CHAPTER ONE
(DRAKE POV'S)
Ako nga pala si Drake Monteverde at isa akong secret agent, simula pagkabata yun na talaga ang gusto ko maging paglaki at ngayon na natupad kona ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para mapanatiling ligtas ang aking mga kababayan laban sa mga masasamang loob. At the age of 26 I became a great secret agent.
"Kuya, anong ulam?" tanong nito at tinitingnan-tingnan ang bawat sulok ng mesa kung may nakalagay na ulam roon.
"Bumili kana lang kila aling betchay" ani ko rito habang nagsusuklay. Siyempre, kailangang alagaan ko ang aking sarili kasi sayang naman ang kagwapuhan ko diba?
"Ikaw na lang kuya andami kasing lalaking tumatambay dun" pacute nitong turan.
"Ikaw na lang tutal crush mo naman ang anak nya ano ba pangalan nun charles hindi ba?" tanong ko rito habang inaayos ang mga gamit ko.
"Luh...si kuya oh hindi kaya" pagtatanggi pa nito na halata sa mukha nyang kinikilig marinig lang ang pangalan ng crush nya.
"Ay sus! Itatanggi pa eh pero dapat dumaan mona sya sakin"
"Luh...di ko nga alam kung may gusto sakin yun tapos dadaan pa sayo" she said while crossing her arms.
"Oh diba? Idedeny mo pa halata namang may gusto ka sa kanya"
"Hay naku! Kuya sabing hindi"
"Hindi daw"
"Oo nga, hindi ka pa ba aalis 6:55 am na oh 5 minutes left na lang mag aala-syete na" sabi nito sabay pakita sakin ng relo nya.
"Ay aalis nako basta kailangang dumaan mona sakin yan bago maging kayo siyempre bilang kuya dapat protektahan ko ang prinsesa namin" nagmamadaling sabi ko saka nilagay sa bag ang mga kakailanganin kong gamit tulad na lang ng baril.
"Oo na, sige na umalis kana bye" ngiting paalam nito.
"Sige, i-lock mong pinto pag-alis mo mag-aral ng mabuti" bilin ko rito palabas ng pintuan.
"Opo, mag-iingat ka kuya"
"Oo naman, sige bye" paalam ko rito at umalis na.
Sa sobrang laki ng maynila siguradong marami ring mga kriminal na nakapaligid dito kaya lagi akong nakaalisto para iwas gulo.
"Good morning sir" rinig kong iilang bati ng kapwa kong pulis sakin.
"Good morning po major, pinapatawag po kayo ni General" agad na sabi nito ng magkasalubong kami. Nakalimutan ko pa lang sabihin isa na pala akong major ngayon siyempre dahil sa sobrang galing ko kaya narating ko ang posisyong ito.
"Sige, salamat" ngiting saad ko saka na dumiretso sa opisina ni general.
"Good morning sir" bati ko sa kanya sabay saludo.
"Carry on, mabuti naman at nandito kana may importante kasi tayong pag-uusapan" seryosong saad nya kaya umupo nako sa harapan nito.
"Ano po yun sir?" Kunot-noong tanong ko rito.
"Ipapakiusap ko sana sayo na ikaw ang magsilbing Personal bodyguard ng inaanak ko"
"Ho?" gulantang kong sabi kasi ba naman major nako tas gagawin pakong personal bodyguard ano kaya yun?
"Nasa panganib kasi ang buhay nya ngayon dahil sa mga kalaban ng papa nya sa negosyo kaya kailangan nya ng mahusay na magbabantay sa kanya. And ikaw ang napili ko kasi alam kong isa ka sa piankamagaling na agent dito kaya nga ipinagkakatiwala ko sayo ang napakahalagang misyon na ito. Ang papa nya kasi mismo ang nakiusap sakin eh ang hirap ng tumanggi siyempre kumpari ko yun please take my offer dahil sayang rin ang kikitain mo dun triple ng sweldo mo rito ang ibabayad nya sayo basta gawin mo lang ang trabaho mo nang mabuti alam ko namang kayang-kaya mo yun 😊" mahabang litanya nito. Ayoko sana e kasi parang nag-aalangan ako pero wala namang masama mabait naman siguro ang babantayan ko kaya sige na nga lang.
BINABASA MO ANG
SHE'S MY HOT BOSS
RomanceDISCLAIMER This is work of fiction.Names,character,business,places,events and incident are either products of the author's imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person living or dead or actual events is purely co...