Introduction :

236 46 11
                                    

Naniniwala ba kayo sa TADHANA?

Malamang sa panahon ngayon hati na ang opinyon ng bawat isa sa atin.

Marahil ang iba sa atin, naniniwala talagang mayroong nakatadhana at nakalaan para sa isa't-isa.

May mga iba naman na hanggang fairy tale lang ang tinatawag nilang tadhana.

at ang iba naman ay undecided pa o hindi pa alam kung maniniwala sa tadhana o hindi.

Paano kaya kung bibigyan kita ng pagkakataong maranasan lahat ng mga pinagdaanan ng bida sa kwento.

Paano kung papapipiliin kita sa mga susunod na sitwasyon. Ano ang mas pipiliin mo?

a) Paano kaya kung ang INAAAKALA mong itinadhana sa'yo ay siya palang sisira ng paniniwala mong may tadhana nga talaga? Maninindigan ka pa rin kaya?

b) Paano naman kaya kung may biglaang darating na isang tao sa buhay mo at ipapakilala niya ulit sa'yo na may tadhana sa kabila ng malabangungot na pinagdaanan mo? Susugal ka kaya?

c) Paano naman kung ang hindi mo inaasahan at inaakalang tao ay siya palang nag-iisa at nakatadhana para sa'yo ngunit di mo maalis 'yong katotohanang takot ka ng maniwala pa na mayroon ngang tadhana. Makikipagsapalaran ka pa kaya?

At papaano kung ang taong sumira ng paniniwala mong DESTINY DO EXIST, at ang di inaasahang taong dumating sa buhay mo na nagpaniwala ulit sa'yo na DESTINY DO really EXIST, at ang taong hindi mo inaakalang siya pala ang nakatadhana sa'yo at nagsasabing ONE LIFE! ONE HEART! ONE DESTINY! ay KONEKTADO pala sa isa't-isa?

Ano kaya ang MARARAMDAMAN at GAGAWIN mo? Makakaya mo kayang tanggapin ang lahat?

**

Please do COMMENT what your opinion and Let us see what is your say about it.

**

"LET YOUR VOICE BE HEARD"


- #DrHeartBeats -

"My Destiny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon