SHE'S MY HOT BOSS

0 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

"Really?"

"Yes, just wait for me there because I'm on my way but if natagalan ako mauna na lang kayo sa bar at susunod na lang ako"

"If you say so then godluck to you"

"Thanks, bye" paalam ko sa kanya at inend ang call. So hindi nako nagpatumpik-tumpik pa boom karaka-raka char pinuntahan ko na agad si Mang bensyo.

"Mang bensyo" tawag ko rito.

"Ay kayo po pala ma'am bakit po may kailangan ho ba kayo?" magalang nyang pagkakasabi sa akin.

"Yes, I go straight to the point I need you to help me get out of here manong" diretsang saad ko sa kanya.

"Pero ma'am baka malagot ho ako kay sir"

"Hindi sya boss dito, he is just a bodyguard kaya ako ang dapat na sundin nyo hindi sya, understand!?"

"Kasi po ma'am-" naputol na ang kanyang sasabihin ng bigla akong magsalita.

"Don't say anything mang bensyo just do what I say, okay?"

"Opo ma'am" agad na sabi nito na ikinangiti ko naman ng bahagya.

"Mamayang gabi dalhin nyo ang sasakyan ko dun sa likod siguraduhin nyong walang makakakita sa inyo lalong-lalo na ang lalaking yun" mahinang sabi ko rito mahirap na baka marinig pa ng aroganteng yun.

"O-opo ma'am" nauutal nyang sagot sakin.

"Sige manong magkita na lang tayo mamaya bumalik na kayo sa trabaho nyo baka makahalata pa ang siraulo kong bodyguard" agad na utos ko sa kanya at bumalik na nga ito sa kanyang pwesto kanina kaya masaya akong bumalik sa loob.

"Mukhang masaya Ka ata ma'am ah" sabi ni yaya jane ng makita nya akong nakangiti.

"Oo naman" saad ko at binigyan ng pang-iinis na ngiti ang lalaking makatayo sa gilid na walang iba kundi ang aking bodyguard.

"Kung nagbabalak kayong lumabas mas mabuting wag na lang po baka kasi may nakaabang na po sa inyo dun sa labas at mapahamak pa kayo" walang ekepresyong sabi nito habang nakatanaw sa malayo. Kainis! Kahit kailan wala na syang ibang ginawa kundi ang buysitin ako.

"And how dare you-" naputol ang aking sasabihin ng maalala ang aking plano hindi ako pwedeng magpadala ngayon sa aking inis na nararamdaman baka masira pa ang ginawa kong plano. "Don't worry, I'm not going anywhere I feel tired now so I gotta go to my room and have a beauty rest so don't you ever disturb me" seryoso kong saad saka pumunta na sa aking kwarto.

"Mabuti naman kung ganon" ngiting saad nito sakin. Bakit ba ang hilig-hilig nyang buysitin ako pero sige lang dahil matatakasan din kita mamaya tingnan lang natin kung makakangiti ka pa.

"Makalipas ang ilang oras ay unti-unti ng gumagabi hanggang sa dumilim na nga ito so this is the perfect time to do my plan. Hinihintay ko talagang dumaan ang arogante na yun dahil alam kong susubukan nyang buksan ang aking pintuan pero ng mapagtanto nitong lock ay agad din itong umalis. Dahan-dahan akong lumabas at saka tumingin sa kaliwa't-kanan mahirap na baka mahuli pa nya ako hanggang sa matagumpay akong nakarating sa lugar na pinag-uusapan namin ni mang bensyo at nakita ko syang naghihintay na nga sa akin.

"Mang bensyo" pabulong kong tawag sa kanya.

"Ay kayo po pala ma'am"

"Wala bang nakakita sa inyo?" paninigurado ko sa kanya para siguradong makakarating ako sa bar ng walang problema.

"Wala naman ho ma'am pero kinakabahan ho ako eh baka malaman ni sir" halata ngang may pangamba sa kanyang boses.

"Wag na ho kayong kabahan manong wala namang nakakita sa inyo eh hindi nya naman nalalaman kung hindi nyo isusumbong sa kanya. Sige na manong aalis nako salamat sa pagtulong" nagmamadaling sabi ko saka pumasok sa loob ng kotse.

