KABANATA 7

40 3 0
                                    

AMELIA EARHART

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa isang malaking bato.

Patay na. Patay na talaga!

Ngayon ang araw ng paligsahan pero hindi pa rin ako handa sa magaganap. Ni hindi ko nga alam kung anong pagsusulit ang ibibigay sa amin.

Isa pa, wala kong ni isang armas na hawak ngayon. Anak ng—

Sa sobrang pagkainis ko ay inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Nanliliit pa ang mata ko habang pinagmamasdan ang iba't ibang klase ng mga kalahok na sasali sa pagsusulit.

Binibiro lang kaya ko ng kamahalan? Sigurado siya na isasali niya ko sa mga 'to?

Puro lalaki mga kalaban ko e!

Tsk! Pati yung palaso na dala-dala ko, hindi ko na alam kung saan ko nailagay.

Hindi pa nagsisimula ang pagsasanay pero nanginginig na 'yong dalawang tuhod ko.

Bakit hindi?! Ang daming sasali at lahat sila puro lalaki, malalaki ang katawan at matatangkad.

Pakiramdam ko talaga ay naligaw lang ako dito.

Kinakabahan pa rin ako kaya inilibot ko na lang ang paningin ko sa mga taong manonood din sa mangyayari ngayong araw.

Nahinto ang paningin ko sa isang pinaka importanteng tao na nakaupo na sa puwesto niya sa pinaka mataas na bahagi ng lugar ng pagsasanay.

Hindi niya naman ako nakikita kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para titigan ng masama ang hari. Nakagawa ko pang dumila sa kanya.

"Magsisimula na ang ating pagsasanay. Magsihanda na ang lahat ng mga nais makapasa bilang bagong royal guard ng ating palasyo."

Nang marinig ko 'yon ay binalik ko na agad ang paningin ko sa unahan at hinanda ko na rin ang sarili ko.

"Binibini, ikaw ay umalis na rito kung nagawa mo nang magpaalam sa 'yong kasintahan. Ika'y magiging sagabal sa aming pagsasanay kung nandito ka pa."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi ng mabalbas at kalbong lalaki.

Putek! 'Yong buhok niya ay napunta pa sa baba niya. Siguro, utak nito napunta sa talampakan ng paa niya. Mayabang e!

Ngumiti na lang ako sa kanya kaysa naman patulan ko siya. Pagkatapos tumalikod na lang ako at naglakad sa unahan.

Hindi ko na narinig ang ibang anunsyo dahil sa ingay ng mga katabi ko. Halos mabasag na ang tenga ko dahil sa hiyawan nila kahit hindi pa naman talaga nagsisimula.

Napapailing na lang ako ng aking ulo dahil sa mga reaksiyon nila. Tuwang-tuwa sila sa magaganap habang ako naman ay problemado pa rin kung ano ang gagawin ko rito.

Dapat talaga sinabi na lang ng hari na bibitayin ako para mas nakapaghanda pa ko at nakakakain ng marami. Pareho lang naman ang mangyayari rito!

"Sa unang pagsasanay, kinakailangan ng lahat ng mga aplikanteng maghanda para sa isa laban sa isa. Gagamit kayong lahat ng espadang kahoy para mapasuko ang inyong kalaban sa kahit na anong paraan. Basta't hindi humantong sa kamatayan. Awtomatikong bagsak sa pagsusulit kapag napatay ninyo ang inyong kalaban, gumamit kayo ng inyong mahika, o ano mang pandaraya sa gitna ng laban."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang huling anunsyo. Ngayon na nalaman ko na ang unang mangyayari, pakiramdam ko, una pa lang ay kamatayan ko na.

Teka. Sandali! Kailan pa nagkaroon ng ganitong klaseng pagsusulit ang mga royal guard?

"Kasalanan 'to ng hari ng mga Tiro," hindi ko mapigilang bulong sa sarili ko.

Panigurado, may iba pang nakakatakot na mangyayari sa araw na 'to na hinanda ng hari kapag nakapasa ako rito. Kung hindi niya ko pinaglalaruan, siguro ay nais na niya kong patayin.

Ayos lang naman!

Heh. Akala ba niya ay basta-basta lang ako mapapatumba? Hindi ako mamamatay ng maaga na walang nilalabanan!

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang aking sarili. Pakiramdam ko ay mamamatay ako ng maaga dahil sa sarili kong galit e.

Pagkatapos ng binigay na anunsyo ay isa-isa na kaming binigyan ng numero bilang tanda na kasali na talaga kami sa mga nagnanais na maging royal guard.

Ang numero ko ay nasa sisyenta sais pa kaya may panahon pa ko para umupo, manood sa magaganap na laban, at makapag-isip ng maaari kong gawin para manalo at maligtas ang buhay ko.

'Yong mga kasali ay pinaupo na rin muna nila sa isang banda kung saan nakahanda na ang puwesto para sa mga katulad namin.

'Yong puwesto ko pa ay sakto nakaharap kung nasaan ngayon nakaupo ang Hari ng mga Tiro pero mas mataas ang puwesto niya sa 'kin kaya nakatingala tuloy ako habang nakatingin ng masama sa kanya.

Tama! Tanggal siguro ang yabang ng isang 'to kapag nanalo ako rito!

Alam kong imposible pero wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi gawin ang dapat kong gawin sa araw na 'to. Tsk!

Suwerte ko na lang kung magkaroon pa ko ng oras na makainom ng alak pagkatapos ng pagsusulit o pagsasanay na 'to.

Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang magsalubong ang mata naming dalawa ng Hari.

Sinamaan ko siya lalo ng tingin dahil nasa taas naman siya at hindi niya makikita ng malinaw ang ekspresyon ng mukha ko.

Pero, itong Hari na 'to! Nagawa pa niyang ngumisi habang nakatingin sa 'kin!

Shet! Sinasabi ko na nga ba! Sinadya talaga ng isang 'to kaya nangyayari ang ganitong pagsusulit ngayon!

Naikuyom ko na lang ang dalawang kamay ko habang nakatingin ako sa kanya.

Hanggang sa may bigla na lang akong naalala.

Oo nga pala!

Sa oras na malagpasan namin ang pagsasanay na 'to, magkakaroon din kami ng isang kalayaan bago kami tuluyang maging royal guard ng palasyo.

Isang kalayaan na humiling na ano mang naisin namin pero isang kahilingan lamang.

Dahil tuloy dito ay hindi na ka nakatuon sa labanan na nagaganap na.

Nakangisi sa akin ngayon ang Hari pero hindi ko naman maiwasan matawa.

Tama!

Kapag nakapasa ako rito, alam ko na ang hihilingin ko!

Pagkakataon ko na 'to para makabawi!

Pft! Hindi na tuloy ako makapaghintay sa magaganap na laban ko.

"Hala!"

"Woah!"

Nabaling ang atensiyon ko sa aking harapan nang bigla na lang nagsigawan ang mga tao.

Bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa aking nakita.

Hindi pa umaabot ang ilang minuto sa naging unang laban pero may nakabulakta na agad na katawan sa lupa at naliligo sa sarili nitong dugo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KING OF PRIDE (SEVEN DEADLY SINS EMPEROR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon