LAD Chapter 4: Flashback 4

21 2 0
                                    

Kyungsoo's POV

Simula ng gumising ako ay ang cold na ng trato nito sakin. Hindi na nga siya sumasabay kumain sakin ei. Pinagluluto ko siya pero hindi niya it ginagalaw kahit na tikim man lang. Hindi na din siya tumatabi sakin kapag natutulog. Sa sofa lang siya palagi. Hindi din siya nagdadala ng paborito kong sundae at float. Hindi na rin siya sumasabay sakin kahit sa pagligo. And all of these are so an odd thing to me.

Di ko mapigilan, naiiyak ako sa tuwing ginagawa niya ito. Marahil hindi na niya ako mahal. Nagsawa na ito sakin. At di ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Ako din kasi eh. Kasalanan ko rin namatan to lahat. Nagkamali ako at alam ko sa sarili ko yun. Pinagsisihan ko naman eh.



~.~



Mahigit 1 buwan at 2 linggo ang lumipas ganun pa din. Gabi-gabi nalang ako umiiyak. Minsan nga pag naliligo ako, dun ko binubuhos lahat. Lahat-lahat. Hirap na hirap na din ako. At nawawalan na ng pag-asa na babalik sa dati ang lahat.

Si Chanyeol? Ayun parati paring nagtetext na sa kanya nalang ako sumama. Araw-araw nalang nagte-text. Pero wala akong pakialam, si Kai lang ang gusto ko ngayon.

Nandito ako sa sofa. Nagpipigil ng iyak. Habang siya, mag-isang kumakain sa kusina. Ganun na lang ba yun? Akala ba niya hindi rin ako nahihirapan sa sitwasyon namin? Nasasaktan? Sobra pa nga eh.

Hanggang sa nakita kong lumabas siya sa kusina at nagtuloy-tuloy patungo sa pinto sa labas.

" San ka pupunta? "

Sinubukan kong itanong. Nagbabakasakaling sagutin niya ako. Tiningnan niya lang ako at wala ni isang salita akong natanggap mula sa kanya bago ito tuluyang umalis.

Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Ewan ko ba, di na ko nasanay. Ganito naman palagi eh. Pwede naman akong umalis pero di ko magawa. Mahal ko siya eh.

Isa lang ang alam kong makakatulong sakin ngayon. Agad kong kinuha ang phone ko at nagdial.

" Hello? " sagot nito

" Chanyeol? *sob* Ano kasi *sob* si Kyung *sob* soo to *sob* " ako

" Soo? Bakit, okay ka lang ba? "

" Anong nangyari? Bat ka umiiyak? "

" Puntahan mo ko sa bahay please? " ako na nanginginig ang boses

" Sige, sige, antayin mo diyan. I'll come. " alalang sabi nito

Mabuti pa si Chanyeol at nandiyan parati para sakin. Hindi niya ako binibigo sa tuwing kailangan ko siya.

Wala pang 5 minuto ay dumating na si Chanyeol.

" Bakit Soo? Sabihin mo, anong nangyari? Sinaktan ka ba niya? Ha? "

Alalang tanong nito at sabay yakap sakin. I feel comfort. His arms enveloping me. I feel safe.

" Okay ka lang ba? " tanong nito

Nginitian ko lang siya tsaka tumango. Hindi nga ako nagkamali sa pagtawag sa kanya. He's definitely the one who I can always lean on during my darkest hours.

Kai's POV

Alam kong galit kayo kung bakit ganito ako umasta kay Kyungsoo. Ito lang kasi ang alam kong paraan para makalimutan ang ginwa niya sakin. To act cold as ice.

Sa bawat gabing umiiyak siya? Alam ko, at nasasaktan ako. Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa tuwing makikita ko siya bumabalik lang ang mga pangyayari sa nakaraan.

Ilang buwan at linggo na din ang lumipas na ganito parin ako sa kanya. And to tell you honestly, I'm getting on my way to forgive him. Konti nalang at mapapatawad ko na talaga siya. Konting-konti nalang. Siguro naman, everbody deserves a second chance.

Kumakain ako ngayon kasi may pupuntahan ako mamaya. At nung natapos na ako, papaalis na sana ako ng may biglang nagsalita.

" San ka pupunta? "

Tanong nito. Tiningnan ko lang siya at di umimik. So-sorpresahin ko sana siya na malapit ko na siyang mapatawad at ayun at umalis na ako ng tuluyan.

Dumiretso agad ako sa para bumili ng paborito niyang sundae at float. At bumili na rin ako ng Burger. Pinadali ko pa talaga yan para makauwi na ako agad. Excited ba? Masaya lang.

Kyungsoo's POV

" Pinakaba mo naman ako babe, akala ko kung ano ng nangyari sayo " - Chanyeol

" Ano ka ba. Na-miss lang kita " - sabi ko

Tapos ay pinikot niya ako sa ilong.

" Ikaw talaga, pinapakilig mo nanaman ako " sabi niya


" Aaaarrraayy anu ka ba. Eh sa totoo naman " ako

" Ikaw talaga! " siya tas binitiwan na niya ang ilong ko

" Nga pala Soo, ba't di ka nalang sumama sakin? Mahal mo naman ako di ba? And besides, boyfriend pa naman kita " tanong nito

" Ah-eh k-kasi. Ahmm " ako

" Mahal mo naman ako diba? " ulit nito

Mahal? Mahal ko pa rin ba si Chanyeol? Oo ba dapat na isagot ko? Napatingin naman ako sa kanya. Papalapit ng papalapit ang mukha niya sakin. Hanggang sa naglapat na nga ang mga labi namin sa isa't-isa. Di ako makagalaw. Gusto ko siyang itulak dahil baka makita kami ni kami. Pero sadyang sobrang lakas niya at di ko magawang kumawala sa mga halik niya. Nang biglang bumukas ang pinto.

" K-KAI? "


LIFE and DEATHWhere stories live. Discover now