"Basta't bilisan nyo lang po ma'am baka mahalata ni sir na wala ho kayo rito" pagpapaalala nya sakin.

"Oo manong mabilis lang to kaya bumalik na kayo doon sa loob baka talagang mahalata nyang wala ako kwarto ko" utos ko rito at agad na pinaandar ang kotse papunta sa bar. Ang saya natakasan ko sya haha akala nya siguro kaya nya ako hindi nya yata alam na wais ako no.

(DRAKE POV'S)

Napakasunhit talaga nya pero sa mga oras nato ay tila naging mabait sya natuto na itong sundin ang mga sinasabi ko sa kanya na talagang nakakapagduda kaya naman pinuntahan ko ang kanyang kwarto para siguraduhing nandoon nga sya ngunit nakalock ito kaya baka naroroon nga sya't natutulog kaya bumalik na ako sa baba para magbantay sa kanilang bahay upang masiguradong ligtas nga si ma'am arianna.

Sir is calling.... (Daddy ni Arianna)

"Hello sir, magandang gabi po" bati ko rito.

"Ganoon din sayo, ah major pwede bang pakipuntahan mo si arianna hindi nya kasi sinasagot ang mga tawag ko eh, maaari ba?"

"Ah opo sir, ngayon din po at pupunta ako sa kwarto nya para pagsabihan sya"

"Sige, salamat" huling sinabi nya at pinatay ang call. Kagaya ng inutos sa akin ni sir pinuntahan ko na ang kanyang kwarto ngunit ganoon na lamang ang aking gulat ng bukas na ito kaya hindi nako nagdalawang-isip na pumasok sa loob. Hinahalughog ko na ang bawat sulok ng kwarto pero hindi ko pa rin sya makita.

"Ang tigas talaga ng ulo" tanging ko na lamang at bumalik sa baba pinatawag ko ang lahat ng naglilingkod rito baka may kinalamanan sila sa pagtakas ni arianna.

"Kung sinuman ang may alam kung nasaan ngayon si ma'am arianna umamin na kayo sakin" seryosong saad ko sa kanila pero nanatili pa rin silang tahimik at nagkakatitigan lang.

"Mas mabuting sabihin nyo na dahil habang tumatagal lalong napipeligro ang buhay ng ma'am nyo kaya please sabihin nyo na sakin" pagmamakaawa ko sa kanila pero tahimik pa rin ang mga ito hanggang sa lumapit sakin ang hardinero nila siguro hindi na nya natiis na itago pa sa akin ang kanyang nalalaman.

"Ah sir, pasensya na ho kayo nakiusap ho kasi si ma'am sakin sir kaya ko po syang makalabas ng bahay pasensya na po talaga" hinging tawad ng may edad ng lalaki pagkatapos nyang aminin sa akin ang totoo.

"Ano? Mang bensyo Diba alam nyo naman po ang nangyari kay sir Albert hindi malabong mangyari na gawin din nila kay ma'am arianna yun" mahinahong paliwanag ko sa kanila. Iginagalang nila ako dahil alam nilang lahat na isa akong secret agent sinabi na kasi sa kanila ni sir tanging si ma'am arianna lang ang hindi nakakaalam ng pagkatao ko.

"Pasensya na po talaga sir"

"Sabihin nyo sakin kung saan sya pumunta?" tanong ko rito at sinabi nya naman sa akin kung saan.

"Kahit kailan hindi ka talaga marunong makinig" sabi ko sa aking sarili habang ako'y nagmamaneho. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo nya pinaliwanag ko na nga sa kanya na napakadelikado pa ng panahong 'to para sa kanya dahil hanggang ngayon hindi pa rin nadadakip ang may tunay na sala. Paano nya nagagawang pumunta sa ibang lugar pagkatapos ng nangyari yung iba nga gugustuhin na lang na wag lumabas para walang may mangyaring masama sa kanila pero sya iba nakakabilib talaga ang tapang nya.

🤗

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE'S MY HOT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon