𝙺𝙰𝙱𝙰𝙽𝙰𝚃𝙰 1

91 1 0
                                    

“Tiya! Tiyo! Mauna napo ako. ” Saad ng dalagang si Vivian habang pasakay ng tricycle, paalis na kasi ito ng baryo.



Ngumiti ang tiyo't tiyahin niya at kumaway ang mga ito sa kanya...



“Mag-iingat ka doon, hija. B-balitaan mo kami kapag nakarating kana. ” umiiyak na Saad ng kaniyang tiyahin. Bigla nalang itong yumakap sa asawa nito at nagsimulang humagulgol.



Hindi rin maiwasan ni Vivian ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya napatingala ito.
‘Ayos lang yan, Viv. Babalik Karin pagkatapos ng anim na taon. ’ Saad ng dalaga sa kanyang isip.



Mailing iling niyang Iwinaksi sa kanyang isipan ang nakakalungkot na ideya ng kanyang pag alis at humarap mula sa mga taong nag aruga sa kanya.



“Opo, Mauna napo ako... ” pagpapaalam niya. Kinalbit niya ang driver at sinenyasan ito na umalis na. ‘Hanggang sa muli... ’
.
.
.

Nang makababa si Viv ay pinagsadlahan niya ng tingin ang malaking Gate. Kung tutuusin ay parang higante ang nakatira sa loob nito dahil sa sobrang laki.



Napabuntong hininga siya ng maalala nanaman ang kanyang Tiya Isabel at tiyo Arlon. ‘Kung kasama ko ang mga ito ay malamang na matutuwa sila na makakita ng ganitong kalaking gate, lalo na si Eric.’ Saad niya sa kanyang isip.



May kalayuan ito, napabyahe pa siya ng ilang oras para mag-apply ng trabaho dito. Yun rin kasi ang nais ng kaniyang yumaong lola.



Matapos niyang pindotin yung doorbell ay nanatili siya sa tapat ng Gate, nagpalinga-linga kahit napakainit, hanggang sa may magbukas non.



“Oh, Ma'am. Magandang umaga po, Ano pong maipaglilingkod namin? ” bungad ng guard. May katandaan na ito dahil sa marami na itong puting buhok. Matangkad rin ito at kulubot na ang balat, ngunit mukha namang mabait dahil sa magandang bungad nito.



“Magandang umaga rin po, manong. Huwag niyo na po akong tawaging ma'am dahil mag-apply po akong bagong kasambahay. ” nakangiting tugon ni Viv. Sinuklian siya nito ng ngiti at sinenyasan pumasok.



Inihatid siya nito sa tapat ng malaking mansion. Nag-angat siya ng tingin sa nakakalulang tingin nito. Umalis ang guwardiya at mabilis niyang tinawag ang mayordoma at niyakap si Viv ng matanda.



“Napakalaking bata mo na, Viv. Kay bilis naman ng panahon at dalaga na agad ang batang katulong ko sa paghugas ng plato. ” masayang bati niya. Niyakap niya ito pabalik. Ito si lola Martha— barkada ng kanyang lola.



Nakasama na ni Vivian ito noon pa, anim na taong gulang palang kasi siya ng dalhin siya ng kanyang lola. Kaya ang ibang memorya niya ay napakalabo—kung kaya't hindi ko agad nakilala ito.



“Sampung taon na rin ang nakakaraan. ” aniya at humiwalay sa yakap.



Saglit niyang nilibot ng tingin ang loob ng mansion matapos ni Vivian na tumuloy doon. Masaya siyang marami ang nagbago at mas gumanda ang mansion...



Pero ang ngiti sa labi ni Vivian ay mabilis na naglaho ng dumapo ang kaniyang mga mata sa kulay asul na mata na minsang naging pamilyar sa kanya.



‘Teka... Sino siya? ’



“Hija, parang natigilan ka at—” tila naputol ang kanyang sasabihin.



“Viv, yan pala si Señorito Atticus—anak ng magiging amo mo, Si Señorita Katerina at Don Claudio. ” paliwanag ni manang Martha.



Wala sa sarili napatango ang dalaga habang hindi parin inaalis ang kanyang tingin sa gwapong binata—May Kaputian ito, matangkad at medyo payat. Di niya maiwasang bigyan ito ng ngiti ngunit agad na tumalikod sa kanya ang Señorito.



Señorito 1 |ATTICUS HERMIT SIGERTEM|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon