Chapter Three : Reminiscing the PAST PART 2

132 35 4
                                    

-- CONTINUATION of FLASHBACK --

Ina's POV

Sa ngayon, nakasakay na kami sa kotse at wala na akong pakialam pa kahit saan pa nila ako dalhin. Dahil kahit na anong pilit kong pangungumbinse sa sarili ko na hindi totoo lahat ng 'to. Nahaharap na ako sa katotohanan na kailangan ko talagang tanggapin na totoo talaga ang nangyari.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito nang dahil sa kanya.

Hindi namin KAMI at WALANG CONFIRMATION na merong namamagitan sa aming dalawa.

Pero kung ang pagbabasehan ay ang nararamdaman ko para sa kanya, masasabi kong higit pa sa kaibigan ang turing ko kay Vince.

Ay hindi pala higit sa kaibigan lang dahil ang totoo................................

MAHAL ko na siya. MAHAL na MAHAL.!

Yes! you read it right. MAHAL KO NGA SIYA!

Kaya ganito ako kaAFFECTED sa nangyari kanina. Kaya hindi ako makaget-over sa kung anong natuklasan ko kay Vince. Kaya hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin.

Gaya nga ng sabi ko, Vince is not my friend anymore.............................

because He is the only MAN that i love and use to love more everyday.

Si Carl Vincent "Vince" Laxamana ay nag-iisang lalaking kaibigan ko bukod sa aking pamilya. Well, mahirap man paniwalaan pero yon ang totoo. May mga kaklase naman ako na lalaki pero wala e, normal na hi & hello lang. Ibang-iba ang pakikitungo ko sa kanila kumpara kay Vince.

Kami kasi ni Vince, ngiti pa lang at tinginan pa lang namin, alam na alam na namin kung ano ang gustong sabihin ng bawat isa.

Kaya sobrang sama ng loob ko kasi ang nakita kong Vince kanina ay ibang-iba sa Vince na kilala at mahal ko.

Siya kasi 'yong tipo ng tao na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya.

Siya kasi 'yong ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang taong pinapahalagan niya.

Siya kasi yong hangga't maaari  ayaw niyang ipadama na nag-iisa ka.

Kaya hindi niyo ko masisisi kung bakit ako nagkakaganito.

2nd year high school pa lang kami ni Vince, magkaklase at magkaibigan na kami niyan. Though nung una, alangan ako na kausapin o tignan man lang siya.

Ewan ko ba kung bakit? Umiiwas lang siguro ako sa pupwedeng mangyari. Saka as far as i'm concern ayaw ko muna mainvolve sa mga lalaki kasi i'm too young for something especially when it comes to emotion thing.

Hanggang sa malapit na matapos ang second year high school at Thank God kasi wala namang pagtatapat na nangyari.

Though inaamin ko na may nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa dahil mas naging close kami 'di tulad ng dati naming set up na may limitations & boundaries kung hanggang saan lang ang pag-uusapan naming dalawa.

Nung tumuntong na kami sa 3rd year, doon nagbago ang lahat. Dahol ang kaisa-isang lalaking kaibigag pinagkakatiwalaan ko...................

ay may gusto pala sa akin.

At alam niyo kung anong naging reaction ko nung sinabi niya sa akin na liligawan niya raw ako at papatunayan niya raw na totoo ang intensiyon niya sa akin?

Tinawanan ko lang. Aba malay ko baka pinagtitripan niya lang ako o di kaya'y magbibiro lang siya. Mahirap na mas mabuti nang sigurado.

Saka sabi ko pa sa kanya na study first muna kasi bata pa kami and bawal pa sa akin magkarelasyon dahil wala pa sa isip ko yang boyfriend boyfriend na yan.

"My Destiny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon