LAD Chapter 3: Flashback 3

22 3 0
                                    

Umalingaw-ngaw ang boses na iyon sa buong bagay.

Masaydong naging mabilis ang mga pangyayari, nalaman ko nalang na nakahandusay na sa sahig si Chanyeol. Mabilis kong kinuha ang mga damit ko at isinuot agad. Gulat pa rin ako sa mga nangyayari. Natauhan nalang ako ulit nang biglang hinigit ni Kai ang kwelyo ni Chanyeol at mukhang susuntukin niya ito muli.

Kaya naman agad akong napatayo at humarang kay Chanyeol. Yinakap ko ito at pumikit dahil sa paparating na suntok sa kanya ni Kai. Naghintay ako, pero walang dumating.

" Alam mo Soo, ang sakit pala. Ang sakit masaktan ng dahil sa mahal mo. Linoko mo'ko "

Rinig kong sabi ni Kai. Sobrang lungkot ng boses niyang iyon. Para akong sinaksak dahil sa konsyensya ko. Sinenyasan ko naman agad si Chanyeol na umalis na at ginawa niya naman ito bago ako humarap sa kanya.

May namumuong luha sa gilid ng mga nito. Sobrang nasasaktan ako. Ayaw kong makita siyang ganyan.

" At alam mo yung mas masakit pa? Yun yung naiinis ako sa sarili ko kung bakid di kita magawang iwan kahit alam ko na noon pa "

Ano? Alam niya? Noon pa? Hindi ko maintindihan. Tiningnan ko siya sa mata. Ang mga mata niyang puno ng sakit, galit at tila nagsusumamo. Di ko mapigilan ang mga luha ko na kusa na lang tumutulo na walang pasabi. Kaya naman sinenyasan ko muna si Chanyeol na umalis na. At sinunod niya naman ito kaagad.

" Oo Hyung. Matagal ko ng alam. Ewan ko ba. Maryado nga siguro kitang mahal kaya nagbubulag-bulagan at nagbingi-bingihan nalang ako. Martyr na kung martyr. Yung tipong inaantay lang kitang matapos sa kausap mo sa phone mo bago ako eeksena. Yung totoo? Masakit? Sobrang sakit! Pero anong ginawa ko? Hinayaan ko lang kayo. Ganun kita kamahal para magpakamartyr ako sayo. "

Nakita kong huminto siya para punasan ang mga luha niya na walang katapusan sa pagtulo. Ngayon ko lang mas lalong marealize ang nagawa kong pagtataksil sa kanya. Di ko magawang magsalita. Nahihiya ako. Nakokonsyensya.

" Pero anong ginawa mo Hyung? Di ko na alam. Di ko na alam ang gagawin ko! "

He said between his sobs. Napaupo na lang ito at napasabunot sa buhok niya na parang nagpipigil ng galit. Eh ano pa bang aasahan ko, sobra ko siyang nasaktan. Ako? Heto at parang ewan na umiiyak habang nakikinig sa sermon niya. Hanggang sa napaupo na din ako sa sofa. Tiningnan ko siya, nakayuko lang ito at patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.

" S-sorry " Tanging sambit ko pero parang di niya narinig

" Ewan. Litong-lito na ako sa kung ano tayo. Sobrang sakit na kasi. Namimilipit na ako sa sobrang hapdi. Ganito ba magmahal ng isang Kyungsoo? "

Pagkatapos niyang sabihin yun ay tiningnan niya ako sa mata. Tanaw ko naman ulit ang mga nangungusap niyang mata. Nandun pa rin ang sakit at galit sa mga matayang yun.

" Sabihin mo nga Soo, mahal mo pa rin ba ako? "

Tanong nito. Natigilan at tila naghihintay ng sagot mula sakin. Mahak ko naman talaga siya diba? Yung nga lang at dala sila na mahal ko.

Nabaling naman ang atensyon ko sa mga luhang nangingilid sa mga mata niya. Ramdam ko ang hinanakit sa mga luha niyang iyon.

" Mali ata ako ng tanong, mas tama sigurong sabihin kung minahal mo nga ba talaga ako? "

" Babe, alam mong mahal kita. Mahal na mahal " ako

" Pero paano mo nagawa sakin to? Ang pagtataksil? May kulang ba ako? Ano? Sabihin mo? Am I not enough? " sabi nito

" No Kai! Walang sayo. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ako ang may kasalanan. Ako ang may kulang. Patawad. " ako

" Sh!t this life! " inis nitong sabi at nagtungo agad sa kwarto

What I have done? Di ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam na maipit sa dalawang mahal mo. Nagmahal lang naman ako di ba? Yun nga lang sakin, dalawa!

Sinundan ko naman siya. Nadatnan ko siyang nasa kanang gilid ng kama. He's actually facing the wall.

Huminga din ako at lumapit sa kanya. Alam kong galit siya pero bahala na. Yumakap ako sa kanya pero wala siyang tugon. Tiningnan ko siya. Nakapikit ang mga mata nito. Tulog na siguro.

Gayunpaman, hindi pa rin ako kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Bagkos mas siniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya.

" Sorry babe ah, for cheating you. Ewan ko ba sa puso kong ito, dalawa ko kayong minahal. Wala naman talagang kulang sayo, it just that ako lang itong hindi nakontento. Ako ang dapat na sisihin dito eh. Ako ang nagkasala. Pero sana mapatawad mo pa rin ako. Hindi man ngayon, o bukas pero sa tamang panahon. Maghihintay ako "

Pagkatapos kong sabihin yun, ay sumabay na din ako antok ko at natulog na.

Kai's POV

" Sorry Babe, --- "

Nang maramdaman kong tulog na siya ay hinarap ko ito.

" Sana nga mapatawad pa kita Hyung. Before, I really can't afford to lose you, as if losing you is living in hell. Pero ewan, di ko na alam ngayon kung ganun pa rin ba. Sobra kasi akong nasaktan. Parang pinipiga sa sobrang sakit ang puso ko. Tila may malakin sugat na mukang malabo ng maghilom. Pero kung maghilom, then the scar will always remind me of everything. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. "

Hinawi ko naman ang buhok sa noo niya. At pinahid ko naman ang mga luha niyang malapit ng matuyo. I am really under a great pain inside me.

Hinalikan ko naman ang noo niya. " I love you but I'm sorry " And kiss him on his lips. I just can't resist.


LIFE and DEATHWhere stories live. Discover now