Birthday na ni Jin.
Pero eto ako, nakahilata pa rin sa kama ko. Soundtrip, pa kanta kanta.
'I need you girl
Wae honja saranghago honjaseoman ibyeolhae
I need you girl
Wae dachil geol almyeonseo jakku niga piryeohae
I need you girl neon areumdawo
I need you girl neomu chagawo
I nee-
"Hoy! Maghapon ka nang nakahilata jan! Wala ka bang balak na pumunta kila Jin?!"
Hindi ko na naituloy concert ko, si mama kasi e!
"Mama hindi ako pupunta, masama pakiramdam ko." *cough cough* kunwari.
"Hoy Azel, ikaw bata ka napapadalas pag iinarte mo ha! Mag ayos ka na at pumunta ka na ron! At saka pwede ba, pakihinaan ng tugtog na yan! Rinding rindi na'ko sa Chinese eklavu na yan e!"
"Mama Kpop to, Korean Pop! Mag kaiba ang Korean sa Chinese!"
"Whatever! Basta dalian mo na jan, bumangon ka na! O baka gusto mo pang iuntog kita sa abs ni Jiminie?!"
"Mama! Pwede rin! Hihihi~" *^▁^*
"Jusko po! Abnormal po ba itong anak ko?!"
Sigaw ni mama with matching pagtingala pa, tapos biglang labas ng kwarto.
Hayyzzz, ayoko talagang pumunta kila Jin.
Jin's POV
-The day before Jin's birthday-
Nagpunta ako kila Azel.
"Oy Jin, wala si Azel kaaalis lang. Bakit?"
"Tita san po pupunta yun?"
"Makikipag date."
"Date?
"Oo, yun ang sabi nya e. Bakit ba?"
"Sinong ka date? Sinabi po ba nya sa inyo kung sinong ka date nya?"
"Hindi nya sinabi yung pangalan."
"Tita naman, bakit nyo pinayagan?!"
Tumakbo na ako agad palabas ng bahay nila at agad na pumara ng tricycle. Susundan ko kung saan sya pupunta.
Nakita ko syang bumaba sa isang mall. Totoo nga, makikipag date sya. Ugh!
Para na akong tanga dito e, para kong nag sspy. Hay. Kung di lang dahil kay Azel e.
Nakita ko syang pumasok sa isang bilihan ng alahas.
Naku! Patay sakin yang lalaking yan! Nakuha pang manghingi agad kay Azel. At alahas pa? Letche lang!
Nung lumabas na sya, nagpunta ako dun sa shop ng alahas.
"Good morning sir, ano pong hanap nyo?"
"Ah miss, yung babaeng kalalabas lang, anong binili nya?"
"Uhm, sir, kaanu ano po ba nya kayo?
"Basta. A-anong binili nya?"
"Bracelet po na pang lalaki, yung may naka engrave pong pangalan. Para daw po sa lalaking gusto nya e"
Gageu! Para sa lalaking gusto nya?!! Ha! Wala syang nasasabi sa kin na may gusto na syang lalaki. Akala ko nga dati tibo yun e. Tapos ngayon meron? Lagot talaga sakin yang lalaking yan kung sino man yan!
"May naka engrave na pangalan? Anong pangalan?"
"Jin po. Para daw po sa birthday nun bukas."
Jin? Birthday bukas? Lalaking gusto nya? Ako ba yun?!
"Uhm sir, bibili po ba kayo?"
"Miss, gusto kong magpa personalize. Couple bracelet."
"Naku sir, maghihintay po kayo ng matagal.
"Okay lang."
"Sige po. Ah, sir anong ilalagay namin?"
"JiZel"
"Sige po sir, sukatin lang po muna namin yang wrist nyo. Ayyy, pano po pala dun sa girl?"
"Sa tingin mo miss, kasukat lang ba ng wrist mo yung sa babae kanina?"
"Siguro po, teka? Yun po ba yung pagbibigyan nyo?"
"Oo."
"Huh? Teka, ano po palang pangalan nyo?"
"Jin"
"Jin?"
"Oo"
"Sayo nya ibibigay yon?"
"Tingin ko."
"Teka, sayo nya ibibigay yon, ikaw yung gusto nya, tapos yang pinapagawa nyo, sa kanya nyo ibibigay. Pero teka, sabi nya may iba daw kayong gusto? Ang gulo!!"
Haha. Nakakatuwa naman tong sales clerk na to.
"Bukas aamin ako sa kanya, kaya kailangan ko yan. Please sana matapos nyo"
"Sige po."
Matapos maghintay, sa wakas nakuha ko na din yung couple bracelet.
"Thank you talaga miss"
Umuwi na ako sa bahay, nako hindi ko na nasundan si Azel.
![](https://img.wattpad.com/cover/16119856-288-k493657.jpg)
BINABASA MO ANG
Oo Na Lang || KSJ ||
FanficPuro kalokohan ata to? Haha! Basahin mo na lang kung interesado ka, kung hindi, basahin mo na rin. Haha! Dejoke, wag mong basahin kung ayaw mo, ayoko namang babasahin mo lang sya kasi napilitan ka. Saket bes. ~Airassi♡