Halos maglabasan na ang mga ugat sa lalamunan ni Damon dahil sa gigil habang hinahabol ang kapatid. Nakarating na silang dalawa sa sala kung saan nanonood ng TV ang mga magulang nilang sina Esther at Robert.
"Halika ritong kutong-lupa ka at nang matiris kita!"
Nasa bahay na sila kaya magagantihan na niya itong kapatid niya na pinahiya ang babaeng mahal niya kanina.
"Kuya, sorry na kasi! Huwag ka nang magalit!" hin-gi ng tawad ni Mei-Mei saka nagtago sa likod ng papa nila. Si Roberto ay nakatayo sa gilid ng sofa habang ang mama naman niya ay nakaupo sa sofa rin na iyon. Pilit naman niya itong inaabot pero iniiwas naman ni Roberto ang bunsong anak.
"Damon! Ano ba 'yan, para kayong mga bata! Ano bang ginawa nitong kapatid mo?" nagtatakang tanong ng ama nila.
"'Yang magaling mong anak, 'Tay, pinahiya iyong prinsesa ko sa school!" galit na galit na sigaw ni Damon.
Sa sinabi niya ay tiningnan naman ng masama ni Roberto si Mei-Mei. "Totoo ba iyon, Mei-Mei?" striktong ta-nong nito. Hindi rin naman makapagsinungaling ang mag-aling niyang kapatid dahil takot ito sa ama nila.
"Kasi naman, 'Pa, si Kuya, mas pinili pang samahan yung crush niya kaysa sa akin na mag-enroll. Inagahan ko na lang tuloy dahil ayaw ko silang makita. Pagkatapos 'yung Shaine niya e, sumingit pa sa pila," pangangatwiran ni Mei-Mei na parang isang maamong tupa, malayong-malayo sa amasonang side nito na nagtaray-taray kay Shaine sa enroll-ment.
"Hindi siya sumingit! Hinila siya nang guwardiya! Wala siyang magawa dahil natararanta na siya dahil pinag-kakaguluhan na siya ng mga tao. Sumunod na lang siya dahil lalo lang magkakagulo sa pila ng registrar kapag nagtagal pa siya roon!" naiinis na paliwanag ni Damon sa kapatid.
"Hmp! Pinagtatanggol mo lang naman 'yang babae na iyan, eh! Ang sabihin mo, ginagamit niya 'yung kasikatan niya para hindi na siya mapagod sa pagpila! Ordinaryong es-tudyante rin siya kaya dapat lang na maghirap siya!" naiinis rin na sagot ni Mei-Mei.
"Alam mo na ngang dinudumog na 'yung tao e, pa-pipilahin mo pa! Paano kung masaktan siya, ha? 'Di bale sana kung nasa tabi niya ako!"
"Bakit, ano ka ba niya? Bulldog o bodyguard para sundan mo siya kahit saan siya magpunta? Ganyan ka naman, e! Parang mas importante pa siya sa 'yo kaysa sa tunay mong kapatid!"
"Sasagot ka pa, ah?! Gusto mo yata talagang mako-tongan e—" Siya naman ang tiningnan ng masama ni Rober-to. Tumahimik siya at ibinaba ang kamay na inangat niya sa kagustuhang makotongan ang kapatid.
Bumuntong-hininga na lang si Roberto. "Mei-Mei, alam mo naman ang sitwasyon ni Shaine, hindi ba? May katwiran naman ang kuya mo, sikat siya at hindi malabong masaktan ng walang security. Paano kung ikaw ang nasa lagay niya tapos imbes na tulungan ka ay ipinahiya ka pa? Ano'ng gagawin mo?" mahinahong sermon ni Roberto.
Natahimik at napayuko na lang ito. At dahil doon ay napangisi si Damon. "Si Papa lang pala katapat nito," sa isip-isip niya.
"Mag-sorry ka sa kanya," sabi ni Roberto. Nag-angat ng ulo si Mei-Mei.
"Ayaw ko nga! Tama lang ang ginawa ko 'no! Wala naman akong kasalanan sa Shaine na 'yun!" pagmamatigas pa rin nito saka binalingan ang nakakatandang kapatid. "Ang sabihin mo, Kuya, sinadya mo lang magpatanghali para sa hulihan kayo ng pila mapunta at mas makasama mo pa siya nang mas matagal! Pakiramdam mo kasi knight in shining armor ka pero sa totoo lang e, mas kamukha mo naman iyong kabayo na sinasakyan ng isang prinsipe!" parang batang sabi nito na nagpaangat ng kilay niya.
BINABASA MO ANG
17. Strange Love (Published By Viva Books)
Teen FictionShaine is a famous young international model with the world at her feet. But, as a girl who longs to be normal again, she gives up her glamourous life to continue her studies in the Philippines and to be with her childhood friend, Damon, who is secr...