Oo Na Lang

79 7 2
                                    

Birthday ko na. Tas kanina ko pa tinatawagan si Azel di nya sinasagot.

Wala ba syang balak na pumunta sa birthday ko?! Ugh!

Azel's POV

Nag ayos na ako ng sarili ko, ang kulit ni mama e.

Nagsuot lang ako ng simpleng pink dress na above the knee at doll shoes.

Pumunta daw ako kila Jin.

Bahala na nga kung anong madatnan ko dun.

Bahala na kung makita ko sila ni Mimi na magkasama. Ano naman sakin diba?!

"Azel! Bumaba ka na! Nandito si Jin!"

Pagbaba ko,

"Tignan mo ka, nagpunta pa dito si Jin para sunduin ka. Pa VIP ka pa sa birthday nya e."

Pagkasabi ni mama, umakyat na sya agad sa taas.

"Bakit ka pa pumunta dito? Di makapag intay gusto agad makuha regalo? Para sabihin ko sayo, wala akong regalo sayo!"

"Ah, wala? Okay lang. Makita lang kita okay na!"

"Asus! Utut mo!"

Pero deep inside kinikilig. Hmp. (>^ω^<)

"Tara na nga! Aba't may dala ka pang kotse ha, kanino naman yan?"

"Regalo sa kin ni papa, saka dinala ko yan para masundo ang prinsesa ko, gusto kong ikaw ang unang maisasakay ko jan"

"Nakain mo?"

/kunwari di kinikilig/

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Tapos umikot sya pakabila para makasakay din sya. Bale magkatabi kami.

"Ayos ah! Astig yung car."

Tapos bigla nyang hinawakan yung kamay ko. Bakit?

"Azel, gusto kita"

"Agad agad?"

"Anong agad agad? Matagal na!"

Tatlong salita lang yun 'Azel, gusto kita' pero grabe na sa pagpapakabog ng dibdib ko.

"Akala ko ba si Mimi? Sabi mo pa nga JiMi forevs?"

"Syempre way ko yun para malaman kung magseselos ka. Sabi ko sa sarili ko, kapag sigurado na akong pareho tayo ng nararamdaman saka ako aamin, at nalaman ko yun kahapon."

"Kahapon?"

"Oo, sinundan kita kahapon. And sabi sakin nung sales clerk sa jewelry shop, yung binili mo daw na bracelet para sa lalaking gusto mo na Jin ang pangalan."

Inemphasize pa nya talaga yung pangalan nya.

"Ano? Nakakainis ka!!!"

"Sorry na. Ikaw ha, ako pala yung gusto mo. Kala ko dati tomboy ka e. Hahaha!"

"Sige Jin mangasar ka, baka gusto mong sapakin kita jan? Ano di pa ba tayo aalis.?"

"Teka lang may ibibigay ako sa'yo."

May inilabas syang box.

"Isusuot ko sayo akin na kamay mo."

Inabot ko naman sa kanya yung kamay ko.

"Yan, okay na. Ganda diba?"

Todo ngiti pa sya nyan ha.

"Alah. Speechless sya, gwapo ko kasi e."

Hinampas ko nga.

"Patay ba aircon? Bakit parang lumamig?"

"Grabe. Oy, suot mo naman sakin to."

Hinigit ko yung kamay nya

"Aray. Grabe ang sadista ha!"

"Hehe sorry. Yan okay na!"

*tok tok tok*

May kumakatok sa bintana ng kotse, sa may gilid ni Jin.

"Hoy, aba! May balak pa kayong umalis? Bakit nandito pa kayo. Lakad na!"

"Tita, naka kotse kami tapos paglalakarin nyo? Hahaha!"

Pati ako natatawa e.

"Aba't!"

"Bye tita!"

Ayun na nga, pinaandar na nya yung kotse nya.

"Nga pala, nakipagdate ka ba talaga kahapon?"

"Date kahapon?"

"Oo, sabi ni tita makikipagdate ka daw e, kaya kita sinundan."

"Haha. Ang loka talaga ni mama, hindi ako nakipagdate no!"

"Buti naman, muntik na kasi akong makasapak kahapon e"

"Ayy geurabe!"

"Oo nga!"

"Hmm. Pero tinext mo ba talaga si Mimi?"

"Syempre hindi noh. Magselos ka pa lalo e."

"Ewan sayo!"

"I love you too"

"Tssss. Oo na lang" -_-

~THE END~

(>^ω^<)

/Comment/Vote/ ╯ω╰

Follow me on twitter : @BeybiJuju

감사함니다 !!! ♥

Oo Na Lang || KSJ ||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon