"Baliw!"
Kinaltukan ako ni Ella. Mayroon pa kaming klase ngayon sa Computer at kausap ko siya tungkol sa amin ng jowa ko. May hindi kasi kami pagkakaintindihan at masyado ring komplikado ang relasyon namin kaya nagsasabi ako kay Ellaine. May MU kasi siya, si Dylan, at alam kong mas alam niya kung paano mag-handle ng isang relationship kaysa sa aking ilang beses na nag-try pumasok doon. Pero laging fail.
"Ang gulo niyo! Hindi ko alam sayo!" pangbubulyaw niya sa akin.
"Siya kasi hindi niya ako maintindihan."
"Eh 'di ipaintindi mo."
"Eh hindi nga siya ganun!"
"Eh, bahala ka!"
"Paano naman kasi...Kausap ko lang naman kagrupo ko kanina, si Daniel. 'Yung isa sa matangkad na kaklase natin."
"Oh, tapus?" Pinukulan niya ako ng masamang tingin.
"Tapus nag-chat si ano sa akin," Ang boyfriend ko. "Nagseselos," papanapus ko.
"Oh? Anong ginawa mo?"
"Eh 'di nag-explain ako na kagrupo ko lang 'yun! Eh, hindi ko naman tipo si Daniel para maging crush. May itsura pero wala talaga, ayoko."
"At si Gio?"
"Bumababa na ang standard niya para sa akin."
"Putek ka!"
"Ella naman. Anong gagawin ko? Tulungan mo ako! Advise pa!"
Inalog-alog ko pa siya na naging dahilan para lalo niya akong samaan ng tingin. "Ikaw ang gumusto, ikaw ang mag-ayus. Ang dami ko ng advice sayo!"
"Kumusta na ba kayo ni Dylan?" pag-iiba ko ng usapan at naiba ang ihip ng hangin nang mabanggit ko ang pangalan ng MU niya. May nangyari kaya?
Wala kaming group chat at mas lalong wala kaming kausap-usap sa PM namin sa Messenger. Para kaming hindi magkaibigan kung titignan dahil sa personal lang kami nakakapag-usap. Pag nasa school lang.
"Wala," Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti, ngiting akala mo ay maayus na ang lahat pero hindi naman pala. "Maayus kami pero recently kasi nagpaparamdam si Harold eh."
"Gaga, 'yung ex mo?!" sigaw ko.
"Hoy, putek ka, huwag kang sumigaw! Tsaka, ex-MU! Hindi 'ex'!" pabulong niyang pagbawal sa akin.
"Kinakausap mo ba?"
"Oo pero hindi gaano masyado. Minsan lang kapag may nakikita ako."
"Alam ni Dylan?"
"Oo."
"Oh, ano?"
"Ha?" Kumunot ang noo niya. "Anong 'ano'?" tanong niya.
"Anong reaction niya noong sinabi mong nakakausap mo?"
"Nagselos, syempre, pero ayus na kami. May pangakuan kasi kami ni Harold dati na magiging magkaibigan kami, best friends, kapag nagkahiwalay na kami ng landas."
"Oh, Grade 6 pa 'yun ah."
"Oo."
"Naaalala mo pa?"
"Oo."
"Mahirap kalimutan ang memories 'no?"
"Hindi mo naman dapat kalimutan ang nakaraan dahil nalampasan mo 'yun. Pero kung may kakalimutan ka man sa past mo, 'yung nararamdaman mo nalang sa tao. 'Yung mga hinanakit mong pwede mo pang maalala pero pinapatawad mo na siya. Iyun ang dapat kalimutan pero...hindi ko ginawa," aniya.
BINABASA MO ANG
Chances of the Charmer (Algea Series #3)
RomanceAlgea Series #3 Religion is a particular system of faith and worship. By marrying or loving someone as different as yours is forbidden, because it can cause faith confusion. But God's plan never fails. His love never fails. Because love does not di...