Kakaahon lang nila ni Dylan sa dagat. Napilit parin siya nitong mag scuba diving, wala na siyang nagawa dahil ayaw nito umalis sa room niya hangga't hindi siya pumapayag.
Pero worth it naman ang pamimilit nito at nag enjoy naman siya.
"Thank you, Dylan for accompanying me today I really enjoyed"nakangiti niyang turan. Ngayon lang yata niya nakalimutan ang bigat ng dibdib simula nang maghiwalay sila ng ex niya. She's thankful that there's someone who's willing to accompany her kahit hindi naman sila close o magkakilala talaga.
"I'm glad that you enjoyed, I'm just one call away if you need anything"Sabi nito habang matiim na nakatitig sa kanya.
Nakipagtitigan din siya dito habang nararamdaman niya na unti unting tumitibok ng malakas ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit, normal ba na tumibok ang puso niya after break up at sa isang estranghero pa na wala siyang ibang alam maliban sa pangalan nito at isa pa kakakilala lang niya dito kahapon.
Umiwas siya ng tingin dito at tumikhim para kontrolin ang damdamin niya.
"T-thank you ulit" bahagya siyang ngumiti.
"I'll just take a shower in my roon then We'll eat together"sabi nito at nagsimula nang maglakad.
"E-eat together?" Nauutal niyang wika. Iniisip na niya kanina na iwasan na ito para hindi na lumalim ang pagtingin niya dito dahil pakiramdam niya delikado na naman ang puso niya, tsaka napakalandi naman niya kaka-break lang nila ng gago niyang ex tapos eto na naman.
Bakit Pakiramdam niya nawala na agad ang sakit sa dibdib niya dulot ng ginawa ng ex niya sa kanya dahil lang nakilala niya si Dylan.
"Yeah, why aren't you hungry yet?"tanong nito sa kanya at bahagya siyang sinulyapan.
"Nagugutom"mahina niyang tugon
"Then let's eat. Just wait me in your room, I'll be quick"
Hindi na lang siya sumagot. Siguro pagbibigyan na muna niya ito at sisiguraduhin niyang last nato.
Hinatid muna siya nito sa kwarto niya bago bumalik sa kwarto nito na nadaanan nila kanina
Nag shower na din siya para makapaghanda para sa early dinner nila ni Dylan.
Hindi pa siya tapos sa pag aayos ay narinig na niya ang katok sa pinto.
"Come in"niluwagan niya ang bukas ng pinto para makapasok si Dylan.
"Hindi pa ako tapos mag ayos,umupo ka muna dyan" sabi niya at bumalik sa pag aayos.
Nang matapos ay bumalik na siya kung saan nakaupo si Dylan. Naabutan niya itong nakaupo habang nakakunot ang noo na nakatingin sa phone nito na tila naiirita.
Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito at nagtagumpay naman siya.Agad itong nag angat ng tingin sa kanya at mabilis na itinago sa bulsa ang phone nito.
"I'm done,let's go?"sabi na lang niya.
"Yeah, let's go" sabi nito at marahan siyang hinila sa braso na ikinapitlag niya ng bahagya. Hindi na lang siya nagpahalata dito at nagpatianod na lang dito at hindi na lang ininda ang pagwawala ng dibdib niya.
Mas lalo nagwala ang puso niya nang nasa labas na sila ay marahang binaba nito mula sa braso niya ang kamay nito at pinagsalikop ang kanilang mga palad.
Nanginginig na ang mga kamay niya dahil sa kaba.
"Are you okay? You're trembling"masuyo siya nitong tiningnan at bahagya pang pinisil ang palad niya.
"I-I'm okay, it's just..it's cold" dahilan niya.
Napatingin siya dito nang bitiwan nito ang kamay niya saka hinubad ang suot nitong jacket.
![](https://img.wattpad.com/cover/294727111-288-k896732.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving you is a crime
RomanceShe thought their relationship is perfect until one day she discovered his biggest secret that makes her heart shattered into pieces. When she found out his secret she did everything to hide from him. But while hiding from him she discovered that sh...