Elle P.O.V
Naalimpungatan ako nung may naramdaman akong nagvibrate sa may unan ko. Tumingin muna ako sa orasan sa side table ko bago ko tiningnan yung phone ko.
'Oh shit!' bulalas ko sa utak ko ng makita ko ang orasan alas syete na pala, patay ako nito kay Kev. Speaking of Kev tiningnan ko na yung phone ko.May 10 missed call at 30 new message galing kay Kev at kayla Kuya at Papa.
"Calling Kevin Babe ❤" sinagot ko na kaagad yung tawag niya sigurado ako nagaalburoto na to.
'Buti naman sinagot mo na. Kanina pa kita tinatawagan di mo naman sinasagot, wag mo sabihin kakagising mo lang!?' Sabi niya na halatang halata galit na.
"Sorry na Kev, nalate ako ng gising e" sabi ko gamit yung malambing kong boses.
'Bilisin mo na tumayo kana dyan sa kama mo at maligo baka malate pa tayo.' sabi niya na parang di na gaano galit.
"Okay sige,bye" binaba ko na yung phone at nagmadaling naligo at nabihis. Now I'm wearing, couple shirt na binili namin kahapon at naka demin shorts sinuot ko narin yung couple shoes na binili namin. Naglagay din ako ng light make up. At tinirintas ko yung buhok ko pa side."dingdong! dingdong!" Tamang tama lang yung dating niya. Kinuha ko na yung pack bag ko at binuksan yung pinto. Tiningnan niya muna ako.
"Tara na baka malate tayo" at hinila na niya yung kamay ko.
"Bagay pala sayo yung binili natin" sabi niya tapos sumakay na kami sa sasakyan niya.
"Ilang oras ba byahe natin?" Tanong ko.
"2 hours ang byahe natin kaya matulog ka muna" sabi niya. Papunta kami ngayon ng Laguna para imeet yung parents niya. Ganto kasi yun.*flashback*
"Be my girlfriend Elle"
Parang bigla tumigil yung buong paligid ko.
1%
.
.
25%
.
.
75%
.
.
100%
Ano daw?
"WHAT ?ARE YOU INSANE!!" sabay tayo ko sa upuan. Napatingin tuloy sakin halos lahat ng tao sa Cake House.
"Calm down Elle, makinig ka muna sakin"sabi ni Kev. Medyo nahiya naman ako kasi halos lahat nga nakatingin sakin.Kaya umupo ulit ako.
"Ano ba kasing pumasok dyan sa kokote mo at gusto mo akong maging girlfriend,hindi kana ba bakla? Tomboy kana ba ngayon? o baka naman nakadrugs ka?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya,muka naman naiirita na siya.
"Shut up Elle, pakingan mo kaya muna ako" sabi niya.
"Ano ba kasi yun?"tanong ko ulit.
"Uuwi kasi ako sa Laguna bukas, pinapauwi ako nila Dad, may family gathering daw kami. Sabi ni Dad ipapakilala niya na din daw yung mapapangasawa ko,kapag hindi ako nagdala ng girlfriend, kaya kailangan ko yung tulong mo, kasi sabi ko kay Dad may girlfriend ako, kaya please Elle,i need your help"sabi niya na seryosong seryoso.
"So gagawin mo kong fake girlfriend?" Nagtatakang tanong ko.
"Ganon na nga kaya please Elle tulungan mo na ako"
"Ano naman kapalit nito?" Tanong ko
"Kahit anong hilingin mo papayag ako, promise Elle"
"Okay sige papayag ako, pero pag ako naman humingi ng favor hindi ka pwedeng tumanggi" sabi ko sa kanya.
"Oo sige, basta tulunggan mo lang ako dito" sabi niya.Pagkatapos namin kumain sinabi niya sakin yung mga dapat namin gawin.
"Isuot mo bukas yung binili nating couple shirt at couple shoes, kakaunin kita ng bago mag alasotso" sabi niya.
*end of flashback*
Tiningnan ko ulit si Kev.
"Sis! Maganda ba dun sa inyo? " tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng masama.
"Diba sinabi ko wag mo muna akong tawaging SIS , sabi ko BABE muna itawag mo sakin"
"Oo na, edi BABE, maganda ba dun sa inyo?" Tapos tiningna ko ulit siya.
"Oo maganda, kasi dun tahimik at hindi kasing polluted ng Manila, wala din gaanong matatas na building." Paliwanag niya
"Mabait ba Daddy at Mommy mo?" Tanong ko kinakabahan kasi ako.
"Si Dad istrikto at si Mom mataray" shit parang lalong akong kinabahan sa sinabi niya. Tapos narinig ko siya parang nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit ka naman natawa"
"Kasi tingnan mo yang itsura mo parang takot na takot ka hahahaha, matulog kana muna ,gigisingin nalang kita pag nakarating na tayo."
Sinunod ko nalang yung sinabi niya at natulog ako.
Naramdaman kong may tumatapik tapik sakin.
"Babe gising na!, nandito na tayo" pagmulat ko ng mata nakita ko kaagad si kev.
Tiningnan ko yung labas ng kotse. Wow ang ganda grabe may malaking bahay . Parang naalala ko tuloy yung bahay namin
"Tara na? " sabi ni Kev sabay lahad ng kamay nita sa harap ko.
Pagpasok pa lang namin sa bahay nila hinawakan na niya agad yung bewang ko. Tatanggalin ko sana kaso biglang may dumating na babaeng maganda halatang mayaman. Mukang nasa early 40's siya.
"Anak buti dumating kana kanina ka pa namin inaantay ng Daddy mo, at sino naman yang mgandang babaeng kasama mo?" sabi ng Mommy niya ata.
"Mom si Elle girlfriend ko,Elle Babe Mommy ko nga pala"pakilala sakin ni Kev.
"Hello po" sabi ko
"Hello hija,pasok na kayo ni kev sa loob"hinalikan niya ko sa pisngi tapos tumingin kay Kev.
"Kev yung daddy mo nasa may garden kasama yung kambal, sige na pumunta na kayo dun ni Elle para makilala na siya ng daddy mo pati narin ng mga kapatid mo" sabi ni tita
Pumasok na kami ni Kev sa bahay nila tapos dumaretso kami sa may Garden wow ang ganda nung garden nila tapos may nakita ako lalaking parang matandang version ni Kev na nikikipaglaro sa dalawang babae, siguro mg 15 years old na yung dalawang babae. Bigla ko tuloy naalala si Daddy ganyan din kami dati nung di niya pa ako itinatakwil. Hanggang ngayon di pa rin kami nagkakaayos ni Daddy at di ko parin siya nakikita simula nung itinakwil niya ako. Namimiss ko na yung gantong panahon yung kasama ko sila daddy maghahabulan kami sa bahay o kundi man magmomovie Marathon kaming tatlo nila Mommy.
Biglang may kumuhit sakin
"Hoy okay ka lang?" Nagaalalang tanong sakin ni Kev.
"Oo okay lang ako, may naalala lang "tapos nginitian ko siya. Lumapit na kami sa Daddy niya.
"Dad!"tapos nakipag fist bump siya sa daddy niya, at biglang tumakbo sa kanya yung dalawang babae at niyakap siya.
"Kuya namiss ka namin" they said in chorus ,ang cute nila grabe.
"Son, sino naman yang kasama mo?"Tanong nung daddy niya
"Dad si Elle po Girlfriend ko."
"Hello po Sir" tapos nakipagkamay ako
"Oh, hi hija" kinamayan niya ako. " And don't call me Sir, call me Tito tutal girlfriend ka naman pala nitong anak ko"
"Ah sige po sir este tito" tapos ngumiti ako.
"The food is ready, pumasok na kayo sa loob" tawag samin ni tita
Pumasok na kami sa loob at kumain. Nagkwentuhan din kami actually mabait ang pamilya ni Kev. Yung kambal na kapatid ni Kev, makulit at madaldal kanina pa sila tanong ng tanong about samin ni Kev. Habang nakikipagkwentuhan ako kay Kev biglang nagvibrate yung phone."Calling...Kuya Leroy"
"Excuse me po,sagutin ko lang po to"
Tapos tumayo ako at medyo lumayo ako sa kanila.
Pagkasagot na pagkasagot ko nung tawag naring ko na agad yung boses ni Kuya Leroy."LORYSE ELLE NASAN KA, BAKIT DI KA UMUWI KAGABI!?" halatang galit si kuya. Patay ako nito. Kasi pag galit sila kuya binubuo nila yung pangalan ko. Haay! Yari talaga ako
"Calm down Kuya Leroy"sabi ko, yari talaga ako pag uwi ko.
"How can i calm down Loryse kung hindi ka umuwi kagabi, nagaalala kami nila Papa sayo, sana man lang tumawag ka samin,ano pang silbi niyang cellphone mo kung di ka naman namin macontact" patay talaga ako galit talaga sakin si Kuya.
"Sorry na Kuya Leroy" malumanay na sabi ko.
"Sorry din bunso nagalala lang talaga ako sayo, umuwi kana mamaya ha, yari kana kay Kuya Ryan at kuya Luke mo muntik na nga magpatawag ng pulis yung dalawa, alam mo naman OA yun sila" napangiti ako sa sinabi ni Kuya, ang swerte ko talaga kasi may mga kuya akong katulad nila :)
" Oo Kuya uuwi na ako mamaya"
"Good, kasi kapag di kapa umuwi baka kaunin kana namin ng mga Kuya mo,.nasan ka ba? Gusto mo ba kaunin kita?" Tanong sakin.
"No thanks Kuya, wala ako sa Manila, nasa Laguna ako."
"Ano namang ginagawa mo dyan sa Laguna?"
"Sinama lang ako nung kaibigan ko dito"
"Okay sige basta umuwi kana mamaya ha"
"Opo Kuya, pakisabi nalang din kayla Mama at Papa na wag na silang magalala okay lang ako"
"Bye bunso magingat ka ha, i love you" ang sweet talag ng Kuya
"Opo Kuya magiingat ako, i love you too, bye" tapos binaba ko na yung phone ko at bumalik na ako sa dining room.
----
A/N: hope you like it: ) please leave your vote and comment.
©kapicat
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
RomanceDo you believe in destiny? what if destiny play's with you? What if destiny play's with your heart? will you able to survived the pain? Paano kung paglaruan kayo ni tadhana? Handa kana ba? Handa ka na bang mahalin ang taong kinaiinisan mo, ang taong...