PANIMULA

223 13 3
                                    

Sa mundo ng mahika ay may pitong kaharian na pinamumunuan ng pitong makasalanan na hari. Kaya naman upang maituwid ang kanilang pagkakamali ay isa-isa silang pinarusahan na may kapal at maglalaho lamang ang parusa kung magagawa nila ang mga bagay na nakatakda sa kanila.

Isang malakas na hangin ang sumakop sa kaharian ng Tiro. Ang mga mamamayan ng Tiro ay hindi na malaman ang gagawin sapagkat nangangamba sila sa kung ano man ang magiging ganti sa kanila ng kanilang bathala.

Samantala, ang lahat ng nangyayari sa labas ay nangyayari rin sa loob ng palasyo. Gano'n pa man, ang hari ng mga Tiro ay tila hindi natitinag o nababahiran ng kahit anong pangamba sapagkat ang laman ng kanyang isipan ay mas malakas pa siya sa kung ano mang bathala ang nagpaparusa sa kanila.

"Royal magician, magsalita ka. Sabihin mo sa harap ko kung ano ang 'yong nakikita."

Sa harapan ng hari na nakasuot ng kulay puting bandana ay may isang babae na nakayuko at hindi tumitingin sa kanya. Isa kasi sa batas ng hari na sa tuwing may kakausap sa kanya ay kailangan nitong yumuko at hindi nito maaaring titigan sa mata ang hari.

"Masusunod po, kamahalan. N-Nakikita ko po ang isang malaking gintong bato ang magpapagsak sa inyo, kamahalan."

Napakunot ang noo ng hari ng mga Tiro dahil sa narinig.

"Ako? Hindi ang kaharian?" Tumingin pa siya sa malakas na hangin na nagaganap sa labas ng palasyo at pagkatapos ay muli siyang tumingin sa direksiyon ng royal magician.

"Gano'n na nga po, kamahalan. Subalit huwag kang mangamba sapagkat kailangan n'yo lamang ng isang malakas, matapang, at magandang binibini na magtatanggol sa inyo at tatayo sa inyong tabi sa oras na maganap ang sinasabi ko."

Sa pagkakataon na 'to ay tumingin na sa mga mata ng hari ang royal magician at sa isang iglap ay naging tila isa itong usok at nawala sa paningin ng hari.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang hari na makapagtanong pa rito subalit may isang damdamin ang nabuo sa sistema ng hari.

Hindi siya papayag na mapatalsik ng kung sino sa kanyang puwesto kaya gagawin niya kung ano man ang sinabi sa kanya ng royal magician.

KING OF PRIDE (SEVEN DEADLY SINS EMPEROR SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon