Chapter Four : Reminiscing the PAST Part 3

107 33 4
                                    

- CONTINUATION of FLASHBACK -

Ina's POV


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga magawang kalimutan ang ginawa sa akin ni Vince.


Ganoon na ba ako pabigat sa kanya bat niya nasabing ayaw niya na, suko na siya dahil pagod na siya sa akin.


Ang babaw naman ng dahilan niya bakit ngayon pa kung kailan mahal na mahal ko na siya. Na kung kailan ready na akong sagutin siya. Na kaya ko nang ibigay ang kanyang hinihintay na matamis na oo mula sa akin.


Bakit ngayon pa, kung kailan nasanay na ako na nandiyan siya palagi sa tabi ko para ipagtanggol at ipaglaban ako sa mga nang-aapi sa akin.


Hindi ko alam pero wala nang pumapatak na luha mula sa mga mata ko, naubos na ata sa kakaiyak ko pa lang kanina.


Habang pinagmamasan ko ang bawat lugar na dinadaan namin, tahimik naman na nagmamaneho 'yong isang lalaki papunta sa lugar kung saan nila ako dadalhin.


Samantalang, yong dalawa namang kasama niyang dumukot sa akin kanina, heto todo ang pagbabantay sa akin.


Nasa likuran kasi kami nung driver at front seat. Ganito oh!


-driver- -front seat-

-lalaki 1- -lalaki 2- -AKO-


GETS niyo na?? Okay! VERY GOOD :)



"kuya saan ba kasi tayo pupunta?" pagpuputol ko ng katahimikan ko.

"pwede ba miss, huwag ka ng tanong ng tanong. Manahimik ka na lang diyan." masungit na sabi nung katabi ko.



STRIKE 1!!



Hala! parang ngayon lang nagtanong. Manahimik agad.


Aangal pa sana ako pero mas minabuti kong pagbigyan na lang ang hinihingi nila. Baka kasi kung ano pang maisipan nilang gawin gawin sa akin eh. Kaso nga lang kasi parang mga wala sa itsura nila ang kidnapper, mga mukha kasi silang desente tignan.


Nag-iisa pa naman ako dito tapos tatlo pa silang puros mga lalaki. Diba Scary?? Gusto ko pang humaba ang buhay ko no? kahit na ilang oras lang bago kung saan ako dalhin ng mga 'to. :))


Ewan ko ba kung anong trip nung driver namin. Nagawa pa niya talagang magpatugtog ng music. at ang malala pa, pagkaON na pagkaON niya, 'yong kanta pa na palaging kinakanta sa akin ni Vince.


SAPATOSIN ko 'tong si Kuya eh. Sawing palad na nga ako dito tapos ipapaalala pa niya sa akin si Vince sa pamamagitan ng kantang pinapatugtog niya.

Pambihira nga naman talaga oh! Nanadya ba 'tong mga 'to. at ang malupit sinasabayan pa nila 'yong kanta. JusKoPo!


"My Destiny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon