— Ella Min
//errors ahead//
Flashback.
11 years old
"Hey Devi!" sigaw ko. Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin ng may ngiti sa labi.
"Ano yun, Ellah?" tanong nya. Lumapit ako at hinawakan ang braso nya.
"Samahan mo 'ko Devi. Please?" pagmamaka awa ko sakanya. Tumawa ito at sya na mismo ang humawak sa kamay ko.
"Sige ba. Sa'n kaba pupunta?" nakangiting tanong nya. Bumitaw mo na ako sa pagkakahawak nya at binuksan ang bag ko. Nilabas ko dun ang dalawang lunch box at ipinakita sakanya.
"Tadaa! Ginawa ni Mommy 'to. Gusto ko sabay tayong mag lunch ngayon. At gusto ko sa garden tayo hihi." sabi ko. Pinisil naman nya ang pisngi ko at hinawakan ulit ang kamay ko.
"Sige! Tara na. Nagugutom na rin ako eh." sabi nya tsaka ako hinila papuntang garden.
Ayy ako nga pala si Ellahyana Alonzo, 11 years old. At sya naman si Devi. Calvin Devi (Deb) Lee, 12 years old. Sa totoo lang crush ko si Devi. Pero di ko sinasabi sakanya kasi baka masira ang friend ship namin. Pag karating namin sa garden ay agad na kaming naghanao ng mauupuan. Nang makahanap ay agad na nilabas ang lunch box namin.
"Wow! Ang bango naman nyan, Devi!" sabi ko tsaka sya nginitian.
"Mukhang masarap yang baon mo, Ella ahh?" sabi nya. Tumawa nalang ako para maitago ang kilig.
"Kainan na!" sabi nya 'tsaka nagsimula ng kumain. Nagsimula na rin akong kumain para matapos na agad kami. Nang matapos ay niligpit na namin ang pinagkainan at umalis na do'n.
15 years old.
"Devi!" sigaw ko mula sa labas ng classroom nila. Napatingin naman ito sakin. Tumayo sya sa kinauupuan at lumabas.
"Wag!" sigaw ko bago pa sya makalabas ng classroom. Nagtataka naman syang tumingin sakin.
"Ano yun, Ellah? May problema ba?" nag aalalang tanong nya. Umiiling ako para mabawasan ang pag aalala nya.
I cleared my throat as I look in his eye
"Devi... May sasabihin sana ako... Pero wag kang magagalit ahh?" nag aalangan kong sabi. Tumango naman ito na bahagyang nagpalakas ng loob ko. Huminga ako ng malalim.
"Devi, gusto kita! Matagal na! Simula palang na bata tayo ay crush na kita! Sana wag kang magalit..." mula sa labas ng room nila ay nakita ko ang ngiti nya. Ewan pero pag nakikita ko yun kinikilig ako. Nawala ang atensyon ko sakanya ng marinig ko ang tilian ng mga nanonood sa’min. Lumapit sya sakin at niyakap ako.
"Hayst. Sana sinabi mo agad parw na-crushback kita HAHAHA." bahagyang biro nya. Napanguso naman ako.
"Galit kaba?" kinakabahang tanong ko. Baka masira ang pagkakaibigan namin dahil sakin. Naku ayaw kong mangyari yun.