𝙺𝙰𝙱𝙰𝙽𝙰𝚃𝙰 2

64 1 0
                                    

Pasado alas kwatro ng hapon ng matapos si Vivian sa paglilinis ng kwarto. Pabalik na sana siya sa Maid Quarters ng masalubong niya ang tila naliligaw na lalaki.



“Uhm? Miss, Do you know where the bathroom is? ” Tanong nito..



Saglit na nakatitig si Vivian dito. Isa itong mestiso, kayumanggi ang buhok at Green na mata. Hindi na magtataka si Vivian dito dahil mukha naman itong may lahi— at higit sa lahat... Gwapo ito.



“Mayroon po sa taas, sa kaliwang banda malapit sa dulo. ” pagtuturo ni Vivian ng direksyon. Iyon lang ang alam niya dahil do'n naman siya nagcr kanina.



“S-salamat... ”nahihiyang saad ng binata. Tumango naman si Vivian at nauna ng naglakad paalis. Naalala niya kasing maghahanda na sila sa mga lulutuin para sa hapunan.
.
.
.
Pagbalik niya sa Maid's quarter ay mabilis niyang pinalitan ang damit gamit ang binigay na Maid's outfit. Mas pinili niya yung komportable siya at dumiretso sa kusina.



Abala yung mga lumang maid at yung dalawang baguhan na kagaya niya ay tumutulong na sa paghiwa. Habang si Manang Martha naman ay ang tumitikim ng niluluto.



“Patawad at ako ay nahuli. ” paghingi niya ng paumanhin sa lahat. Ang iba ay tinaguan siya, umiling nalang at nagpatuloy sa ginagawa, si Manang Martha naman ay ngumiti sa kanya.


Mabilis siyang tumulong sa paghahanda. Siya na ang nag-asikaso sa pagbabalat at pag-aabot ng ingredients sa mga taga luto. Alas-Sais na ng matapos ang nga ito at nagpahinga.



“Ang gwapo ng Señorito. ” Saad ni Glayd. Napahagikgik ang lahat sa sinabi niya, maliban sa mga matatandang maid at Vivian. ‘Masungit at Demanding naman. ’ Saad niya sa isip.



“Oo nga, ang swerte ng mapapang-asawa niya... Mayaman na gwapo pa. ” dagdag ni Ezra. Mas lalong pumait ang mukha ni Vivian at nagsimulang humakbang ng patago para umalis.



“Swempre... Alagang alaga si Señorito Atticus ng Don at Señorita. ” sabat ni Stella.



“Shh! Wag kang maingay Stella. Hindi nais ng señorito na may bumanggit ng pangalan niya, baka matanggalan ka ng trabaho! ” suway ni Ezra.



Tuluyang nilisan ni Vivian ang kwarto at nag timpla ng maiinom na kape sa kusina.



‘Si Señorito? Ayaw na may bumabanggit ng pangalan niya? Ano 'yon may sumpa? ’ hindi maiwasan ang kuryosong tanong sa isip ni Vivian.



Hinanap niya ang asukal at nilagyan ng kaunti ang kaniyang mug. Pumait nanaman ang mukha niya habang iniisip ang sabi sabi sa Señorito ngunit hindi niya parin maiwasan ang matawa.



‘Siguro nga ay may sumpa ang pangalan nito. Babanggitin ko pa ngalang ay parang umiikot na ang sikmura ko. ’ dagdag niya sa mga ika.



“Why are you smiling? ” napanlingon siya ng marinig ang pamilyar na boses. Binalot siya ng kaba ng makita si Señorito na nakasandal sa Entrance ng pinto na papuntang dining area habang nakatingin sa kanya.



‘Pati ba ang pag ngiti, Bawal sa kanya? ’



“Answer me maid.” malamig na Saad niya. Kitang kita hindi satispado ang mukha nito.



“May naalala lang po... ” sagot ng dalaga. Tumalikod na ito at nilagyan ng mainit na tubig ang kape saka marahan na hinalo.



Akmang titikman niya na ang kape ng biglang may humarang na bisig sa gilid niya dahilan para makorner siya ng patalikod.



Señorito 1 |ATTICUS HERMIT SIGERTEM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon