Destiny-1 She

26 2 0
                                    

Isang malamig na hangin ang humaplos sa aking katawan kasabay ng pagpatak ng mga luha ko sa lapida niya.

Isang taon at kalahati na mula nung mawala siya. Pero hanggang ngayon damang dama ko pa rin yung sakit.

"Ma'am alis na po tayo may photo shoot po kayo ng 8:00"sabi ng assistant ko.

Pinunasan ko na ang luha ko at tumayo sa pagkakaupo ko.
"Paalam Bestfriend babalik na lang ulit ako sa ibang araw" sabi ko sabay talikod sa libingan niya.

Habang nasa sasakyan naalala ko lahat ng mga ginawa niya para sakin. Since five years old magbestfriend na kami. Siya yung nasa tabi ko tuwing pinapagalitan ako ni Daddy.Nung mga panahon na itinakwil ako ng Daddy ko siya yung nasa tabi ko. Nung wala akong matirhan, pinatira niya ako sa bahay niya. Siya rin ang nasa tabi ko nung halos magpakamatay na ako. Siya rin ang dahilan kung bakit ako napasok sa modeling agency nato.

May biglang nagabot sakin ng tissue.
"Ma'am okay lang po kayo?" tanong sakin nung assistant ko na parang nag aalala.
Tumango nalang ako at kinuha yung tissue di ko pala namalayan na umiiyak nanaman ako.

"Ma'am baba na po kayo hinihintay na po kayo ni Sir Kevin" sabi ni Catrice yung assistant ko.
"Sige, thank you Catie" kinuha ko na yung shades ko at isinuot, ginulo ko na rin ng kaunti yung buhok ko bago lumabas ng van.

Paglabas ko ng van madami ng mata ang nakatinggin sakin. Sino ba naman di titinggin sakin. I'm just wearing black polo nakatuck in sa harap at nakaloose sa likod na tinernuhan ng demin short na halos five inches lang ang haba at white na sandals.

Pagpasok ko sa dressing room nakita ko kaagad si Kevin well siya lang naman kasi yung manager ko.
"Bakit ngayon ka lang sis? kanina pa kita tinatawagan halos rapin ko na lahat ng lalaking nasa labas grabe ang hahot *0* lalo na yung bago" sabi ng bakla kong manager na parang kilig na kilig.

"Alam mo naman kung saan ako nang gagaling diba?" sabi ko sa kanya sabay harap sa make up artist ko.
"Paano ka makakamove on kung palagi mo parin siyang dinadalaw" sabi ni Kevin habang hinahanda yung isosuot ko.
Hindi ko na siya sinagot. Kasi ipagpipilitan nanaman niyang kalimutan na yung nangyari noon. At mauuwi nanaman kami sa pagtatalo. Lagi niya kasing pinagpipilitan na pakawalan ko na yung nakaraan. Hindi naman ganon kadali yon.
Tapos na akong lagyan ng make up at ayusan ng buhok pinasuot na sakin ang isang black dress.

Lumabas na ako ng dressing room at as usual nakatingin nanaman sila sakin.

"Oh! our beautiful Elle is here!"sabi nung photographer sabay beso sakin.
Nginitian ko nalang siya. Tapos may bigla siyang tinawag, assistant niya ata.
"Call Zake, will start the photoshoot" sabay taboy niya sa assistant niya.
Dumating na yung assistant niya may kasamang lalaking matangkad, maputi, may singkit na mata na parang nangaakit, matangos na ilong, may mapupulang labi at higit sa lahat color blonde yung buhok niya. Parang namumukaan ko siya di ko lang alam kung saan ko siya nakita. Ayoko na ng magisip baka mastress lang ako.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri akong mabuti.
Habang sinusuri niya ako nagsalita yung photographer.
"Elle meet Zake, Zake meet Elle"
nilahad niya yung kamay niya,
"Hi, I'm Zake Andrew Dela Fuente" sabi niya, at ngumiti na parang nang aakit, as if naman maakit niya ako.tinanggap ko yung kamay niya. Ayoko namang maging rude.
"I'm Elle Villeagas" malamig na sabi ko sa kanya at saglit na nakipag kamay.
"Kayo ang magiging magpartner for the whole photoshoot, let's start!"sabi ni Lory yung photographer namin at iniwan kaming dalawa at pumunta na dun sa camera niya.
Bigla niya akong tinuro,
"Elle ikaw ang unang kukunan ko pumunta ka dun" turo niya sa harap. Nagpose na ako sa harap.
" Be seductive Elle, at guluhin mo yang buhok mo ibaba mo rin yung isang strap ng damit mo" sinunod ko yung mga sinabi niya nakailang pose pa ako at natapos din.
"Perfect! magaling ka talaga Elle, magpahinga ka muna habang si Zake ang kinukuhanan"tumanggo nalang ako at pumunta sa dressing room para magpahinga.
----
A/N: Bakit kaya itinakwil ng Daddy niya si Elle? at saan kaya nakita ni Elle si Zake?
well abangan :) thanks sa mga nagbabasa :)
by : kapicat

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon