ibingay kay Ferdenand. Kinuha naman ito ng matanda at inilapag muna sa lupa ang itim na manok at ang dinalang laman at dugo ni Leo. At pagkatapos ay muli na naman itong nag-usal ng dasal na kakaibang lenggawahe at tila ba may tinatawag ito. Nagugulohan man ang binata ngunit nanatiling tikom ang kaniyang bibig at hinihintay na lamang kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Ilang-saglit pa, kumidlat ng malakas at tila naging isang ipo-ipo ang kalangitan na nasa katapat nila. Isang itim na usok ang bumolyusok mula doon patungo sa kanila. Ang usok na iyon ay unti-unting naghuhugis tao, o 'di kaya naman ay, isang demonyo. Sa kamay nito ay makikita mo'ng may hawak itong itim na libro.
"Ferdenand! Ikinagagalak kong makita kang muli. Ilang-taon na rin ang nakalipas nang huli tayong magkita, mula ng ipasa sa iyo ng iyong yumaong lolo ang mutya ng aking alagang manok. At ngayon ay, ikaw naman ang magpapamana ng mutya sa binatang iyan, tama ba ako?" Nakakakilabot na tinig ng demonyong dumating.
"Ganon na nga, maaari mo bang ipasa sa kaniya ang mutya na nasa aking katawan ngayon? Nang sa ganon ay magamit niya ito sa kaniyang paghihiganti," utal ng matanda. Bahagya namanh napatawa ang demonyo, samantalang si Leo naman ay nasa tabi lamang ni Ferdenand at pinapanood ang dalawa.
"Maaari naman iyan, Ferdenand. Ngunit alam mo kung ano ang kasundoan ko bago mailipat sa kaniya ang mutya, hindi ba? Ang tanong Ferdenand, handa ba ang lalaking iyan na ialay sa akin ang kanyang kaluluwa kapalit ng kapangyarihan ng itim na manok?"
Lumingon naman si Ferdenand sa binatang katabi niya, at kinakausap ito gamit ang kanyang mga mata.
"Handa na ako, handa kong ipagkanulo ang aking kaluluwa kapalit ng mutya. Ang mahalaga ay, maipaghiganti ko ang aking ina,"
"Kung ganon, humayo kayo at simulan na natin ang ritwal!"
Nagsimulang buklatin ng demonyo ang itim na librong dala niya, at mayroon itong binabasa doon na hindi mo maintindihan. Ilang-minuto pa silang nasa ganoong sitwasyon nang bigla na lang manginig at matumba ang katawan ni Leo sa lupa. Nasa dalawang minuto lang naman itong nangisay at bumalik rin naman ito sa dati na para lang walang nangyari. Kasabay din niyon ang tila biglaang pagkahina ni Ferdenand.
"Pakainin at painumin niyo ng laman at dugo ng tao ang itim na manok na iyan, at pagkatapos ay mangingitlog iyan, at ang itlog na iyon ay kailangan mong kainin, Leo. Bibigyan ka nito ng angking lakas at kapangyarihan na magagamit mo sa iyong paghihiganti,"
Agad naman na kinuha ni Ferdenand ang laman at dugo na dala ni Leo at ibinigay sa binata.
"Ikaw ang dapat na gumawa niyon, Leo," Ani matanda. Kinuha naman ito ng binata at lumapit sa itim na manok, hindi naman siya nahirapan na pakainin ito dahil ito na mismo ang kusang tumutuka sa laman ng tao. Nang makahalati iyon, uminom naman ito ng dugo na nakalagay sa takip ng boteng plastik ng mineral water. Nang maubos ang dugong nakalagay doon, pumwesto naman ang manok sa may damuhan at doon lumukob na tila nagpapahinga.
"Kailan ho ba s'ya mangingitlog? Gaano katagal?" Tanong ni Leo na nakatingin sa nagpapahingang manok. Habang ang demonyo naman ay fanoon din.
"Hintayin mo lang, hijo. Hindi rin magtatagal ay mangingitlog na rin iyan, nag-iipon lamang siya ng lakas." Sagot ng matanda.
Naghintay pa sila ng ilang-minuto doon hanggang sa bigla na lang umalis ang manok sa pinagkukublihan nito at kitang-kita nila doon na may naiwan doong isang maliit na itlog. Napangite naman si Leo, pagkuwa'y dali-daling kinuha ang itlog.
BINABASA MO ANG
Ang Mutya ni Leo
ActionMag-inang pinarusahan at hinatulan ng kamatayan ng kanilang pinunong Aswang. Pagkatapos ay itinapon ang katawan ng mga ito sa basurahan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay hindi nila tuloyang napatay ang anak na binatilyo ng Ginang na Aswang. Isa...