Chapter 01

6 4 1
                                    

Chapter 01

I don't know but... I just found myself sitting on my chair, inside the class.

Kanina lang nasa rooftop ako. What happened? Bakit bigla nalang akong umatras na tumalon doon? In that very moment, I suddenly felt scared about jumping off the building. I realized that I don't really wanna die.

And that guy... I sighed.

"Miss Arquelles! Nakikinig ka ba sa lecture ko?!"

My eyes narrowed.

"H-ha? Ay, opo ma'am!"

"Then, answer this question!"

Takot na takot ang babaeng tumayo. May tinanong sa kanya ang guro pero hindi niya nasagot kaya naman napalabas siya ng klase. Sinundan ko ito ng tingin habang naglalakad papalabas.

Arquelles... Reali Arquelles?

"Alam mo na ba? May babaeng nagugustuhan si Matteo- uh, I think girlfriend niya na? What's her name again? Uh... Reali? Reali Arquelles?"I suddenly remembered Ria's words.

Seriously? May gusto si Matteo sa babaeng 'yun? Gusto kong matawa. I don't believe it. Eh hindi naman gano'n ang mga tipo ni Matteo. Mukhang bobo ang Reali na 'yun at hindi masyadong kagandahan.

Natapos ang klase at napag-desisyunan kong pumunta muna ng cafeteria. Naglalakad ako no'n sa corridor nang may humampas sa ulo ko ng nakarulyong tarpulin.

"Pow!"malakas na tumawa si Semi, kasama nito si Ria at mga kaibigan niya.

I sighed. Nagpapa-epal nanaman ba sila?

"Nalaman ko..."tinaasan ako ng kilay ni Ria."Lumipat ka raw sa school na 'to dahil kay Matteo?"

"You got a problem with that?"

"Napaka-desperada mo talaga!"hasik niya."Bakit hindi ka nalang tumigil, huh? Hindi mo ba talaga maiisip na hindi ka talaga gusto ni Mat? Napakatanga mo para lumipat dito para sa kanya! Desperate bitch!"

Hindi ako makapaniwala. Hinarang niya ako just for that? Bakit ba nakikisali lagi ang babaeng 'to sa mga kagustuhan ko? Masyadong papansin!

"Look, Ria. It's none of your business kung gusto kong lumipat ng school para sa kanya. It's my choice and not yours. Kaya anong pinuputok ng butsi mo?"

"Nakakairita kana kase eh!"

"Kung gano'n h'wag mo'kong pansinin! Ang dami mong issue sa'kin."nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga."Ayaw kunang makipag-away sa'yo. Hindi na kita papansinin kaya umalis kana sa dinaraanan ko."

"Kanina ka pa niya inaantay dito para makipag-usap, Yhes."nakangusong sabi ni Semi.

Nilingon ko 'to."Wala akong pake. Talagang sinamahan mo pa 'tong girlfriend mo."

"Di ko siya girlfriend ah."

I rolled my eyes."Whatever."

Aalis na sana ako nang hilain ako ni Ria pabalik."At saan ka pupunta? Hindi pa ako tapos sa'yong bruha ka!"

"Uy, Ria! Awat na!"

Sinabunutan ako ni Ria at inawat naman siya ni Semi. Napangiwi ako at sinubukang indain ang sakit ng anit. Hindi ako papatol, ayaw kong pumatol sa mga katulad niyang bobo.

Too Sinful to Love an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon