Oo Na Lang

72 7 0
                                    

Kinabukasan...

Friday na ngayon, at wala pa akong nabibiling regalo para kay Jin. Hayyzzz! Ang hirap naman kasing regaluhan ng lalaki e, kahit pa bestfriend ko sya, ang hirap pa rin.

Kaya lang, kelan ko ibibigay tong regalo ko sa kanya?

Eh hindi naman ako aatend ng birthday nya bukas.

Ahh. Sa Sunday na lang.

Bakit nga ba hindi ako pupunta sa birthday nya bukas?

Ikaw ba? Gugustuhin mo bang pumunta sa birthday ng bestfriend mo, na gusto mo, na nandun din ang babaeng gusto nya? Diba syempre hindi! Ang sakit nun!

Pupunta ka don para magsaya, pero pag nakita mo naman sila na magkasama, syempre malulungkot ka.

"Nak! San ka pupunta?"

Tanong sa'kin ni mama pagkababa ko ng hagdan.

"Sa mall ho. Bibili ako ng regalo para kay Jin.. Ma, ano bang dapat kong iregalo dun sa mokong na 'yun?"

"Bestfriend mo 'yun. Dapat mas alam mo ang dapat na iregalo sa kanya. Kahit ano, alam ko namang basta galing sa'yo matutuwa 'yon"

Kahit ano? Tssss. Ewan! Bahala na.

"Sige ma, babush na."

Nagtricycle na ako palabas ng subdivision namin saka sumakay ng jeep papuntang mall.

Dahil sa lalim ng iniisip ko, muntik na akong makalampas at hindi makapagbayad. Hayyzzz buhayyzzz!

Nag iikot ikot muna ako dito sa mall ng mapansin ko ang isang kilalang bilihan ng mga alahas.

Kaya pumasok ako dun. Mahal yung presyo pero buti nalang afford ko.

"Good morning ma'am!" Bati sa'kin ng sales clerk.

"Ano pong hanap nyo?"

"Uhm, gusto ko kasi ng bracelet na pang lalaki, yung may naka engrave na pangalan."

"Ayyy ma'am, tara po dito"

Niyaya nya ako sa gilid na bahagi nung shop.

"Ito po yung mga bracelet namin na pang lalaki, may mga naka engrave po jan na mga pangalan. Ano po bang pangalan ang hinahanap nyo?"

"Uhm. Jin"

Naghanap yung babae sa mga naka display dun sa counter.

"Nako miss, wala po."

"Ayy ganun? Ahh sige, thank you na lang."

Palabas na sana ako ng tawagin ulit ako nung babae.

"Ayyy miss, nandito pala yung hinahanap mo." May kinuha sya na nakatago dun sa isa pang counter, naka lagay sya sa isang box.

"Thank you miss."

Binuksan ko muna yung box para makita ng maayos yung bracelet.

Maganda nga, bagay 'to sa kanya. Alam ko naman na nagsusuot sya ng ganito. Mahilig sya sa silver na mga bracelet.

"Sige miss babayaran ko na"

Nilagay nya yung bracelet sa panibagong box at iniabot sa'kin, inabot ko na din sa kanya yung bayad.

Meron lang akong ilang  finill up-an na ilang mga papel.

'I'm sure, magugustuhan yan ng pagbibigyan mo. Sa boyfriend mo ba?" Naka ngiti nyang sabi sa'kin.

"Uhm, sabihin na lang natin na sa lalaking gusto ko, kaya lang may iba syang gusto. Para sa birthday nya bukas. Uhm, sige miss, I have to go. Thank you."

And with that, lumabas na ako ng shop at umuwi sa bahay.

"Oh nak, anong binili mo?"

"Haha. Secret mama!"

Aakyat na sana ako,

"Ayy nak, nagpunta nga pala kanina dito si Jin."

"Huh? Anong oras mama?"

"Kaaalis mo lang nun e."

"Sinabi nyo kung saan ako nagpunta?"

"Syempre hindi!"

"Okay. Akyat po muna ako."

Dali dali akong umakyat

Inilagay ko yung box sa isang paperbag na maliit. Yung binili ko din kanina. Sana magustuhan nya. ﹋o﹋

Oo Na Lang || KSJ ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon